KABANATA 30

7 1 0
                                    

Iris POV

Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Bukod sa pagkalito, feeling ko nasasaktan rin ako. Hindi ko inaasahan na makikita kong may kasamang ibang babae si Marl kanina, pero mas hindi ko inaasahan yung nakita ko kanina, kung paano nya tignan yung Minari, gusto kong malaman kung anong nasa isip nya.

Alam kong malaki yung role ni Minari sa buhay ni Marl noon, hindi ko rin alam ang kumpletong detalye kung paano ang naging relasyon nila noon. Kung maayos ba silang naghiwalay, or kung ano man.

Kakatapos ko lang maligo nang maka-receive ako ng message. Anong oras na ah, ang creepy tuloy.

Unknown Number:

Hi, binabantayan kita.

Agad ko namang ibinaba ang phone ko, napahawak agad ako sa ulo ko. Kailan kaya ako tatantanan nitong mga 'to.

Nakaramdam naman ako ng antok sa kakaisip buong gabi, hindi ko na nilabanan pa at natulog na rin ako.

Bungad naman ng aking umaga ay si Lili, tinatanong nya kung ayos lang ba ako. Nakita ko rin na maraming message si Marl, maging ang iba pa naming mga kaibigan.

Nagulat naman ako nang nagmamadaling umakyat papuntang kwarto nya si Lili.  "Mukhang mapapaaga ako ng alis, nasa ospital si Tita may sakit, mukhang kailangan nya pa operahan, tulungan mo akong mag impake ng gamit." halos pasigaw na sabi nito, agad naman akong tumakbo paakyat para tumulong. Mabuti na nga lang at hindi ako nagmamadali ngayon dahil mamayang alas-dos pa naman ang simula ng meeting ko.

"Nakapagpaalam ka na ba?" tanong ko dito, agad naman siyang tumango. "Oo, nakausap ko na si Mama at Paps." agad ko naman siyang nginisian.  "kay Cy kasi." natatawang sabi ko dito, agad nya naman akong inirapan.  "Yeah, nag message ako kani-kanina lang, ihahatid nya daw ako." agad naman akong ngumisi.

"Tara na?" tanong sa 'min ni Cy, agad naman kaming tumango. Tahimik lang kaming tatlo sa biyahe, halos walang nagsasalita. Nagpapalitan lamang ng tingin yung dalawa, napangisi naman ako.

Nagulat naman kami nang may makasalubong kaming malaking truck, pilit naman itong iniwasan ni Cy. Malakas namang humampas ang ulo ko sa bintana, nanlalabo rin ang aking paningin.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Lili sa 'kin, may sinabi rin si Cy pero hindi ko na ito maintindihan, tuluyan nang dumilim ang aking paligid.




Marl's POV

Tulala ako sa isang tabi nang makatanggap ako ng tawag mula kay Lili. Tila naman nabingi ako nang ibalita niyang nasa ospital sila at walang malay si Iris.

Agad naman akong nagtungo kung nasaan sila, hindi ako mapakali at lubos akong nag-aalala. Ikinuwento sa 'kin ni Lili kung ano ang nangyari, sinabi rin nito na hihintayin nya lang magkaroon ng malay si Iris at aalis na sya dahil kailangan nya na rin umalis dahil nasa ospital din ang kaniyang tita.

Blangko maman akong nakatingin sa walang malay na si Iris, payapa siyang nakahiga sa hospital bed na para bang mahimbing lamang na natutulog, hindi namin alam kung kailan sya magigising.

Tatlong oras na ang lumipas at hindi pa rin ito nagigising, nagpaalam naman si Lili sandali dahil kinakailangan nya na rin umalis. Nabanggit nya naman na may papapuntahin na lamang sya dito para magbantay kay Iris, since for sure daw ayaw nito ipasabi sa magulang nila.

Nagulat naman ako nang makitang tumatawag sa 'kin si Nari, agad naman akong lumabas para sagutin ito nang may makabangga akong lalaki. Humingi naman ako ng paumanhin, saka tuluyang umalis.

"Nasaan ka? Pwede ba tayong magkita ngayon?" tanong nito, malungkot ang boses nito, may nangyari kaya? agad naman akong napaisip.  "Kailangan kita, nandito ako sa café malapit sa dati naming bahay." saad nito saka pinatay ang tawag.

Pabalik na ako sa room kung nasaan si Iris nang matanaw ko ang isang lalaking nakasuot ng itim na t-shirt, itim na pantalon, kulay blue na sapatos, naka sumbrero at face mask na itim. Kalalabas lamang nito sa kwarto ni Iris, agad naman akong tumakbo papalapit ngunit nagmadali din itong umalis. Hahabulin ko sana ito nang maalala ko si Iris, agad naman akong pumasok sa room nya para i-check kung okay lang sya. Maayos naman ang lagay nya, wala namang nagbago. Sino kaya 'yon?

Maya-maya pa ay may dumating na isang babae at isang lalaki, kaibigan daw sila ni Iris. Sinabi naman nila na pinapunta sila ni Lili, malalim naman ang tingin na ibinigay sa 'kin nung lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, sya yung Aden.

Agad naman akong nagpaalam sa kanila at sinabing may pupuntahan lang ako, babalik rin ako mamaya para tignan ang lagay ni Iris.

Nang makarating ako sa place kung nasaan si Nari, agad naman siyang kumaway. Nilapitan ko rin ito agad at kinausap.  "Kumusta?" tanong ko dito, agad naman siyang ngumiti. "Buti dumating ka, akala ko hindi mo ako sisiputin." malungkot na sabi nito. "Anong problema?" agad kong tanong sa kanya, makitid naman siyang ngumiti.  "I miss you, walang araw na hindi kita naisip. Palagi akong nagi-guilty, ayoko man na iwan ka pero wala akong choice. Pinilit ako ng daddy mo na tanggapin yung offer nya na pera at pag-aaralin ako sa ibang bansa, alam n'yang nasa ospital si tatay that time kaya wala akong nagawa..." natulala naman ako sa sinabi nya. "Sorry...hindi kita gustong iwan, alam natin pareho kung anong nangyayari nung mga panahon na 'yon." mapait naman akong ngumiti. "Wala kang kasalanan, hindi mo naman ginusto na mangyari 'yon. Sorry din, hindi ko alam yung pinag gagagawa ni daddy, hindi manlang kita naprotektahan." agad naman skyang ngumiti.

"Pwede bang bumalik tayo sa umpisa?" seryosong sabi nito, dahilan para matahimik ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now