KABANATA 16

10 2 0
                                    

Iris POV

Maaga naman akong nagising, nanaginip na naman ako. Hindi ko na alam nangyayari sa 'kin, padalas na sya ng padalas.

"Saan mo 'to gustong itago?" tinig ng isang ale, katulad nung boses na narinig ko sa una kong panaginip.  "Hindi ko pa po alam, Mommy." boses ng isang bata. "What if, ibaon natin sya sa lupa?" suhestiyon ng ale. Nanatili itong malabo, ngunit ang boses ng dalawa ay malinaw sa akin.  "Yes, Mom. Then, let's put some flower." masayang sabi ng bata.

"Ayan na! May lock yung kahon na 'yon, anak. Nasaan nga ulit ang susi?" tanong ng ale sa bata. "Sa loob po ng book." pabulong na sabi nito sa babae. "Very good, hindi mo 'yon pwedeng sabihin sa iba, okay? It's our secret." bilin ng ale sa batang babae. "Yes Mom, it's our secret." masayang tugon nito.

"Tara sa Mall, magshopping naman tayo."  Pag-aaya ni Lili sa 'kin. "Isuot natin yung regalo sa 'tin ni Papa. Nalabahan na naman kagabi." masayang sabi nito, agad nya naman akong hinila papasok sa cr ng kwarto ko. "Bilisan mo maligo ha? Maliligo na rin ako." saad nito bago ako iwan.

"Ang ganda mo talaga!" nakagiting sabi nito sa 'kin. "Wag mo akong bolahin, hindi kita ililibre" Sumimangot naman sya. "Damot, Pizza at Ice Cream lang eh." Nakangusong sabi nito. "Oo na."  natatawang sabi ko.

Nang makarating kami sa Mall, ramdam na ramdam ko naman ang isang matalim na tingin mula sa malayo. Nagmadali naman kaming lumakad papasok. Gamit namin yung kotse na iniwan ni Papa before as a gift. Kaso ako lang halos ang gumagamit since takot magmaneho si Lili.

"Bakit ka nanunulak?" saad ni Lili na tila ba iritado sa ginagawa ko sa kanya. "Sumunod ka na lang."  Seryosong sabi ko. Papunta na kami sa bilihan ng Pizza nang may humawak sa kamay ako, nagulat naman ako. "Hi, ate!" masayang bati sa 'kin ni Mat, nginitian ko naman sya. "Oh, hello." nakangiting sabi ko, dumaan naman si Marl sa gitna namin, sinamaan naman sya ng tingin ng kapatid nya. "Stop it, Kuya!" malakas na sigaw nito dahilan para mapatingin ang iba. "Why? Wala akong ginagawa." natatawang saad nito, ibinalik naman ni Mat sa pagkakahawak sa kamay ko ang kamay nya. Dumaan ulit si Marl.  "I said stop it! She's mine!" galit na sabi nito sa kapatid, mukhang alam ko naman kung ano ang nangyayari. Hinawakan naman ni Lili ang kamay ko, sinasabing pumasok na kami sa loob. Matalim namang tumingin si Mat sa kanya. "Don't touch her." Malamig na sabi nito, agad naman kumunot ang noo ni Lili. "Kaibigan nya ako." natatawang sabi ni Lili.  "Fine." sagot naman ng bata.

"Bakit ba kasama natin sila?" nagtatakang sabi ni Lili.  "Hindi ko din alam." maging sa upuan ay nag-aagawan ang magkapatid. Mukhang natutuwa si Marl makitang nagagalit ang bunso niyang kapatid.

Nagpaalam na si Marl na kailangan na nilang umuwi, nagpupumilit pang maiwan si Mat ngunit wala siyang nagawa kung 'di ang sumunod sa nakatatanda niyang kapatid. "I hate you so much." saad ni Mat sa kapatid bago mauna sa paglalakad. Natawa naman kami ni Lili pareho.

Papunta na sana kami sa parking lot nang mabangga ko ang isang lalaki, nakatungo lang sya kaya siguro hindi nya ako nakita. "Sor-" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla itong tumakbo. Kasabay naman ng pag-alis nya ang pagbagsak sa 'kin ng isang maliit bagay. Taka naman kaming nagkatinginan ni Lili. "Nyare do'n?" napako naman ang paningin ko sa papel na nasa paanan ko ngayon, agad ko naman 'yong pinulot at pinagmasdan"Nahulog niya?"  Inosenteng tanong sa 'kin ni Lili, agad naman akong nagkibit-balikat.

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now