KABANATA 13

9 1 0
                                    

Iris POV

Hindi ako nakatulog kagabi, sobrang dami kong iniisip. Napuyat ako kaka-search ng mga incident na nangyari at naibalita year 1995-2005. Wala manlang akong nakita kahit isa na makakatulong sa 'kin. Ang natatandaan ko sabi sa 'kin ni Mama before, sa luma naming bahay nandoon yung mga luma naming gamit. Mga gamit ko, gamit nila Mama at Papa.

Ang iniisip ko ngayon, paano ako kikilos mag-isa nang hindi nalalaman nila Mama. Ayokong itago sa kanila yung pag-iimbestiga na ginagawa ko ngayon, kaso ayoko rin silang mag-alala.

Halos dalawang oras lang ang tulog ko, nagising ako dahil sa isa na namang weird na panaginip.

"Itong libro na 'to, alagaan mo ha? Lahat ng dapat mo malaman, nariyan. Nagsilbing diary ni Mommy 'yan. Sa loob niyan, may isang susi. Susi iyon ng isang kahon, ibibigay ko 'yun sa'yo mamaya. Pag-ingatan mo silang lahat, kasi mahalaga sa 'kin 'yan." Tinig ng isang babaeng sa tingin ko ang edad ay nasa trenta. Wala akong makita, sobrang dilim ng paligid at tanging boses lang ang naririnig ko.

"Pero Mom, bakit nyo po ibinibigay sa 'kin 'to kung mahalaga ito sa inyo?" boses ng isang bata. "Dahil mahalaga ka rin sa 'kin, hindi mo pa naiintindihan anak dahil masyado ka pang bata. Balang araw, maiintindihan mo rin." Malungkot na boses pa rin ng isang ale. "Darating ang panahon na lilisanin namin ng Daddy mo ang mundong ito, at lahat ng meron kami ay magiging sa 'yo." Nagsalita naman bigla ang bata. "Kung ganoon po, kailangan ko rin po itong protektahan kagaya po ng pagprotekta ko sa inyo?" inosenteng sabi nito, agad namang nagsalita ang kaniyang ina. "Tama ka anak, dahil dito magsisimula ang lahat." Nagsimula namang kumulog ng malakas.

Natauhan naman ako nang tawagin ako ni Lili. "Sasama ka ba?" tanong nito, taka ko naman siyang tinignan.  "Saan?" tanong ko dito, napahawak naman sya sa noo nya. "Kanina pa kami nag uusap-usap dito, nasaang parte ka ba ng mundo?" tanong nito sa 'kin, inirapan ko naman sya.   "Masama pakiramdam ko, kayo na lang muna siguro." malamyang sabi ko, agad naman nagsalita si Faith.  "Hala? May sakit ka ulit? Gusto mo samahan kita sa ospital? Hindi na lang ako sasama" malambing na sabi nito, agad ko naman siyang nginitian.  "Ayos lang ako, Faith. Salamat!" sumakay na sila sa kotse ni Keith, ang iba naman ay sa kotse ni Kier. Nagtaka naman ako kung bakit nandito pa rin si Marl. "Hindi ka ba sasama sa kanila?" tanong ko sa kanya, umiling naman sya. "Ayoko, tinatamad ako. Tara, ihahatid na kita." tatanggi pa sana ako nang hilahin nya ako.

Naisip ko naman sa kanya ikwento yung mga napanaginipan ko. Ito kasi yung unang beses na naalala ko yung napanaginipan ko, pero alam ko na lately weird silang lahat.

"Talaga? Nangyari sa 'yo 'yun?" tanong nito, agad naman akong tumango.  "Actually, kanina ko pa 'yun iniisip. May tiwala ako sa 'yo kaya sa 'yo ko sinasabi ngayon. Masyadong OA at madaldal si Lili." tumango naman sya. "Di ba sabi mo noon, nawalan ka ng ala-ala nung panahon na bata ka pa?" agad naman akong tumango. "Oo, pero hindi ko alam kung bakit. Ayoko namang magtanong kay Mama since hindi rin sya nagkukwento." tumango ulit sya. "Sa tingin ko, may posibilidad na kaya mo 'yun napapanaginipan dahil naging parte o magiging parte sya ng buhay mo. Nagtry na akong magresearch before, sabi daw mostly yung mga weird na panaginip, nangyari or may kinalaman sa nakaraan or future mo." napaisip naman ako. "Busy ka ba, after nito?" tanong ko dito, agad naman siyang umiling. "Pwede mo ba akong samahan? May gusto kasi akong puntahan." nginitian nya naman ako. "Oo naman, sabihin mo lang sa 'kin kung saan." nginitian ko naman sya.

Nakarating na kami sa luma naming bahay. Dito kami nakatira nila Mama noon, nung 10 na kami ni Lili, lumipat na kami sa bahay namin ngayon. Actually, bahay ng mga magulang ko 'to, and kapatid ni Mama yung tunay kong magulang kaya nagpasya siyang dun na rin muna tumira since sya yung nag-aalaga sa 'kin, sa 'min ni Lili.

"Paano tayo papasok sa loob? May susi ka bang dala?" tanong nito sa 'kin, ang alam ko may susi kaming itinabi dito. Agad ko namang inalala kung saan 'yon. Nang tignan ko naman at kapain ko ang isang paso sa gilid ng pinto namin, agad ko naman iyong nakita. Masyadong maalikabok dito sa loob since ilang taon na naming hindi ito nabibisita.

"Ano nga palang ginagawa natin dito?" tanong nya sa 'kin. "May titignan lang ako." kung part ng nakaraan ko ang babalikan ko, hindi ako nagkamali ng pinuntahan. Agad naman akong umakyat sa taas at nagtungo sa kwarto ko. Habang si Marl nanatili sa likod ko. Agad ko naman kinalkal yung mga luma kong gamit, bawat sulok na pwede kong tignan, tinignan ko na. Agad naman pumukaw sa paningin ko ang isang kahon na nasa bandang baba ng maliit na lamesa malapit sa kama ko noon. Agad ko namang binuksan 'yon, mga pictures ko lang nung bata. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit isang litrato ng mga magulang ko, wala akong nakikita.

Nakita ko rin ang isang kwintas na kulay ginto, agad ko namang kinuha 'yon. Sunod naman akong nagtungo sa kwarto ng mga magulang ko noon, katabi nun ang naging kwarto ni Mama at Papa. Malinis ito at walang anumang damit, maliban sa kama nila at ilang kagamitan katulad ng cabinet at lamesa.

Una ko namang tignan ang laman ng mga aparador, nakita ko namang wala itong laman kahit isa. HIniram ko naman kay Marl ang flashlight na hawak nya dahil may nakapa akong matigas na bagay sa bandang gilid ng aparador. Nakita ko namang isa itong lock, agad ko yun tinanggal, nagulat naman ako nang magbukas ito. Nakita ko naman ang isang malaking kahon, agad ko 'yun kinuha at tinignan ang laman.

Punong-puno ng alikabok ang kahon, nagulat naman ako nang makitang mayroon itong lock, kailangan ko ng susi. Agad ko namang tinanglawan ng ilaw ang loob ng pinagkuhaan ko ng kahon nang makita kong may susing itim na nakadikit sa bandang taas ng taguan. Masyadong matalino ang gumawa nito. Nang buksan ko ito, nagulat naman ako sa nakita ko. Isa-isa namang nagtuluan ang luha ko nang makita ko ang isang litrato. Litrato ng isang bata, kasama ang kanyang Ina at Ama. Hindi ko maiwasang hindi umiyak nang mahawakan ko ang litrato. "Mama..." lumuluhang bulong ko, agad naman akong nilapitan ni Marl saka tinapik-tapik ang likod ko.

Nang ibaligtad ko ang litrato, may taon naman na nakalagay.  "2001." Pagbanggit ko dito, kung ganoon ay tatlong taon ako dito. February 16, 1998 kasi ako pinanganak. Kaka 22 ko lang nitong February 2020. 

Fearless (Ongoing)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora