KABANATA 24

8 2 0
                                    

Lili's POV

Ilang linggo na rin kami lumalabas ni Cy, nood ng sine, shopping, namamasyal at kung ano-ano pa. Ilang araw na rin wala si Iris sa bahay, ewan saan na napadpad 'yon. Nandito kami sa isang mall malapit sa 'min, kasama ko si Faye, Em, Mich at Faith. Maging sila ay nagtataka dahil hindi na rin nila nakakausap si Iris. Hindi rin namin sya ma-contact kahapon. Sabi naman ni Mama, may pinuntahan daw.

"Balita ko dumating na dito yung sikat na model sa New York. Yung Minari ba?" saad ni Faye, nandito kami ngayon kumakain ng pizza sa paborito naming kainan. "Ang ganda nga naman nun, 'no? Actually dito sya nag-start ng pagmomodel sa Pilipinas. Pitong taon na sya sa ibang bansa, nag-aral sya about sa pagmomodel maging sa pagdedesign ng mga damit." saad naman ni Mich. "Alam na alam nyo ah, kamag-anak nyo?" tanong ko dito, inirapan naman nila ako.  "Trending kaya sya kahapon pa, ano ka ba."  tinuloy ko naman ang pagkain. "Di ba may boyfriend daw 'yun? Sabi nya sa interview nya eh. Isa daw sa reason why sya bumalik is para daw makasama nya ulit yung lalaking gusto nya, nakakakilig naman." singit naman ni Faith, tumango naman yung dalawa.  "Ewan ko lang, pero sabi nila meron daw eh." saad naman ni Em, Nagkibit-balikat naman ako nang tignan nila ako.

Nakita naman namin si Vin, Keith, Cy at Kier na papasok sa bilihan ng mga damit. Nagmadali naman silang kumain saka ako hinila pasunod.  "May gala din pala kayo, 'di pa tayo nagsabay-sabay." sambit ni Faye. "Nasaan si Iris? Bakit 'di nyo kasama?" takang tanong ni Kier.  "Busy 'yon, mukhang nag-aasikaso na agad sa negosyo." tumango naman sila.

"Kumusta babe?" pang-aasar sa 'kin ni Cy, inirapan ko naman sya. "Gusto mong masipa? Lumayo ka nga."  Banta ko dito saka sya inirapan. Sumunod naman sya sa 'kin, parang tanga. "Kailan ulit tayo lalabas?" Tanong nito, mataray ko naman siyang tinignan. "Nasa labas na tayo ngayon, bulag ka ba?" napakamot naman sya ng ulo.  "Sungit mo naman, nahawa ka na dun sa isa." naka simangot na sabi nito saka nauna sa paglalakad.


Ilang buwan na lang ay kailangan ko nang umalis papunta sa ibang bansa. Kailangan kong asikasuhin ang negosyo na naiwan nila Mommy. Dalawa na lang naman kasi yung negosyong pinapatakbo namin, kung tutulungan ko agad si Tita Mimi mas madadalian kami. Wala na kaming negosyo dito sa Pilipinas, yung negosyo kasi ng parents namin ni Iris, matagal nang wala. Siguro pagdating ng panahon, itutuloy ulit namin 'yon.

Sabi ni Tita Mimi, pwede naman ako magkaroon ng bakasyon tatlong buwan sa loob ng isang taon. Kaya nya naman daw patakbuhin mag-isa kaso gusto niyang ako na ang maghawak para daw pagdating ng panahon at wala sya, hindi daw ako mahihirapan.

Maya-maya pa, naisipan ko namang pumunta sa Police Station dahil naalala ko yung insidente. Nanaginip kasi ako nung isang araw about sa mga magulang ko. May nakita akong Police Station kaya naman naisip ko na baka may ibigsabihin iyon.

Nang makarating ako, itinanong ko naman dito yung mga insidente na nangyari noon. Binanggit ko rin yung posibleng taon at kung saan nangyari. Dalawang lalaking hindi naman katandaan at isang babaeng maganda ang sumalubong sa 'kin sa loob. Isang lalaki ang umasikaso sa hinahanap ko. "Ah ma'am, mukhang hindi lang po kayo ang interesado dito ah?" saad ng pulis, tila naman naguluhan ako sa gusto niyang sabihin. "Kanina po kasi may isa ring babae ang pumunta dito para makita yung kaso noon, eto rin po yung gusto niyang makita. Sinabi niya na kilala nya ang mga biktima. Nabanggit nya rin ang pangalan nya ngunit hindi po namin iyon maaaring sabihin." saad nito, napaisip naman ako kung sino iyon. Inilabas ko naman ang cellphone ko saka ipinakita sa kaniya ang larawan ni Iris. "Sya po ba yung pumunta dito?" tanong ko, tila naman tinititigan nya iyong mabuti para kumpirmahin, agad naman siyang umiling. "Bilugan po ang mata nung babae eh, hindi rin po sya katangkaran saka kulot po ang kaniyang buhok. Nakasuot din po sya ng mask kaya hindi ko po siya nakita ng ayos."  Tumango naman ako.

"Ano po ba talaga nangyari noon?" tanong ko dito.  "Actually ma'am, ang may hawak po ng kaso na 'to noon ay yung tatay ko. Sabi nya po sa 'kin ay aksidente po yung nangyari. Maulan po nung panahon na 'yon, madulas po ang daan. Hindi na po siguro na-kontrol nung nagmamaneho ng sasakyan that time, kaya po naaksidente sila. May isa namang lalaki ang lumapit sa kapulisan kinabukasan pagkatapos mangyari ang krimen, sinasabing bago daw dumating ang mga pulis ay may nakita siyang lalaki na ang edad ay nasa trenta hanggang kwarenta." marami pa itong sinabi ngunit hindi mawala sa isip ko kung sino nga ba iyong babaeng pumunta dito kanina, at sino rin ang babaeng nakita ng isang witness bago dumating ang mga pulis. Sumasakit ang ulo ko.

Dumiretso naman ako kila Faye para tumambay, natawa naman ako nang makitang nandoon silang lahat bukod kay Iris at Marl. Pinag-uusapan pa rin nila yung Minari. "Magkakaroon daw ng event next week, fashion show. Imbitado naman siguro lahat tayo?" tanong ni Faye, tumango naman silang lahat maliban sa 'kin. Nang tumingin sila sa gawi ko, agad akong nagsalita. "Hindi ako interesado." nginisian naman ako ni Mich. "Balita ko pupunta si Kian Venshiel doon ah." sqad nito, agad naman akong napatayo. "Sasama ako." mabilis na sabi ko. "Sasama rin ako!" saad naman ni Cy habang nakasimangot, agad ko naman siyang inirapan.

"Alam naman naming sasama ka kapag nalaman mo na nandoon si Kian. Tatlong taon na ang nakakalipas nang una kayong magkita, baliw ka pa rin sa kanya." sabay-sabay naman silang tumawa. Bigla namang tumayo si Cy at lumabas, pikon talaga.

"Excited na akong makita yung Minari, balita ko maganda daw talaga yun." saad ni Kier, basta babae una sya palagi. "Yeah, she's back."  Saad naman ni Keith, napatingin naman kaming lahat sa kanya. 

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now