KABANATA 29

24 3 0
                                    

Lili's POV

Ngayon ko lang nakitang nagkaganito si Iris. Ngayon ko lang rin nalaman na nagkaroon na pala si Marl ng girlfriend noon. Ngayon ko lang rin nalaman na may nakatakda na palang ikasal kay Marl, yung Casey. Lately, napansin kong madalas na nakangiti si Iris. Palagi silang magkasama ni Marl lumabas. Nasabi ko that time na, finally tuluyan nang natunaw ang yelong nakabalot sa puso ni Iris. Masyado siyang tahimik kahit noon, bihira mo siyang makikitang tumatawa o nakangiti. Kaya Cold Queen ang tawag ko sa kanya noon, malamig pa sya sa yelo.

Pero hindi ko naman ginustong makitang umiyak si Iris. She's the most important person for me. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit kahit hindi naman dapat. Alam kong may rason si Marl sa lahat nang 'to. Nanatili naman kami dito dahil plano naming tulungan ang mga staff nila Iris, lalo na't wala ang boss nila.

Sunod-sunod naman ang tanong ng mga tao nang makitang magkasama si Marl at Minari, marami rin ang nagtake ng pictures. Tila lahat naman ay nagulat nang hilahin ni Minari si Marl palabas, kasabay noon ay ang pagpigil ng guwardiya sa mga reporters na plano silang sundan. Nanlumo naman ako sa nakita, iba rin ang tingin nila Faye, Em at Mich. Habang seryoso naman ang mga kaibigan naming lalaki. Idineklara na ng host na tapos na ang event at saka nagpasalamat sa lahat ng dumalo.

Kanina ko pa tinatawagan si Iris kaso hindi ko sya ma-contact. Kanina pa patay ang phone nya kaya naman napagpasyahan namin siyang hanapin. Pinauwi na kasi kami ng assistant nya dahil kumpleto naman daw ang staff nila at kaya na nila 'yon. Agad naman naming pinuntahan si Iris sa bahay.

Wala naman siya doon nang puntahan namin, hindi pa daw siya bumabalik. Nag ring naman ang phone nya nang muli ko siyang tawagan, nakahinga naman ako nang sagutin nya iyon. "Nasa ospital ako." Saad nito, sinabi nya naman kung saang ospital sya naroroon. Agad naman kaming pumunta, kinakabahan kaming lahat dahil baka kung anong nangyari sa kanya.

Mabilis naman kaming nakarating, agad kaming tumakbo sa loob. Sandali naman kaming natahimik nang makitang pinupunasan niya ang isang lalaking nakahiga sa kama. Tinignan ko naman kung sino iyon. "Aden?" naguguluhang sambit ko saka lumapit. "Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko, natutulog si Aden, puro pasa at sugat ang katawan. "Naaksidente sya kanina, nakainom kasi. Papunta na si Amy." Saad nito, kung ganoon...

"Kaya ka umalis kanina?" tanong naman ni Faye dito, tumango naman sya. "Nakareceive kasi ako ng tawag. Yung number ko daw yung unang nakita nung mga nurse kaya ako ang tinawagan nila." nagkatinginan naman kaming lahat. "Kumusta naman sya?" tanong ni Keith. "Okay na sya ngayon, mabuti na lang at hindi masyadong malakas ang pagkakabangga nya. Kailangan nya lang munang magpahinga ng ayos, naipit kasi ang binti nya kaya baka daw isang buwan bago sya makalakad ng ayos." tumango naman kami. "Parang nakita ko na sya" nag-iisip na sabi ni Cy. "Nung nasa hotel tayo last time, nakasalubong natin sya." saad ni Iris, tumango naman sya. "Ang gwapo, sayang loyal ako sa crush ko." seryosong sabi ni Faith na tila kinikilig pa. "Baka loyal sa lima." Biro naman ni Faye, kanina pa sila nag-aaway kaya pinauwi na rin sila ni Iris. Tanging sya at ako na lang ang natira, dumating na rin si Amy bago pa sila umalis.

Kanina pa sya iyak ng iyak, kanina pa rin sya nangsesermon sa kapatid niyang natutulog. Natatawa na lang kaming dalawa ni Iris. Dumating rin ang parents nila, alalang-alala at nagpasalamat rin sila kay Iris sa pagpunta dito. Close kasi si Iris at Aden noon pa man. Kahit si Amy ay ka-close nya dahil mas bata ito ng dalawang taon sa 'min. Madalas silang maglaro.

"Babalik po ulit kami bukas." saad ni Iris, tumango naman sila at nagpasalamat. Nakasakay na kami sa kotse, seryoso naman siyang nagmamaneho. "Alam mo yung kay Marl?" tanong ko dito, saglit naman siyang tumingin sa 'kin. "Ang alam ko lang is may dati siyang girlfriend. Yung sa kasal na sinasabi mo kanina, hindi." saad nito, ramdam na ramdam ko naman ang lamig sa tono ng boses niya. "Hindi ka galit kay Marl? Hindi ka manlang magtatanong?" muling tanong ko dito, mapait naman siyang ngumiti. "Wala akong karapatan, Lili. Wala kaming relasyon ni Marl, malinaw 'yon" sandali naman akong natahimik. "Pero alam naming lahat na gusto nyo ang isa't isa. Siguro naman pwede na 'yon maging rason." naka kunot ang noong sabi ko.

"Parang bahay lang 'yan, Lilianne. Hindi ka pwedeng pumasok sa isang bahay na hindi mo pagmamay-ari. Wala kang karapatan makialam ng gamit na hindi naman iyo." makahulugang sabi nito. "Ah, basta." pamimilit ko. "Saka, hindi natin alam kung wala na ba yung feelings nya dun sa Minari. Malay mo after nya makita ulit 'yon, bumalik lahat ng nararamdaman nya para sa babaeng 'yon...." sandali naman siyang napatigil. "At makalimutan nya yung nararamdaman nya para sa 'kin..." unti-unti namang humina ang boses nito.

"Pero nangako sya sa 'yo, may panghahawakan ka pa rin." muling sabi ko. "Madaling mangako, Lilianne. Pero hindi lahat ng pangako, natutupad. Ano ang panghahawakan ko doon, kung ganoon?" natahimik naman ako, talagang hindi ako mananalo dito.

"Nauunawaan ko naman, alam kong mabait ka. Pero hindi mo pwede ibigay sa iba yung kaligayahan mo kasi kailangan mo rin 'yun." ang tagal ng biyahe namin, kanina pa tahimik kaya nangungulit na naman ako. "Kaligayahan ko 'yon, maaari. Pero hindi ko pagmamay-ari. Alam mo ba ang pagkakaiba no'n? Ang kaligayahan maaari mong makuha kahit kanino, kahit saan. Ang pagmamay-ari, pag hindi sa 'yo, wala kang magagawa." literal na tumahimik na ako. "May tamang panahon para sa lahat. Kilala mo ako, hindi ko hilig ipilit ang sarili ko. Hindi ako galit, nasasaktan siguro oo. Saka, hindi ko pa naririnig ang panig nya. Paniguradong may sagot ang lahat ng mga tanong sa isip ko." hindi na naman ako nagsalita.

Nakarating na kami sa bahay, kaming dalawa lang ngayon dahil sa condo natulog sila Mama at Papa. Masyado daw mahaba ang byahe kapag dito sila galing, pag doon sampung minuto lang daw ang byahe. Nanatili namang tahimik si Iris hanggang sa makapasok sa loob. Agad naman siyang nagtungo sa kwarto nya at naligo. Matutulog na naman 'yon, panigurado.

Fearless (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon