KABANATA 14

12 2 0
                                    

Iris POV

Ang ganda at ang gwapo ng mga magulang ko, ngayon ko pa lamang sila nakita sa litrato. Hindi ko manlang sila maalala hanggang ngayon. Puro pictures lamang ang laman nito, itatabi ko na sana ulit nang mapansin ko ang isang brown na sobre. "Ano 'yan?" tanong ni Marl sa 'kin. "Hindi ko rin alam." sagot ko sa kaniya saka ko ito binuksan.

Date: August 27, 2002

Hi sweetie, si Mommy 'to. I know sa mga panahon na 'to, malaki ka na. How are you, my baby? I hope okay ka lang. Magiging masaya sana ako kung habang binabasa mo 'to, nandiyan ako sa tabi mo. I just want you to know that I really really love you so much, ganoon rin ang Daddy mo. Kung wala man ako ngayon sa tabi mo, I'm so sorry anak.

Remember those memories of us? Nung nasa park tayo, iyak ka ng iyak kasi ayaw kang payagan ng Daddy mo na maglaro since tatlong taon ka lang that time, ayaw ka niyang masugatan. Dahil iyak ka ng iyak, bumili sya ng Ice Cream and tumahan ka agad, how cute my baby is.

I'm glad that you are able to read this letter na, I feel so sorry for every single thing. Maybe maiisip mo na super weird ng liham ko na 'to, but if you found everything already, malalaman mo rin kung bakit.

Nung ipinanganak kita, ayon yung pinaka masayang bagay na nangyari sa buhay ko. Masayang masaya kami ng Daddy mo that time since first baby ka namin. Lahat ng suporta at pagmamahal na hindi ko naranasan noong bata ako, ibinigay ko ng kumpleto sa 'yo. Lahat ng pagkukulang sa 'kin ng Lolo at Lola mo, lahat ng sakit na idinulot nila sa 'kin, ipinangako ko noon pa lang na hinding hindi ko ipararanas lahat nang 'yun sa 'yo.

Mahal na mahal kita, anak ko.

Love, Mommy.

Hindi ko naman maiwasang humagulgol while reading her letter for me. Mahal na mahal nya talaga ako, lalo tuloy akong naging desperadang alamin ang lahat.  "Tahan na, Iris. Hayaan mo, tutulungan kitang malaman ang lahat, hanggang sa maalala mo na lahat ng nakalimutan mo. Nandito ako, 'wag kang mag-alala." pagpapatahan sa 'kin ni Marl.

Pupunta na sana ako sa susunod na kwarto, ang kwarto nila Mama. Bigla namang tumawag si Lili. "Hoy, nasaan ka ha?" tanong nito sa 'kin, agad naman akong sumagot. "Nag iikot-ikot, kasama ko si Marl." bigla namang umingay ang gaga. "Ayii! Bilisan mong umuwi, pauwi na ako. May dala akong pagkain and so on, namili ako." masayang sabi nito. "Oo na, bye." saad ko saka pinutol agad ang tawag.

"Tama na muna siguro 'to, babalik na lang ako sa susunod." nakangiting sabi ko kay Marl, kailangan ko na rin kasing bumalik since hinahanap na ako nung bruha. "Sige lang, hatid na kita." agad naman kaming umalis, isinara ko rin yung pinto since baka may mawala sa mga gamit namin, mahirap na.

"Salamat, Marl." nakangiting sabi ko dito, kinindatan nya naman ako.  "Anytime, una na ako." kumaway naman ako sa kanya, nang makaalis sya pumasok naman ako sa loob.    "Lili!" sigaw ko nang makita ito sa hagdan namin. "Nasaan si Mama? Si Papa umuwi ba?" tanong ko dito, tulala naman sya sa isang tabi. "Lili!" tumingin naman sya sa 'kin. "Ha?" sagot nito sa 'kin. "Si Mama?" tanong ko ulit dito. "Umalis eh, pupuntahan daw si Papa sa company. May aasikasuhin daw." tumango naman ako. "Nasaan yung pasalubong ko?" agad nya naman itinuro yung kwarto ko.

May kakaiba kay Lili ngayon, wala sya sa mood samantalang kanina ang daldal nya pa. Nakita ko naman yung dress, set ng accessories saka pabango sa kama ko. May tatlong bag din ng iba't ibang uri ng pagkain. Agad ko naman inilagay sa ref yung iba, nakita ko namang may Ice Cream sa ref at iba pang inumin, andami nya namang binili.

"Iris..." Saad nito nang makapasok sa kwarto ko, maya-maya lumuluha siyang umupo sa kama ko. "Nakita ko 'to sa gate kanina, bago ako pumasok sa loob." nakatungong sabi nya saka nya inilabas ang isang pulang sobre. "Natatakot ako..." Bulong nito. Binasa ko naman ang nakasulat.

"Batid mo na ba kung anong nangyari sa mga magulang mo? Hindi ba dapat naghahanap ka ng paraan at nag-iimbestiga kung ano nga ba ang ikinamatay nila? Nakapunta ka na ba sa libingan ng mga magulang mo? Hindi ka pwedeng maging masaya, hindi ka dapat magtiwala sa lahat ng tao na nasa paligid mo. Hindi lang basta namatay ang mga magulang mo......" -Black

Agad ko naman tinignan ang liham, Black?

"Akala ko, ako lang ang nakatanggap nito." agad namang nanlaki ang mata nya. "Anong ibig mong sabihin?" takang tanong nito, kinuha ko naman ang sobreng nakuha ko at ipinakita 'yon sa kanya.  "Tignan mo, halos magkapareho tayo. Pula yung sobre na nakuha mo, ang akin naman ay itim. Almost same din yun pinaparating ng liham na natanggap natin, 'yun ay alamin kung ano ang ikinamatay ng mga magulang natin." tumahan na sya ngayon kahit papaano.

Narinig ko namang may dumating na sasakyan sa tapat ng bahay naming, sila Papa 'yon. Agad naman akong tumingin kay Lili.  "Walang dapat na makaalam nito, ikaw lang at ako. Hindi mo pwedeng sabihin kahit kanino, kahit kay Mama man o Papa." magsasalita pa sana sya nang unahan ko sya. "Ako lang ang dapat mo pagkatiwalaan ngayon, Lili." agad naman siyang tumango. "Naiintindihan ko, itatago ko muna 'to." lalabas na sana sya nang pigilan ko sya. "Make sure walang ibang taong makakakita niyan, itago mo sa lugar na kung ikaw ang maghahanap, hindi mo makikita." tumango naman siya, nakita ko namang ipinaparada na ni Papa yung sasakyan, ang bilis naman yata nila. 

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now