KABANATA 4

18 2 3
                                    

Iris POV

Nang matapos na kaming kumain at nakapagpahinga na, agad namang naligo yung iba. Hawak ko ang camera na regalo sa 'kin ni Paps nung nakaraang birthday ko. Masaya ko silang nililitratuhan, napagpasyahan kong maglakad-lakad muna mag-isa since alam ko naman yung daan pabalik sa room namin.

Napadpad ako malapit sa isang mataas at malaking bato na nasa tabing-dagat. Agad naman akong umakyat doon. Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil mahilig talaga akong umakyat sa matataas na bagay o lugar. Nakangiti naman ako nang makita ko ang tanawin mula doon, agad ko namang inihanda ang camera ko para sa magandang tanawin na 'yon. Nakatingin ako sa malayo, nakatulala sa ganda ng kapaligiran.

Bigla ko namang naalala ang aking mga magulang, alam kong masaya na sila ngayon. Wala man sila dito, mahal na mahal ko pa rin silang dalawa, at walang makakapagbago no'n. Masaya akong dumating sila sa buhay ko, wala man akong naaalala sa mga panahong nakasama ko sila, pero palagi ko silang nasa puso at isip.

Masyado naman akong napaisip, ano nga ba ang nangyari sa kanila? Hindi kasi sa 'min ikinu-kwento ni Mama. Ngunit hindi ko alam bakit para bang pinipilit ng sistema kong alamin kung ano nga ba ang nangyari noon. Nakakapagtaka lang, bakit wala akong naaalalang nakasama ko ang mga magulang ko kahit minsan? Maging mga boses nila ay hindi ko alam.

"Iris" pagtawag sa 'kin ng isang lalaki, boses iyon ni Marl at hindi naman ako nagkamali. "Anong ginagawa mo diyan? Mag ingat ka baka madulas ka" saad nito sa 'kin, marahan naman akong bumaba.  "Salamat" saad ko dito nang makababa ako.  "Yung kamay ko" nahihiyang sabi ko sa kaniya kasi hindi nya pa rin inaalis ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.  Agad nya naman iyong binitawan.  "Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah, okay ka lang?"  nag-aalalang tanong nito sa 'kin, agad naman akong tumango.  "May naalala lang ako" tumango naman siya.

"Saan ka galling? Kanina pa kita hinahanap" nakasimangot na saad ni Lili sa 'kin.  "Naglakad-lakad lang".  Nginitian nya naman ako. "Tara, ligo tayo" saka ako hinila nito papalapit sa dagat. Nagkauntugan naman kami pareho dahilan para sumakit ang ulo ko.

"Mama.....".   Isang tinig ng batang babae ang aking narinig, isang senaryo naman ang nakita ko habang nakatulala sa kawalan. Malabo ngunit rinig na rinig ko ang pag-iyak ng isang batang babae. Walang sawa niyang sinasambit ang salitang  'Mama',   dahilan upang tumulo ang luha ko. Anong nangyayari sa 'kin?

Maya-maya pa, iba't ibang tinig at malalakas na tunog pa ang narinig ko. Konti-konti namang nanlabo ang paningin ko, dahilan upang mapahiga ako sa kinauupuan ko.

"Iris!" pagtawag nila sa pangalan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.







Lili's POV

Umiiyak ako habang tinatawag ang pangalan ni Iris, nanlambot ako lalo nang makita ko siyang umiiyak kanina. Agad naman siyang binuhat ni Marl papasok ng room na tinutuluyan namin. Takot na takot ako, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Tahan na, Li. Magiging okay din si Iris" saad ni Cy sa 'kin habang tinatapik nya ang balikat ko. "Hindi ko maiwasang hindi mag-alala, baka kung anon-" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang putulin nya iyon. Nagulat ako nang yakapin nya ako ng mahigpit.  "Shh, magiging okay din ang lahat" agad nya namang pinunasan ang luha ko.

Nandito ako sa labas, nakaupo sa tabing-dagat. Nagulat ako nang lumapit sa'kin si Marl.  "Kumusta ka na?" tanong nito sa 'kin, agad ko naman siyang nginitian.  "Ayos lang, nag-aalala pa rin ako kay Iris, hindi pa rin siya gumigising hanggang ngayon. Tatlong oras na siyang walang malay..." ngumiti naman sya dahilan para hampasin ko sya.  "Sira ka! Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" agad naman siyang tumayo.  "No, masaya lang ako kasi alam kong mahal na mahal mo sya" bumalik naman siya sa pagkakaupo nya.  "Yeah, super halaga nya sa 'kin, para ko na s'yang kapatid. but...."  Agad naman akong tumingin sa kanya, halatang hinihintay nya ang sunod kong sasabihin.  "alam ko rin na hindi lang ako ang ganito sa kanya" saka ko sya kinindatan.  "Anong ibig mong sabihin?" takang tanong nito sa 'kin, pulang pula na ang mga tainga nya. Ngumisi naman ako.  "Hindi mo ba naintindihan? Hindi ako bulag, Marl" malamig na saad ko dito.    "Masyado akong protective kay Iris kasi ayokong masaktan sya, and guess what? I'm surprised that hindi lang pala ako yung gumagawa nun for her" matamis naman akong ngumiti sa kanya. 

"Okay lang if ide-deny mo pa, but I have my eyes too. I'm not blind...but I'm happy kasi ginagawa mo 'yun" iniwanan ko naman siyang nakatulala sa isang tabi.

Mahal na mahal ko si Iris, sobra pa sa sobra. Actually hindi naman talaga kami magpinsan, pero parang ganun na nga. More than friend yung turingan naming pareho, we're like sisters. I'm always blessed to have her by my side. Knowing that there's one person who will do everything just to make me happy, makes me happier. Masaya akong dumating sya sa buhay ko. And never ko yun pagsisisihan. Walang makakasira sa 'ming dalawa.

Nagulat naman ako nang biglang nag ring ang phone ko, agad ko namang sinagot yun ng makitang si Mama 'yon.  "Yes Ma? Bakit po?" bungad ko dito nang sagutin ko ang tawag niya.  "Kamusta kayo diyan?" agad naman akong kinabahan. Hindi ko na nasabi kay Mama yung nangyari kasi alam kong magagalit sa 'kin si Iris. Pero alam kong kailangan kong sabihin sa kanya yun.  "Mama....."  Nagdadalawang isip na sabi ko.  

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now