KABANATA 1: Simula

74 4 6
                                    


UNANG BAHAGI

Iris POV

"Anak, hindi ka pa ba papasok sa loob? Anong oras na, may pasok ka pa bukas." pagtawag sa 'kin ni Mama Elle. "Maaga pa naman po, Ma. Tulog na po ba si Lili?" pagtatanong ko naman. Ang aga pa eh. "Kanina pa tulog 'yong batang 'yon, matulog ka na rin. Una na 'ko sa loob." Pamimilit ni Mama sa 'kin. Nandito kasi ako sa garden, nagpapahangin.

Pumasok na rin ako, masyado na kasing malamig sa baba. Ang aga naman matulog nung bruhang 'yon.

Pumasok na rin ako sa kwarto ko. Hihiga na sana ako nang tumunog yung phone ko. Sa group chat na naman namin 'to, sigurado ako.

Faye: Mga bruha, bruho. Isang linggo nalang ang pasok natin! Gala tayo after ha.

Keith: Gala na naman? Hindi ka ba nagsasawa?

Faye: Kung ayaw, edi 'wag. Sa mga may gusto lang naman.

Mich: G ako dyan.

Kier: G din ako. Adventure tayo!

Em: Ako rin!

Faye: Kitams? Ang daming gustong sumama. Edi maiwan ka.

Marl: Sasama ka ba, Iris?

Me: Idk.

Cy: Daya ah. Bakit pag si Iris, tinatanong mo? Kami, ayaw mo ba kami kasama Marl?

Marl: Siraulo!

Faye: Bukas, pag-usapan natin. Agahan nyo pasok ha.

Me: Goodnight, una na 'ko sa inyo.

Marl: Goodnight Iris!

Me: Matulog na rin kayo. May pasok pa tayo bukas. Goodnight again!

Pinatay ko na rin phone ko, pagkatapos namin mag-usap. Ang gulo-gulo nila.

Maaga akong nagising, as usual. Nauna na naman ako kay Lili. S'ya yung maagang natulog, pero s'ya yung late.

Nakabihis na rin ako, kababangon nya pa lang, talaga 'tong babaeng 'to. Jusko!

Sabay-sabay kaming kumain nila Mama. "Maaga ba kayong papasok ngayon?" tanong ni Mama sa 'min. "Maaga pa naman po, Mama. Hintayin ko nalang si po Lili." tumingin naman ako kay Lili. "Bilisan mo mag-ayos ha, sasapakin kita." banta ko sa kanya. "O s'ya, sige. Bilisan nyo kumain." Saad ni Mama, tumango naman kami pareho.

"Hoy Lilianne! tara na, bilisan mo dyan!" sigaw ko sa kanya, ang tagal magbihis. 8 o'clock pa naman ang start ng klase namin, malapit na mag 7 ng umaga.

"Sandali lang, ang boring kaya sa school, ang ingay-ingay pa! Bakit kasi ayaw mong nale-late" tinignan ko sya habang pababa sya ng hagdan. "Joke lang, ikaw naman. Makatingin ka d'yan, tara na pasok na tayo." Nakangiting sabi nya sa 'kin. Kainis talaga 'to!

"Hey" bati sa'min ni Marl. "Good morning!" bati naman sa 'kin ni Mich, niyakap n'ya pa ako. "Good morning." nasa loob na pala yung iba. Apat nalang ang wala, yung dalawang kambal na bruha at bruho.

"Bakit wala pa yung mga kambal?" tanong naman ni Lili. "As usual, late na naman. Paano, anong oras na yata sila natulog kagabi. Saka, tanghali pa pareho magising, HAHAHAHAH" pagtawa naman nila.

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now