KABANATA 2

33 3 1
                                    

Iris POV

Nasa labas na pala si Faye, s'ya kasi yung susundo sa iba. Hindi na ako nagdala ng kotse, nakakatamad. Si Lili naman, hindi marunong magdrive. Kaya nagpasundo nalang kami. May driver naman sa bahay, kaso ayoko na mang-abala pa.

"Hey girls. Lili, andami mong dala ah." natatawang puna ni Faye dito, ang dami naman talaga. "Girl Scout eh." natatawang sagot naman ni Lili. "Tara na?" anyaya ni Faye, tumango na lang ako. Pagdating namin sa bahay, may mga kotse ding nakaparada. "Kila Marl 'yan, iiwan nalang daw nila sa bahay, para pag-uwi may sasakyan daw s'ya." pagsasalita ni Faye nang mapansin n'yang nakatingin ako sa mga kotseng nakaparada.

Pagpasok namin sa loob, mukhang tahimik kasi walang tao. Nasa bahay daw pala nila Faye yung mga kasambahay nila. So, ang naiwan lang dito is dalawang kasambahay lang. Then, dalawang guard.

"Nasaan sila?" tanong ni Lili. "Nasa taas, nanonood. May apat na malalaking kama sa taas. Sama-sama nalang tayo matulog." tumango nalang rin kami.

"Waaaaah" sigaw ng isa sa taas, nasa hagdan palang kami pero rinig na rinig na mga sigawan nila. Pagka-bukas namin ng pinto, sumigaw ulit sila. "Ang iingay n'yo." pagsasalita ko. Natahimik naman sila. Nanonood pala sila ng horror.

"Bago kayo manood, since kumpleto na tayo, mag-ayos muna tayo." sabi naman ni Faye. Tumango naman ang lahat, inihinto muna nila yung pinapanood nila.

"So, sinong magkakatabi?" tanong naman ni Faye. Nakatulala lang ako sa isang tabi. "Pwedeng tabi kami ni Miss Beautiful?" pang-aasar na naman nitong bruho.

"Sige ba, walang problema. Basta ihanda mong mabali 'yang buto mo." pagbabanta ko dito. "Patay ka" natatawang sabi naman ni Lili. "Parang biro lang naman." saad nito sabay kamot nya ng ulo.

Napagdesisyunan namin kung sinong magkakatabi.

Me, Lili, Mich.
Em, Faye, Faith.
Marl, Kier, Kieth.
Kevin, Cy.

Umaapela pa nga si Vin kanina. Ayaw n'ya daw katabi yung kambal niyang daga. Kaso wala na rin siyang nagawa. Kasi ayaw din naman nung iba makipag-palit. "Ikaw ba miss beautiful, ayaw mo sa tabi ko?" pangungulit nya sa'kin. Tinignan ko naman sya ng masama, sabay sinipa. Sumigaw naman sya. "Aray! Parang biro lang naman. Ang sakit nun ah." inirapan ko lang sya, pinagtatawanan naman sya ng lahat. Bwisit kasi. "Sabi ko sa'yo eh. Kung ako sa'yo, lalayuan ko si Miss Beautiful." sabay tawa. Sira talaga 'to si Lili.

Nanood na kami ng horror movie na pinapanood nila kanina. Kaka-umpisa pa lang daw pala halos. Sari-sariling pwesto sila sa unahan. May nasa lapag, meron ding nakahiga, nakasandal, nakadapa sa kama. Tilian sila nang tilian.

Apat na magkakatabing kama kasi lahat. Sa una pag pasok ng pinto, sa bandang gilid, dun nakahiga yung kambal. Sunod naman, yung kila Marl. Then next yung sa 'min. Lastly, yung kila Faye.

Naka sandal lang ako sa headboard nung kama, bored na nanonood nung palabas. Tilian sila nang tilian, hindi naman nakakatakot. Inaantok lang ako. Halos nasa lapag silang lahat. Ako lang at si Marl yung naiwan, bored na bored na nanonood.

May mga chips naman si Faye na inilabas. Nakita ko na meron sya nung favorite ko. Hiningi ko yun at binigay nya naman sa 'kin. Habang patagal nang patagal, gumaganda yung takbo ng istorya. Kain lang ako nang kain sa isang tabi. Kanina pa nakatingin sa 'kin si Marl, pansin ko 'yon. "Gusto mo?" pag-aalok ko sa kanya nung chips na kinakain ko. Baka gusto n'ya rin eh, nahihiya lang. "Ah, hindi. Salamat!" sabay ngiti nya sa 'kin. Ayaw mo, edi 'wag. Tuloy lang ako sa pagkain pero nakatingin pa rin sya sa 'kin. "Sige na, kumuha ka na. 'Wag ka nang mahiya. Kanina ka pa tingin nang tingin eh." pag-aalok ko ulit sa kanya. "Hindi, ayoko talaga." naiilang na sagot nya. "Bakit tingin ka nang tingin? Akala ko gusto mo." medyo napalakas yung boses ko, napatingin naman sila sa 'kin. "Nag-aaway ba kayo?" tanong nila sa 'min. "Hindi ah, inaalok ko lang sya ng pagkain." bumalik naman sila sa panonood. "Aaaaaaah" malakas na sigaw naman ni Faith.

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now