KABANATA 10

13 1 0
                                    

Iris POV

Agad ko naman tinignan ang phone ko, super daming message sa gc.

Marl: Guys, nawawala si Rence. Kanina ko pa sya hinahanap dito sa buong bahay maging sa subdivision namin.

Faye: Ha? Kailan pa?

Marl: Kani-kanina lang nung mapansin kong wala sya.

Em: Tutulong ako sa paghahanap.

Cy: Nagpunta ka na ba sa mga guard? Nai-check mo na rin ba CCTV sa inyo?

Marl: Tinitignan na nila Mommy.

Bigla naman ako nagkaroon ng hinala, agad naman akong tumingin sa batang masayang kumakain ngayon. "Anong pangalan ng Kuya mo?" agad naman sya sumagot.  "Marl...Isaac....Dela Cruz!" masayang sabi nito na tila ba nag-aanunsyo. Agad ko naman kinuha yung phone ko.

"Marl?" bungad ko nang sagutin nya ang tawag ko. Agad ko namang ikinuwento yung nangyari kanina, kung paano ko sya nakuha ngayon.  "Salamat, papunta na ako." agad naman sya nagpaalam. "Papunta na Kuya mo." nakangiting sabi ko sa kanya, masaya naman siyang pumalakpak. "Sa susunod po, pwede po ba ako bumalik dito?" tanong nito, namamangha ako kasi ang galing nya makipag-usap. "Oo naman, sabihin mo lang sa Kuya mo kung papayagan ka syempre." nagulat naman ako ng yakapin nya ako.  "Ang ganda mo po ate, pag malaki na po ako, pwede ko po ba kayong pakasalan?" agad naman akong tumawa sa sinabi nya.  "Pag-iisipan ko." nakangiting sabi ko.

Agad naman ako nagtungo sa pintuan para buksan ito. Agad naman bumugad sa'kin si Marl. "Pasensya ka na ha? Naabala ka pa." saad nito, ngumiti naman ako. Sinamahan ko sya sa kusina kung saan nandoon si Mat. "Wala 'yon, maliit na bagay."  nakangiting sabi ko dito. "Kuya!" agad naman ito lumapit sa kararating lang na si Marl. "Pinag-alala mo si Kuya, bunso. Pinag-alala mo kami." saka nya ito niyakap. Hindi ko rin kasi naalala and totally alam na may kapatid pala siyang bunso. Ang alam ko lang is yung sa kapatid niyang panganay.  "Hindi kana inaaway ni Daddy?" inosenteng tanong nito ka Marl, napatingin naman sya sa 'kin at agad naman siyang umiling. "Uwi na tayo ha? Nag-aalala si Mommy sa 'yo." agad naman siyang tumango. Nagulat ako nang lumapit sya sa 'kin at niyakap ako. "Pwede po ba tayong bumalik dito, Kuya?" tumingin naman sa 'kin si Marl. "Busy si-" agad ko naman pinutol ang sinasabi nya. "Oo naman, anytime." agad naman siyang nagtatalon. "Dapat hindi ka pumayag, kukulitin talaga ako niyan." nginisian ko naman sya.  "Hindi naman ako nagbibiro, pinapabalik ko talaga sya dito." Ngumiti naman sya.  "Salamat ulit, mauna na kami. Pasensya na talaga sa abala." inatid ko naman sila sa labas, nakakatuwang bata.

"Si Marl ba 'yon, anak?" agad naman akong tumango. "Opo eh, kapatid nya po pala si Mathew." Tumango naman sya. "Kaya pala kahawig nya." natawa naman ako, kasi ang laki naman talaga ng similarities nilang dalawa. "Tadhana nga naman" saad ni Mama saka umalis. Mamaya pa daw pala uuwi si Papa, naisipan ko naman gumala. Ayaw naman tigilan ni Lili yung kakanood, bruha talaga kainis.

Fearless (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon