KABANATA 8

15 1 0
                                    

Iris POV

Isa-isa naman silang nagsi-babaan, aba dapat lang 'no nag-effort ako magluto eh. Padabog naman umupo si Em, Lili at Faye habang si Faith tila nabuhayan dahil sa mga pagkain na nasa harapan nya. "Andaming pagkain, hindi ko alam kung anong uunahin" natawa naman ako sa sinabi nito. Sunod na bumaba yung mga boys. "Grabe, alas-sais palang pala ng umaga. Ang aga mang gising ng love birds" reklamo ni Kier.  "Nasa harapan kayo ng pagkain, 'wag kayong sumimangot" agad naman silang ngumiti na parang mga tanga.

"G-gago?" malakas na sabi ni Cy, sinamaan ko naman siya ng tingin.   "Sorry, ang sarap kasi" sabay kamot nito sa ulo. "Nag improve yata luto nila Ate Viy?" saad ni Faye, tumango naman sila. "Oo nga, kaso parang pamilyar yung lasa nitong adobo".   Sagot ni Lili saka kumamot ng ulo.  "Si Iris nagluto niyan, tinulungan ko sya kanina" pagsingit ni Marl sa kanila. "Sabi na eh" sabay ngiti ni Lili. "Grabe, ilang taon na tayo magkaibigan bakit ngayon mo lang naisipan magluto?" nakasimangot na sabi ni Em. "Sinabi nyo ba? Saka tinatamad ako, ngayon lang ako sinipag" natatawang sabi ko saka pinagpatuloy ang pagkain. "Ang swerte ko pala kasi madalas ko natitikman luto ni Iris" nakangiting sabi ni Lili. "Oo naman, sanaol nga eh. Pwede bang makitira sa inyo?" saad ni Cy, inirapan ko naman sya.

"Grabe, tatlong kilo yata nadagdag sa timbang ko. Diet ako kaso bakit naman kasi ang sasarap nung niluto ni Iris" reklamo ni Mich. "Edi hindi ka sana kumain" sabay lapag ko ng dessert na ako rin mismo ang gumawa. "Bago kayo kumain, may ipapanood muna si Marl sa inyo" natatawang sabi ko, tumawa rin si Marl. Agad nya namang ipinlay yung video. Nakatulala naman silang nanonood, mukhang hiyang-hiya sa pinag-gagawa nila. "Napuyat kami dahil sa inyo. Naglinis kami ng kalat nyo. Bumawi kayo" wala namang nagsasalita. 

"Grabe, totoo ba lahat 'yon?" 'di pa rin makapaniwala si Lili. "Totoo lahat 'yon" natatawang sabi ko, nag-iimpake na kami ngayon since pabalik na kami sa Manila. "Hindi na talaga ako mag-iinom kahit kailan" seryosong sabi nito. "Sana nga, dapat lang 'no." sagot ko naman sa kanya. 

Nauna na ako sa sasakyan since super bagal nilang kumilos grabe, nakita ko naman si Marl na tahimik sa isang tabi habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. Mukhang napansin nya naman ang pagpasok ko. "Wala pa rin sila?" inip na tanong nito, agad naman akong tumango. "Naliligo pa yata yung iba" kumunot naman agad ang noo nya.  "Ang kukupad talaga" bulong naman nito, natawa naman ako.

Bumaba naman ako ng sasakyan para balikan sila sa loob, iniwan ko na rin gamit ko dun. Napahawak naman ako sa balikat ko nang mabangga ako ng isang lalaki. "Bela?" halos patanong na sabi nito, agad nya naman tinanggal ang salamin nya. "Aden?" tumango naman sya. "Kumusta ka na?" nakangiting saad nito. "Okay lang, pauwi na rin kami hinihintay ko lang mga kaibigan ko" saad ko dito, tumango naman sya. "I see, kakarating lang namin. Kasama ko sila Mama" ngumiti naman ako.  "Talaga? Nasaan sila Tita?" umakto naman sya na para bang may hinahanap. "Nako, nasa taas pa yata. Sasabihin ko mamaya sa kanya na nakita kita" mag-uusap pa sana kami nang makita kong nagbababaan na ang mga bruho at bruha. "Una na kami ha? Dalaw ka sa bahay minsan" tumango naman sya.

Childhood friend ko si Aden, madalas din sya before sa bahay. Ngayon lang ulit kami nagkita. Nabanggit nya rin na nakita nya rin si Lili kanina, nagkamustahan rin daw sila.

"Sino 'yon?" bulong ni Cy sa 'kin.  "Bakit? Bet mo?" natatawang sabi ko sa kanya saka sya iniwan, nauna naman ako sa sasakyan. Nandun na sa loob si Faith na kumakain pa rin, si Faye, Mich at Em na nag-aayos ng make-up at si Lili na tulala sa isang tabi. Tulog na agad si Kier, maging si Marl natutulog na rin, si Cy at Vin na lang ang wala, ang babagal kasi kumilos. Kasunod ko na kanina si Cy, nawala na naman. Kabute talaga.

"Tara na" masiglang sabi ni Vin, umupo naman sya sa tabi ni Kier. Magkatabi si Lili at Faith, si Kier at Vin, si Faye at Em, si Cy katabi ng driver kaya katabi ko si Marl ngayon. Wala si Keith kasi nauna na siyang umuwi kinahapunan pag punta namin dito, nagkasakit kasi yung Mom nya kaya sa susunod na lang daw ulit sya sasama. Naiintindihan naman namin 'yon, katawagan din nila kahapon si Keith, inggit ang bakla.

Kanina pa nakasandal yung ulo ni Marl sa balikat ko, hindi ba sya nangangalay? Masyado kasi siyang matangkad. Sinuotan ko naman sya ng neck pillow saka sya isinandal. Nakasimangot naman si Lili sa isang tabi. Agad ko naman kinuha yung chocolate wafer sa bag ko at iniabot iyon sa kaniya, agad naman sya ngumiti. "Love you!" mahinang sabi nito, inirapan ko naman sya.

Hindi ako makatulog sa sobrang ingay nila, palakasan sila humilik. Maging si Marl ay nagising, agad naman sya naglagay ng headset saka ulit pumikit. Ganoon din ang ginawa ko at hindi naman ako nabigo makatulog.

"Nandito na po tayo, mga Ma'am at Sir" anunsyo ni manong, agad ko naman sila ginising. May kalahating oras pa naman kami bago yung flight namin, mas okay nang maaga kaysa late. "Bilisan nyo, gising na. Pag tayo naiwan, bahala kayo" agad naman ako bumaba at kinuha ang bagahe ko. Isa-isa naman silang bumaba, parang mga labag pa sa kalooban.

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now