KABANATA 18

15 3 0
                                    

Marl POV

Bukas na gaganapin ang graduation namin, hapon na nang dumating si Daddy kasama ang ilan niyang tauhan. Nanatili ang ilang kalalakihan sa labas habang sya naman ay mabilis na nagtungo sa lamesa. Agad nya naman akong tinawag at kinausap.

"Wala kanang nirerespeto at sinusunod ngayon." mahinahon na saad nito. "Anong karapatan mong sumuway gayong wala ka namang maipagmamalaki? Mananatili kang pabigat, habang buhay." matalim naman itong nakatingin sa 'kin. Ipinagtataka ko kung bakit kanina ko pa hindi nakikita si Mommy at Rence, pero hindi ko naman na 'yon pinansin since madalas silang umalis ng bahay para mamili at maglibang. May sarili kasing pera at negosyo si Mommy, hindi niya pinapakialaman ang pera ng makasarili kong tatay. Kaya naming bumukod dahil alam kong kaya nya kami buhayin dahil galing din siya sa mayamang pamilya, kaso ang problema ay hindi nya talaga maiwan si Daddy.

"Ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong ko dito, nakita ko naman ang paglawak ng mga ngiti nya sa labi. "Nakuha mo akong ipahiya sa pamilya ni Casey. Iyak ng iyak yung anak nila dahil hindi mo manlang daw sinipot. Limang oras naghintay yung tao, akala ko ba lalaki ka?" Nagkuyom naman ang mga kamao nya. "Pero dad, hindi nyo po ako naisip. Kung gusto o sang-ayon po ba ako sa pinagagawa nyo o hindi. Sarili nyo lang ang iniisip nyo, sariling kapakanan nyo." seryosong saad ko, malakas nya naman akong sinuntok saka hinawakan sa braso ko. "Wala kang kwentang anak! Kung sana lamang ikaw nalang ang namatay, edi sana maayos kong napakinabangan ang Kuya mo". Marahan naman akong tumayo. "Sana nga, Dad. Sana ako nalang. Hindi ko deserve na maitrato ng ganito, pero tignan nyo kung anong ginagawa nyo. Never kayong naging mabuting ama sa 'kin, sa 'min ni Rence. Kung maaari lang mamili ng magiging ama, bakit kita pipiliin? Wala kang karapatan tumanggap ng pagmamahal galing sa iba, kung impyerno naman ang ipinararanas mo sa kanila. Sa 'min!" nagulat naman ako nang tinawag nya ang ilan niyang tauhan saka ako ipinahawak sa kanila. "Wala akong pake sa gusto mong sabihin, sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka kay Casey! Wala kang magagawa." saad nito bago ako talikuran. "Ikulong nyo na 'yan, siguraduhin nyo na hindi 'yan makakatakas. Kung kailangang ikadena nyo, gawin nyo." saka ito tuluyang umalis. Isa-isa naman nila akong binigyan ng suntok dahilan para mamilipit ako sa sakit. Dito na yata ako mamamatay.

Pabagsak naman nila akong inilagay sa kama saka tinalian. Nandito ako sa bakanteng kwarto ng bahay namin kaya malabong may gamit akong makukuha dito para makahingi ng tulong. Labis na pagkahilo at panghihina na ng katawan ang nararamdaman ko. Agad ko namang inisip si Mommy at si Rence, sana ay nasa maayos silang kalagayan. Nagulat naman ako nang malakas akong hatawin sa ulo ng isa sa mga tauhan ng ama ko. Matalim ko siyang tinignan. "Tapang mo kahit nakatali ka na ah, bakit may magagawa ka pa ba?" natatawang sabi nito. "Wag kang mag-alala pre, kapag nakalabas ka na dito edi malaya ka na!" saad pa ng isa saka sila malakas na tumawa. Mabilis naman silang lumabas ng kwarto saka ikinandado ang pinto. Mukhang planado lahat ng ito kasi walang tao kanina pagdating ko. Maging ang mga kasambahay namin ay hindi ko manlang nakita.

Halos maiyak na ako nang makita ang dugong pumapatak sa damit ko, dugo at pawis na nagmumula sa noo ko. Umaasa akong tutulungan ako ng mga kaibigan ko, ngunit malabong malaman nilang nandito ako.

Ilang oras pa ang lumipas, konti-konti ko ng nararamdaman ang gutom. Maging ang pilik ng aking mga mata ay para bang bumibigat, hilong-hilo na rin ako ngayon ngunit pinipilit kong maging matatag para hindi makatulog, hindi puwedeng wala akong gawin. Babangon na sana ako mula sa pagkakahiga ng maramdaman ko ang paghigpit mula sa dibdib ko. Hindi ko manlang napansin na bukod sa lubid, may kadenang nakakabit sa katawan ko. Umiikot at nagdidilim na rin ang paningin ko. Hindi ko na rin sinayang ang lakas ko para sumigaw dahil alam kong walang makakarinig sa 'kin.

Nagising naman ako nang makarinig ng katok mula sa pintuan, sandali naman akong binuhayan ng loob ng marinig ko ang boses ni Iris. "Marl? Nandito ka ba?" nanlalambot pa rin ako, ni hindi ko maibukas ang bibig ko. Ilang minuto naman siyang nanahimik, akala ko nung una ay umalis na sya ngunit nagulat ako nang may malakas na tunog akong narinig mula sa labas.

Nanlaki naman ang mata ko nang makitang makapasok sya sa loob ng kwartong pinagtitigilan ko. "Marl!" malakas na sigaw nito nang makita ako, agad nya naman akong pinuntahan at tinulungan. Kaso sobrang daming nakatali sa 'kin, sinabi nya namang hihingi sya ng tulong sa iba pa naming kaibigan ngunit agad ko naman siyang pinigilan.

Maya-maya pa may isang matanda naman ang dumating dala ang iba't ibang gamit, agad nya namang kinutingting ang mga bagay na nakakabit sa 'kin. Kalahating oras din ang lumipas nang matanggal lahat ng 'to.

Agad nya naman akong isinakay sa likod nya saka kami bumaba papunta sa kotse nya na nasa labas ng bahay.  "Hindi ka safe dito, for sure babalikan ka nila. Doon ka muna sa condo ko." ngumiti naman ako sa kanya, habang nagmamaneho sya hindi nya maiwasang hindi mapatingin sa 'kin. Sobrang bilis rin ng takbo ng sasakyan. Nanglalambot pa rin ako kaya napagpasyahan kong magpahinga muna.

Nakapikit ako nang hawakan nya ang kamay ko, hindi ko naman magawang maimulat ang mga mata ko. "Huwag kang mag-alala, nandito ako. Hindi kita iiwan, pangako." nag-iwan naman ako ng isang matamis na ngiti bago tuluyang matulog. Pakiramdan ko ay ligtas ako ngayong siya ang kasama ko. Tila musika sa aking tainga ang kanyang tinig dahilan para magpaulit-ulit ito.

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now