KABANATA 15

11 0 0
                                    

Iris POV

"Hi Papa! I miss you." bungad ko nang makita ko ito, super dami nilang dalang pagkain. "Nasaan si Lili? May pasalubong ako sa inyong dalawa, kukuhanin ko lang sa taas." saad nito saka umakyat, nagkatinginan naman kami ni Mama. "Mahal na mahal talaga kayo ng Papa nyo, sana ako rin may pasalubong." biro nito, natawa naman ako.

Dahan-dahan namang bumaba si Papa hawak ang dalawang naglalakihang bag. "Eto sa 'yo, Iris. Eto naman ang kay Lili." masayang sabi ni Papa, nakangiti naman kaming nagtungo sa lamesa para tignan kung ano iyon. Nagtungo naman si Mama sa kusina para maghain. Sabay naman naming inilabas isa-isa ang laman nun.

Unang item is heels, malaki lang ng kaunti ang paa ko kay Lili pero almost same lang kami ng sukat. Itim ang sa akin at silver naman ang kanya. Sunod ko namang inilabas ang isang maliit na kahon, pareho ulit kami. Mga alahas iyon, ang isa naman ay pabango. Sunod namin inilabas ang pinakamalaking kahon, sabay naman naming binuksan pareho. Pareho itong bestida ngunit itim ang akin at puti ang kaniya. Mahilig kasi ako sa black habang sa puti naman mahilig si Lili.

"Sandali, meron pa." iniabot naman sa 'kin ni Papa ang isang kulay itim na bag at puti naman ang kay Lili, una palang alam ko na Laptop ang laman noon. Agad naman naming siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.  "Salamat po, Papa. The best ka talaga!" saad namin pareho, tumawa naman siya.  "Para talaga kayong kambal, ang laki na ng mga anak ko." bigla namang sumingit si Mama.  "Akala mo ikaw lang may pasalubong sa kanila? Ako rin 'no." Binuksan naman ni Mama ang isang maliit at parihabang kahon, inilabas nya ang isang magandang kwintas. May kulay itim iyon na bato na kasing liit ng bitones. Isinuot nya naman iyon sa 'kin. Ganoon din kay Lili kaso ang kaniya, kulay pink.

Noon pa man, hilig talaga nila kaming bilhan ng mga gamit na pareho. Kaya madalas kaming pagkamalan na kambal. February 16, 1998 kasi ang kaarawan ko, April 6, 1998 naman ang kaniya. Konti lang ang gap namin sa isa't isa, halos buwan lang.

"Salamat, Mama! I love you." saad ko dito saka sya niyakap at hinalikan sa pisngi, ganoon din si Lili. "Tara na, nakahain na ako. Lalamig ang pagkain." sabay-sabay naman kaming nagtungo sa kusina.

Pagkatapos naming kumain, nakatanggap si Mama ng tawag. Kailangan daw nilang bumalik sa kompanya. Baka raw bukas pa sila makauwi kaya isara daw namin mabuti ang mga pinto at gate. Safe naman sa bahay namin since ang higpit ng security sa subdivision namin, hindi ko din alam kung paano nakapasok yung lalaking nakita ko nung nakaraan. Marami din guard dito, nagroronda sila every hour. Lalo sa gabi.

"Iris, dito ako matutulog." saad ni bruha, tumango na lang ako. Si Lili ang unang unang tumawag sa 'kin ng Iris, Irene/Bela kasi kadalasan ang tawag sa 'kin ng iba ko pang naging kalaro noon. Maging ang iba kong naging kakilala.

"Wala ka pa rin bang maalala sa nangyari noon?" tanong ko kay Lili.   "Kilala ko ang mga magulang ko, may moment din akong naaalala nung mga panahong kasama ko sila. But nung last time na nakasama ko sila, hindi ko 'yon maalala."  saad nito. "Ikaw ba?" tanong nya naman sa 'kin. "Wala pa rin, pero lately nagkakaroon ako ng mga weird na panaginip. Saka, pumunta ako sa luma nating bahay" nanlaki naman ang mata nya.  "Talaga? Bakit may naaalala ka na?" agad naman akong umiling.  "Actually, sinabi ko kasi kay Marl yung about sa panaginip ko. Then sinabi nya na mostly yung mga weird na panaginip daw connected sa past life or future ng isang taong nakakaranas nun. Then naalala ko yung bahay namin, bahay ng parents ko na tinuluyan natin noon."  Tumango naman sya. "Di ba sabi ko sa'yo hindi ko sila naaalala kahit mga itsura nila? Kasi sa bahay wala akong nakikitang pictures nila kahit isa?" tumango ulit sya. "Sa kakahanap ko kanina, nakita ko yung family picture namin." agad ko 'yun nilabas. "Tama. Eto nga ang mga magulang mo. Naalala mo ba noon, idino-drawing ko pa sila sa kagustuhan kong tulungan ka?" umiling naman ako.  "Limot ko na, basta kailangan natin kumalap ng mga impormasyon, lalo na kung paano, saan at bakit sila namatay." tumango naman sya.   "Nung huling time na nakasama ko sila Mommy, hindi ko na maalala. Pero ang natatandaan ko one time, kung tama yung naaalala ko since sobrang tagal na no'n at maliliit pa tayo, narinig ko si Mommy habang kausap si Tita, yung Mom mo. Pinag-uusapan nila yung camping, since pareho daw natin nirerequest 'yon." tumango naman ako.  "Kailangan pa natin malaman lahat, kulang pa tayo sa impormasyon. Nagtry ako magsearch nung isang araw buong gabi about sa incident year 1995-2005 pero wala akong nakita na possible na related at makakatulong e." nakasimangot na sabi ko sa kanya. "Baka deleted na?" Tumingin naman ako sa kanya.  "Yung naglabas nung balitang 'yung kung mayroon man, kaya rin nilang tanggalin 'yon since sila ang nagpost. Pero for sure may mga copies tayong makukuha sa internet, kung wala man sa Police Station tayo pupunta." tumango naman ako. Actually noon ayoko na talagang ungkatin since natatakot rin ako na hindi ko alam, but ngayon parang desperada na akong tuklasin and alamin lahat.

"Boring, manood na lang kaya tayo?" tanong ko dito, agad nya naman ako nginitian. "Horror!" suhestiyon nito, nginisian ko naman sya. Hindi pa kami nakakakalahati pero masasabi kong maganda ang kwento nito, kanina pa nakasuksok si Lili sa tabi ko. Sya nag-suggest sya naman itong siksik ng siksik ngayon.

"Teka, ano 'yon yung evidence sa ilalim nila ng lupa nakuha?" tanong nito sa 'kin. "Nanonood ka ba talaga?" tanong ko dito, ngumiti naman sya sa 'kin. Agad ko namang naalala yung panaginip ko, ano kayang connect nun? Grabe, parang mababaliw na 'ko.

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now