KABANATA 17

13 2 0
                                    

Iris POV

"Nang makarating ako sa ospital, sobrang daming tao. Puro dugo, nag-iyakan. Doon pa lang, hindi ko na makayanan. Hanggang sa tinawag ako ng isa sa kapulisan, itinuro kung nasaan sila naroroon. Hindi ko na sila halos makilala, basang-basa sila ng ulan at naliligo ng dugo. Sinabi ng doctor na may breathing pa daw si Annie at Kent, ang Mama ni Iris at Papa mo, Lili. Sinabi rin nila na totally patay na raw si Johan at Lianne. Nanglalambot at umiiyak man, pinilit kong tatagan ang loob ko." Umiiyak ito habang patuloy na nagkukwento. Ramdam kong mahal na mahal talaga ni Mama yung Mama ko, kaya pala ganoon na lang sya kalungkot tuwing magtatanong ako tungkol dito.

"Ilang minuto din ang lumipas bago nila tuluyang ideklara na patay na yung dalawa, parang huminto yung puso ko, para akong nabingi sa narinig ko. Nanlalambot buong katawan ko, iyak ako ng iyak. Pumunta naman ako sa ospital kung saan namin kayo dinala. Napag-alamanan namin sa doktor na maaaring mawalan kayo ng ala-ala. Lalo na si Iris na mas malakas yung pagtalsik at paghampas ng ulo sa lapag. Dahil na rin sya yung pinaka napuruhan. 'Yang sugat nyo pareho, dahil 'yan sa maliliit na bubog na nagmula sa kotse na nakabangga sa inyo." sinulyapan ko naman ang peklat na nasa kamay ko, hindi naman sya gaano kalaki at hindi rin sobrang halata. Ganoon din ang kay Lili.

"Simula noon, nang mailibing ang mga magulang nyo, ako na ang nag-alaga sa inyong dalawa. Ayaw naman sumama ni Lili sa mga kamag-anak nya na nasa ibang bansa. Ako lang rin naman ang nag-iisang kapatid ng Mama ni Iris, wala namang kapatid ang Papa nya." pumasok naman si Papa dahilan para maagaw nya ang atensyon namin. Nginitian naman kami ni Mama.

"Nandito na yung mga damit na gagamitin natin bukas. Maagang pupunta yung stylist natin kaya agahan nyo ang gising okay? Isukat nyo na muna ito sa taas." nakangiting sabi ni Papa, sumunod naman kami sa sinabi nya. Aakyat sana kami nang pigilan kami ni Papa. "Congratulations! Masaya ako para sa inyong dalawa, mga mahal ko. Dahil diyan, bibigyan ko kayo ng regalo." nakangiting sabi nito saka iniabot sa 'min ang isang maliit na kahon. Nang buksan namin iyon, susi ang naroroon. May dalawa ring card sa loob.

"Ang isa diyan ay susi ng sasakyan na nasa labas, bagong bili 'yon kaya ingatan nyo ha?" natawa naman si Papa. "Ang dalawang card naman na 'yan ay para sa bago ninyong condo. Magkasama kayo doon syempre, up and down iyon at may apat na kwarto para kapag gusto nyo isama ang mga kaibigan nyo, may tatambayan at tutulugan kayo."  Sa sobrang saya, niyakap ako ni Lili ng sobrang higpit. Halos sakalin nya na ako sa totoo lang. Nagpasalamat naman kami pareho at tuluyan nang nagsukat.

"Excited na ako sobra!" saad ni Lili, after din kasi nito mamimili kami ng gamit para sa condo namin. After graduation kasi aalis si Mama at Paps, may business daw silang aasikasuhin sa ibang bansa. "Nagpadala nga pala ng pera si Tita Mimi sa bank account ko, damihan natin ang bili!" wala pa man, excited na sya. Marami kaming bank account, dalawa kay Lili at tatlo naman sa 'kin. Yung isa niyang bank account ay yung mga mana and kita nung company na pinapatakbo ng Tita nya, hawak naman iyon nila Mama at Papa. Habang yung isa naman ay para sa kaniya mismo. Ganoon din 'yung sa akin, ang pinagkaiba lang kaya naging tatlo yung sa 'kin ay dahil sa mga mana ko mula raw sa Lolo at Lola ko, pati na rin ang mana na bigay sa 'kin nila Mama. Yung isa ay yung kita nung company ng parents ko, lahat ng business nila at yung isa ay para sa 'kin.

Hindi ako totally magastos, tamad din talaga akong lumabas. Mahilig lang ako bumili ng libro at kung ano-ano sa online shops. Kakatapos lang namin kumain ng tanghalian nang magdatingan ang mga kaibigan namin. Nagtaka naman ako kung bakit sila nasa bahay, agad naman hinanap ng mata ko si Marl ngunit bigo akong makita sya.

"Anong meron?" bungad ko sa kanila nang makapasok sila. "Ay, grabe ka teh! Hindi mo manlang kami aalukin umupo? Aalukin ng juice or something?" reklamo ni Em, matalim naman akong tumingin sa kanya.  "Bakit wala bang upuan sa bahay nyo? Wala din bang juice or something sa inyo?" seryosong saad ko dito, narinig ko namang tumawa si Kieth at Cy. "Parang biro lang, ikaw naman." sabay hampas nito sa balikat ko. "Tara sa taas." anyaya ni Lili, nagsunuran naman sila. Kanina pa umalis si Mama at Papa after kumain nung morning, ang dami kasi nilang inaasikaso. Andami rin nilang bilin kung halimbawa raw na matuloy kami sa pag-alis mamaya.

"Bakit kayo lang? Si Marl?" tanong ni Lili sa kanila, agad naman nagkibit ng balikat ang iba. "Hindi ko rin ma-contact eh, baka busy." saad naman ni Kier, tumango naman si Lili.  Napaisip naman ako, ano naman kayang ginagawa nun? Teka...pake ko ba?

Naalala ko naman ang mga kinuwento ni Mama sa amin, nakakalungkot isipin na gano'n ang kinahinatnan nila. Ngayon lang rin namin nalaman na may kompanya pala silang inaasikaso magkakasama. Talaga palang malapit sila sa isa't isa, hindi na rin ako magtataka.

Sobrang naa-appreciate ko yung effort ni Mama at Papa para sa 'ming dalawa ni Lili. Hindi man nila kami tunay na mga anak, pero itinuring nila kami na parang kanila. Minahal nila kami ng higit pa sa sobra, pagmamahal na wala ring makakapantay.

Marami mang pagsubok ang dumating sa buhay nila noon, pinili nilang magpakatatag para sa 'min dahil alam nila na sila lang ang makakatulong at malalapitan namin. Mahirap at masakit mawalan ng magulang, pero hindi rin namin gaanong dama yung pangungulila dahil never naman sila nagkulang.

Ano kaya ang naging problema noon sa kompanya nila? Bakit may mga taong nagagalit at nagwawala nung araw na 'yon?

Kung iko-connect naman sa sulat na ibinigay o natanggap namin, na alam kong hindi rin naman namin dapat pagkatiwalaan pero patuloy na nang gugulo sa isip ko, hindi kaya sinadya yung aksidenteng 'yon? Bakit nagkataon na may mga taong nagwawala sa labas ng kompanya nila, at naaksidente sila? At ano naman ang mga pakay nung mga tao na 'yon, bakit galit na galit sila?

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now