KABANATA 6

27 2 4
                                    

Iris POV

Isang oras na ang lumipas, paulit-ulit pa rin sila.  "Kayo na, 'no?" kinikilig na tanong ni Em, inirapan ko naman sya. "Nagpapatawa ka ba?" tanong ko dito, umiling naman sya. "Feeling ko talaga, may something na sa inyo. Kaya pala always kayo magkasama, akala ko pa naman nagkakataon lang or sadyang close lang kayo" natatawang sabi iti, dumating naman ang leader nila. "Isipin mo, kailan pa kaya nagstart?" tanong ni Faye sa kanila, hindi ko naman sila pinapansin. Sunod namang lumapit sa 'kin si Lili at Faith. "Support ako, forever MarlRis" natatawang sabi ni Faith.

Nagulat naman ako nang lumapit sa 'kin si Marl. "Ops, alis na tayo. Nandiyan na yung love birds" saad ni Faye saka tumawa. Magkakasama naman silang umalis saka kami iniwan ni Marl. "Yung kanina...."  Pagsasalita ko since kanina pa sya nakatingin sa 'kin.  "Lahat 'yon...totoo" seryosong saad nito.
"Kailan pa?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Umiwas na sya ng tingin sa 'kin, mabuti naman. "Nung una kitang makita" halos pabulong na sabi nya, saka sya napakamot sa ulo nya. Una nya akong makita? So almost 3 or 4 years na? Seryoso ba sya? "Masama pa rin ba pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito saka niya marahang idinampi ang kanyang mga palad sa noo ko. "Ayos lang ako" naiilang na sabi ko. "Namumula ka kasi" nakangiting sabi nito sa 'kin.  "Nakakainggit naman" saad ng isang lalaki, si Cy 'yon ang dakilang chismoso. Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Parang mainit din ako, Iris" natatawang sabi nito, seryoso namang nakatingin si Marl sa kanya.  "Mainit ka talaga, buhay ka pa eh. Magtaka ka kung malamig ka na, baka patay ka na" mahinahong sabi ko dito, sumimangot naman sya. Bigla namang tumawa si Marl. "May nakakatawa?" tanong ni Cy sa kanya, umiling naman sya. "Makaalis na nga" saad nito bago siya tuluyang umalis.

"Ilang taon na tayong magkaibigan, I'm just hoping na 'di masira yung friendship na mayroon tayo nang dahil do'n. I like you a lot, I'm not saying na gustuhin mo ako pabalik, sana lang hayaan mo akong gustuhin ka palagi" nakangiting sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko. "Kapag okay na lahat, liligawan kita kung papayag ang parents mo and especially ikaw" nakangiti pa rin sya sa 'kin. 

"But for now, let's be friends like we used before. I'm always here for you and I will do my best to make you happy. I'll protect you, let's be happy together, be happy as always." nginitian ko naman sya. 

"Thank you for everything, appreciated." Matagal ng magaan ang pakiramdam ko kay Marl. Masaya ako sa lahat ng sinabi nya, pakiramdam ko may taong handang tumanggap sa 'kin kahit ano at sino pa ako.

Nandito kami ngayon sa tabing-dagat since uuwi na kami bukas. Plano nila magpuyat, mag-karaoke at manood ng movie hanggang umaga.  "Kumusta naman pakiramdam mo?" tanong nito sa 'kin, agad naman akong ngumiti sa kanya. "Okay na ako, pagod lang siguro" sagot ko naman sa kanya. "Sure ka bang ayaw mo talaga magpacheck-up?" agad naman ako tumango.  "Masyado lang akong pagod nitong mga nakaraang araw, salamat sa concern" tumango lang sya saka ngumiti.

Nagulat naman kami nang makapasok kami sa room naming mga girls. Nandun pati yung kaibigan naming mga lalaki, nagtatatalon. Nagstart na pala silang mag-inom. Sobrang ingay nila kantahan ng kantahan yung iba. "Hoy si Kier!" sigaw ni Em, mukhang lasing na kasi si Kier na ibinuhos ang alak na hawak niya sa kaniyang ulo saka ito tumalon-talon. "Baliw talaga, grabe" bulong ni Lili sa isang tabi. Katabi nya naman si Mich na nakahiga na rin. Sobrang kalat na sa loob at halatang nakainom na silang lahat. "Tama na 'yan guys, matulog na kayo". Nagulat naman ako nang bigla akong akbayan ni Vin. "Tulog agad? Part 1 pa lang tayo. Manonood pa tayo ng movie mamaya, 'di ba?" makulit na sabi nito, para silang mga bata.  "Marl, tulungan mo akong dalhin sila sa room nyo" agad naman siyang tumango. Agad ako lumapit kay Cy na nakahilata na sa lapag. Nasa banyo naman si Faye, nagkakalat. Si Faith at Mich, tulog na kanina pa sa upuan. Si Lili naman talon pa rin ng talon.

"Cy, gising. Mabigat ka kaya tumayo ka mag-isa" saad ko dito, iminulat nya naman ang mga mata nya saka sya ngumiti. "Ang ganda mo talaga, Lili" binatukan ko naman sya.  "Bilisan mo tumayo!" saad ko dito, lumapit naman sa 'kin si Marl. "Si Kier na lang samahan mo, ako na dito" tumango naman ako, tinignan ko naman kung nasaan yung mokong na kakaladkarin ko.

Palapit pa lang ako amoy na amoy ko na yung alak, naaawa ako kay Marl ngayon pa lang. "Kier, bangon Agad naman sya bumangon. "Iris! Tara inom" makulit na sabi nito, saglit lang kami nawala ah, gaano ba kadami ininom nila. Sakit sa ulo. "Tigilan mo ako, tayo!" agad naman siyang tumayo.  "Yes, sir! Ma'am pala!" hila-hila ko naman siya since super tapang ng amoy ng alak na nasa kaniya. Ikaw ba naman maligo ng alak.

Magkatulong naman namin kinuha si Vin, magkalapit lang kami ng rooms kaya 'di masyadong hassle. Nag-request naman ako ng new room na pagtutulugan ng mga babaita since basa at madumi na yung buong kwarto namin. Tinulungan ko naman si Marl na punasan sila, agad din akong lumabas kasi kailangan nya palitan ng damit yung tatlo.

Nang matapos siya tinulungan nya naman akong ilipat si Faye, Lili, Faith, Mich at Em sa kabilang kwarto.

"Grabe, napagod ako dun" saad nito, natawa naman ako. "Same, gaano kaya kadami ininom nung mga 'yon. Ang bait ni Kier, grabe" saad ko. "Vinideohan ko nga sila eh, para naman may ebidensya gaano sila kakalat ngayong gabi" tumawa naman kaming pareho. "Sa salas na lang ako matutulog, amoy alak pa rin sa room namin"  naalala ko namang lilinisin ko pa nga pala mga kinalat nila. "Tara sa taas, andami pa nga palang lilinisin. Nakalimutan ko na." nagtungo naman kami ng sabay.

Isang oras din mahigit kami naglinis sa loob, sobrang dami ng nilinis namin. Tatlumpung pirasong bote yata ng alak nakuha namin, ilan lang naman sila nag-inom. Saglit lang rin naman kaming nawala.

"Tara na sa taas? Anong oras na rin kasi, maaga pa tayo aalis bukas" sumang-ayon naman sya sa sinabi ko. "Tara" pag-aya rin nito. Nagpaalam na kami sa isa't isa, nauna na akong pumasok.

Nakita ko naman si Lili na naka-upo sa harapan ng ref habang nakabukas. Akala ko naman may tinitignan siyang pagkain, natutulog pala. Nilakasan ko naman yung aircon since banas na banas silang apat, mababait masyado eh. 

Fearless (Ongoing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن