KABANATA 12

11 1 0
                                    

Marl POV

Dala ang kotse ko, nagmaneho ako papunta sa condo ko. Hindi ko kayang tumira sa isang bahay ng may kasamang demonyo. Agad naman ako tumawag kay Vin.

"Hello pre?" bungad nito sa 'kin.  "Papunta ako sa condo ko ngayon, busy ka ba?" tanong ko dito. "Hindi naman pre, naglalaro lang kami ni Cy. Bakit?" agad ko naman sa kanya sinabi yung nangyari. "Sige, sandali lang. Maghahanda lang kami ng gamit, uuwi na lang kami bukas para makapagbihis for pictorial." nagpasalamat naman ako.

Nang makarating ako sa condo ko, inayos ko agad ang mga gamit ko. May dalawang kwarto naman dito, kumpleto naman ako sa gamit. Maya-maya pa nakarating na din yung dalawa. "Akala ko ba uuwi kayo bukas? Bakit parang next year nyo na plano umuwi?" natatawang tanong ko sa kanila. "Ganun talaga pre, boy scout 'to." mayabang na saad ni Cy.

"Anong problema, pre?" agad na tanong ni Vin sa 'kin. "Nag-away na naman kami ni Dad to the point na nanakit na naman sya.. Sinagot ko kasi sya, paano gusto nya akong ipakasal sa iba." inis na sabi ko.  "Ipakasal? Ga-graduate ka pa nga lang." singit naman ni Cy. "May kaklase kasi ako before, gustong-gusto nya ako. Then kanina sabi ni Dad, uuwi daw yung babaeng 'yon dito sa Pinas. Nakakakulo ng dugo." agad naman ako inabutan ni Vin ng beer. "Hayaan mo na si Tito, choice mo pa rin naman masusunod. Hindi naman kailangan na lahat ng gusto nya, sundin mo, 'no." seryosong sabi ni Cy.

"Saka paano na si Miss Beautiful kung magpapakasal ka sa iba?" sabay tawa nya, sira. "Simple lang, edi ako na lang magpapakasal kay Ris." singit ni Vin, sinamaan ko naman sya ng tingin. "As if papayag 'yon, saka hoy may nalaman ako 'no!" natatawang sabi ni Cy.

"Akala ko may something kayo ni Faye, si Mich pala gusto mo ha! Kaya pala late ka umuwi one time before, sabi mo may binili ka lang, hinatid mo pala sya sa kanila." natawa naman si Vin.  "Actually, yes. Gusto ko talaga si Mich, lately ko lang narealize 'yon. Pero hindi ko pa sya nililigawan." agad naman siyang sinakal ng kapatid nya.  "Grabe bakit ngayon mo lang sinabi? Kung hindi ko pa naisip, hindi mo talaga sasabihin 'no? Parang hindi kapatid." nakasimangot na sabi nito. "Eh ikaw, kailan ka aamin kay Lili?" pang aasar naman nito. "Kapag umamin ka na kay Mich." natatawang sabi nito, nginisian naman sya ng kapatid nya. "Talaga? Bukas ako aamin, edi bukas mo rin sasabihin kay Lili?".   Natahimik naman sya. Tumawa naman kami ni Vin pareho.

Maaga akong nagising, sobrang sakit ng ulo ko. Tulog pa rin yung magkapatid, sobrang kalat sa lamesa. Agad ko naman iyong nilinis, nagulat ako nang biglang tumunog ang phone ko.

From: 09********8

Hi, Marl! Good morning. I'm Casey, remember me?

Agad naman nagkunot ang noo ko, for sure si Dad ang nagbigay ng number ko dito. Maya-maya pa nagtext ulit ito.

From: 09********8

See you later! Have a nice day.

Ibinato ko naman sa couch yung cellphone ko, kailan kaya kami makakalaya. Sakal na sakal na kami kay Daddy, sya na lang ang nasusunod sa lahat.

Nagluto naman ako nang pagkain after ko mamili, tulog pa rin yung dalawa. Nang matapos ako sa pagluluto, agad ko naman sila ginising.  "Gising na, hoy! Kakain na. Nandun na sila Kier, ang haba daw ng pila."agad naman silang bumangon. "Grabe, anong oras na ba?" tanong ni Cy.  "Malapit na mag alas-onse. Kanina ko pa kayo ginigising." nanlaki naman ang mata nila. "Kanina pa tapos yung mga girls, tayo na lang hinihintay." Pangungulit ko sa kanila.

Mabilis naman silang kumain saka umalis, naiwan akong mag-isa dito. Agad naman akong naligo, pagkatapos kong mag-ayos ay nagtungo na rin ako sa venue.

"Gwapo ah? Akala ko kasal na pupuntahan mo eh."  Biro ni Kier sa 'kin, agad ko naman tinignan si Iris na tulala sa isang tabi. "Nasaan yung kambal?" tanong ni Keith sa 'kin.  "Baka nasa kanila pa, paano tanghali gumising." tumawa naman sila. "Ano pa nga bang bago." Nakangising sabi ni Faye.

"Saan tayo mamaya?" tanong ni Faye. "Gala ulit?" iritang sabi ni Faith. "Maiwan ka sa bahay kung gusto mo." mataray na sagot ni Faye sa kakambal. "Sungit, sumbong kita kay Daddy eh." sabay irap nito. "So, saan nga tayo?" tanong nya ulit, wala namang sumasagot. "Mukhang wala kayo sa mood ngayon ah, okay edi ako na lang." nakasimangot na sabi nito.

Tapos na ako sa pictorial, mukha namang kararating lang nung dalawa. "Bilisan nyo, ang babagal kasi kumilos." sermon ni Mich sa kanila. Tapos na kasi kaming lahat, sila na lang dalawa yung wala.

Kanina ko pa napapansin si Iris, tulala sya kanina pa. Hindi rin sya nagsasalita. "Li" pagtawag ko kay Lili, agad naman siyang lumapit.  "Bakit?" agad na tanong nito. "Bakit tahimik si Iris? May problema ba?" nag-aalalang tanong ko dito, nginisian nya naman ako. "Ayii, naks. Tahimik din naman ako kanina pa, bakit 'di mo ako tinatanong?" nakasimangot na sabi nito, nagulat naman ako nang bigla nya akong hampasin. "Biro lang, ewan ko din eh. Nung umuwi sya galing park kahapon, ganiyan na 'yan. Hindi makausap, tulala palagi." nag-aalala rin na sabi nito. Ano kayang problema, ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Fearless (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon