KABANATA 9

16 2 0
                                    


Iris POV

Ilang oras din bago kami makauwi sa bahay, naabutan ko naman si Mama na nasa garden. "Hi, Ma!" masayang bati ko dito, nauna naman sa loob si Lili kasi sobrang sakit daw ng tiyan nya. "Hello nak, kumusta?" bungad nito sa 'kin saka ako hinalikan sa pisngi. "Ayos lang naman po, kayo po?" ilang araw din sya mag-isa sa bahay kung nagkataon, buti na lang dumating si Papa. "Ayos lang naman anak" nakangiting sabi nito.

"Nasaan po si Papa?" tanong ko.  "Umalis sya kaninang umaga, may aasikasuhin lang daw, babalik din agad 'yon" tumango naman ako.  "Gusto mong kumain? Nagluto ako kanina ng carbonara and chicken" agad naman ako tumakbo sa kusina.  "Si Lili?" tanong nito sa 'kin. "Nasa taas po, masakit daw po tiyan nya kaya nagmamadali pong umakyat" sagot ko naman. "Ganoon ba? Ano kayang nakain ng batang 'yon?" nag-aalalang sabi nya.

Tulog na si Lili nang makaakyat ako, saktong kalalabas lang ni Mama sa kwarto ni Lili. "Tulog ang loka, nasobrahan siguro sa pagod" tumawa naman ako.  "Naalala ko nga pala, graduation nyo na next week, 'di ba?" nanlaki naman ang mata ko, muntik ko na makalimutan. "Oo nga po pala ma, nakalimutan ko po. May aasikasuhin lang po ako, mauna na po ako sa inyo" saad ko saka ako mabilis tumakbo sa kwarto ko. Agad ko naman bunuksan ang cellphone ko, andami na namang chat sa gc.

Keith: Nakauwi na kayo?

Faye: Oo, kakadating lang halos.

Em: Guys, next week daw ang graduation. Owemji!

Cy: Seryoso? Kasama kaya kami ni Kier sa ga-graduate?

Kier: Dinamay mo pa ako, ikaw lang 'no.

Cy: Parang 'di kaibigan ah, mang-iiwan na lang bigla? Dalawa tayo dito men.

Marl: Bukas daw yung pictorial. Then sa isang araw yung practice.

Vin: Weh? Nakakatamad.

Mich: Anong oras kayo pupunta bukas?

Cy: Sa hapon na lang tayo

Em: Bobo ka ba? Umaga ang start, hanggang tanghali lang. Pa-special ka talaga.

Cy: Sungit.

Vin: Ayan na si Ris, anong oras ka tom?

Me: Hindi ko alam, bahala na kung anong oras magising.

Cy: Naks, Idol talaga!

Me: Ingay nyo, tulog muna ako. Tulog si Lili, mamaya ko sasabihin sa kanya yung sched natin. Bye!

Faye: Bye!

Em: Bye, sis!

Cy: Sleep tight, gigising ka pa ha?

Me: Naman, tsk.

Alas-dos na rin nang magising ako, nakita ko naman si Lili na nakahiga sa couch ko nakasimangot na naman.  "Tagal mo gumising" nakasimangot na sabi nito. "Inggit ka, edi sana mamaya ka na lang gumising" saad ko saka ito inirapan. "Sungit palagi, araw-araw ka ba meron?" natatawang tanong nito. "Nakita mo na sched natin? For graduation?" agad naman sya tumango. "Kaya nga badtrip ako ngayon, nakakatamad" humiga naman ulit ako. "Wag mo sabihing matutulog ka na naman?".  Agad ko naman sya nginisian. "Ano naman sa'yo?" saka ako nagkumot.  "Bilis ng panahon, ga-graduate na tayo. Sa trabaho naman tayo mai-stress, nakakatawa" agad ko naman sya binato ng unan. "Edi 'wag ka magtrabaho, basic. Dami mong reklamo, gagawin mo rin naman" bigla naman siyang lumabas ng kwarto. Napatingin naman ulit ako nang maya-maya ay bumalik ito.

"Ano 'yan?" tanong ko dito, may isang malaking garapon kasi siyang dala. "Snacks, ano pa nga ba" saka ulit umupo sa couch ko at nanood ng palabas. "Walang TV sa room ko remember? Ayoko ng maingay" reklamo nito, ayaw nya daw nanonood din naman sya. "Edi 'wag mo palang buksan, bakit dito ka nambubulabog matutulog ako" agad nya naman ako tinignan ng masama.  "Bakit 'di ka na lang matulog at manahimik diyan?" saka ako nito inirapan, kapal ng mukha.

Kanina pa sya iyak ng iyak sa pinapanood nya, saka nya sasabihing matulog ako. Ang ingay nya kaya, kainis talaga 'tong bruha na 'to.  "Bakit mo sya iniwan! Palibhasa hindi mo alam kung gaano 'yon kasakit!" saka ulit sya umiyak, tapos mamaya tatawa, mamaya naman kikiligin, drama queen. Kung 'di ko kaibigan 'to at hindi ko kilala, iisipin ko baliw 'to. "Paano ako makakatulog? Ang ingay mo kaya" iritang sabi ko sa kanya. "Wag kang maingay! Kung gusto mo dun ka sa kwarto ko kahit magkulong ka pa, bukas ka na lumabas" agad naman ako lumabas ng kwarto ko, para akong pinalayas sa sarili kong bahay.

Napasilip naman ako sa labas ng bintana namin bago ako bumaba, nakita ko naman ang isang bata na mag-isang nakaupo sa labas ng gate namin. Agad naman akong bumaba.

"Hi" bati ko dito, tingin ko ay nasa apat o limang taon lamang ito.   "Hello" nakangiti habang kumakaway pa na sabi nito. "Wala ka bang kasama?" tanong ko sa bata, ang gwapo nya. Pamilyar sya sa 'kin pero hindi ko alam kung saan ko sya nakita. "Wala po, umalis po ako sa house namin" kumunot naman ang noo ko. "Ha? Bakit? Alam mo ba na masyadong delikado 'yon? Saan ka nakatira?" sunod-sunod na tanong ko dito. "Lagi po kasi pinapagalitan ni Dad si Kuya eh. Saka po hindi nya po ako love" naluluhang sabi ng bata. "Kawawa po si Kuya, lagi pong galit si Daddy sa kanya. Lagi po sya galit kaya po umalis po ako" nalungkot naman ako sa narinig ko. "Pero alam mo ba, mag-aalala sa 'yo yung Kuya mo, 'di ba love mo sya?" agad naman sya tumango. "Dapat hindi mo na 'to uulitin ha?" agad naman sya tumango. 

"Kumain ka na ba?" agad naman sya umiling at sumimangot.  "Hindi pa po eh" nakasimangot na sabi nito.  "Okay, gusto mo ba kumain sa loob? After nun, ihahatid na kita sa inyo okay ba 'yon?" tumango ulit sya.

Kitang kita sa mga mata niyang tuwang-tuwa siya sa mga pagkaing nakahain sa harapan nya. "Sino 'yang batang 'yan?" tanong ni Mama sa 'kin. "Nakita ko po sa labas ng gate natin eh" nginitian nya naman ako.  "Malapit talaga ang loob mo sa mga bata, 'no?" agad ko naman nilingon ang batang kasama ko. Masaya naman siyang kumakain. "Iwan ko muna kayo ha" tumango naman ako.

"Anong pangalan mo?" nakangiting tanong ko dito, sandali naman siyang huminto at uminom ng juice na nasa tabi nya. "Mathew po" saka ito ngumiti. "Ilang taon kana?" tanong ko ulit dito. "Four po" sagot nya naman sa 'kin. "Anong last name mo?" muli kong tanong. "Dela Cruz po" teka....Dela Cruz?

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now