KABANATA 20

14 2 0
                                    

Iris POV

"Nasaan ka ba talagang bata ka? Nag-aalala kami sa 'yo." bungad sa 'kin ni Mama nang sagutin ko ang tawag nya, ipinaliwanag ko naman sa kanya yung totoong nangyari. "Pwede po ba huwag nyo pong sasabihin kay Lili? Ayaw po kasi ni Marl na ipaalam sa iba naming kaibigan." mahinahong sabi ko dito, agad naman siyang sumagot. "Ako na ang bahala kay Lili. Kawawa naman si Marl, hayaan mo babantayan ko ang pamilya nila sa ibang bansa. Sisiguraduhin kong hindi mapapahamak ang Mommy at kapatid nya." agad naman akong nagpasalamat.

Kagabi, hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yun. Sadyang hindi ko lang makayanan nung marinig ko siyang sumisigaw na tila ba galit na galit, makitang umiiyak at takot na takot. Batid kong may malalim na ibigsabihin ang lahat ng iyon, ayoko namang madaliin sya sa pagkukwento. Pero hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya. Kahit noon, kapag may problema o malungkot ako siya yung isa sa mga taong nasa tabi ko para palakasin ang loob ko. Ayoko namang mawala ako sa tabi nya lalo na sa mga ganitong pagkakataon.

Komportable akong kasama sya. Matagal na kaming magkaibigan pero hindi kami yung tipo ng tao na as in super lapit sa isa't isa since pareho kaming tahimik. Pero kapag kailangan namin ng karamay, maaasahan namin palagi yung isa't isa.

Nalungkot naman ako nang sabihin nya sa 'kin kanina na akala nya iniwan ko sya. Matagal na kaming nagkakasama pero hindi ko alam yung mga karanasan at pinagdaanan nya sa buhay. Tahimik akong nagluluto ng adobo at tinolang manok nang makita ko siyang bumaba dala ang kumot. "Nilalamig pa rin ako." Saad nito, kanina kasi ay sobrang init pagkatapos naman ngayon, mukhang uulan na naman. Sobrang dilim ng langit kahit alas-otso pa lamang ng umaga. Sandali ko namang iniwan ang niluluto ko saka tumakbo sa kwarto ko. Agad ko namang kinuha ang isang makapal na jacket saka iyon iniabot sa kaniya.

Mabilis ko namang hinango ang niluluto ko saka isinalang ang hotdogs, sausage, bacon at itlog para sa umagahan namin. Nag sangag na rin ako ng kanin kanina. Mabilis naman akong natapos at tinulungan nya naman ako maghain. Gumawa din ako kanina ng soup para sa kanya, dinamihan ko din ang mga ilaw na nakabukas sa kwartong tinutuluyan nya dahil madilim sa labas, iniisip ko kasi na baka natatakot sya. May paparating daw kasing bagyo na maaari ring lumabas ng bansa pagkatapos ng dalawa hanggang apat na araw. Sana lamang ay hindi magkaroon ng biglaang blackout dahil dito.

"Ang dami mo namang niluto." nakangiting sabi nito, ipinagsandok ko naman sya ng kanin, ulam maging ng sabaw. "Maraming salamat." masayang sambit nito.

"Ang dami mong nakain." biro ko sa kanya, napakamot naman sya ng ulo. Nagtaka naman ako nang iabot nya sa 'kin ang isang card. "Para saan 'to?" Takang tanong ko dito. "Gusto ko sanang makihati sa gastos, buti na lang nasa bulsa ko yung wallet ko kahapon." saad nya, agad ko namang ibinalik sa kanya 'yon. "Hindi na, ano ka ba. Akong bahala sa 'yo." saad ko saka siya kinindatan, nagpupumilit pa sya pero wala siyang nagawa.

Sa ngayon, hindi ko pa kayang i-admit na gusto ko talaga si Marl, pero masaya ako tuwing kasama ko sya. Saka, yung soft side ko, sa kanya ko lang naipapakita. Masyado akong komportable sa kanya.

Gusto nya pa sana akong tulungan maghugas ng plato ngunit sinabi kong magpahinga nalang sya. Ayaw nya naman daw maiwan mag-isa sa taas kaya nandito sya ngayon nakaupo, pinapanood ako.

"Baka gusto mong manood ng tv? Mamaya nga pala, baka biglang mag blackout. But don't worry, madami akong biniling flashlight kanina." nakangiting sabi ko, hindi naman sya sumagot. "Kung gusto mo....sasamahan kitang matulog mamaya. May couch naman sa loob." ramdam ko pa rin yung takot nya, hindi ko alam pero kapag naiisip ko kung sino yung nasa tabi nya sa mga ganitong panahon, ipinagdarasal ko na sana mayroon kahit isa. "K-kaya ko na." pagpilit nito, hinayaan ko naman sya.

Maaga siyang nahiga kasi sumasakit daw yung tagiliran nya, agad ko naman siyang sinamahan. Naglagay na rin ako ng maraming flashlight sa lamesa malapit sa kama para kung kailanganin nya man ng ilaw, may magagamit sya kung sakaling magkaroon ng blackout. Palabas na sana ako nang biglang kumulog ng malakas, napapikit naman ako. "Ayos ka lang?" tanong ko dito. "A-ayos lang ako." saad muli nito.

Nasa loob na ako ng kwarto ko, patay ang ilaw since ayoko ng maliwanag. Hindi ako makatulog kapag bukas ang ilaw. Pupunta sana ako ng banyo nang hindi na nagbubukas ang ilaw namin. Sumilip rin ako sa labas, sobrang dilim. Dali-dali naman akong pumunta sa kabilang kwarto para tignan kung ayos lang si Marl, napangiti naman ako nang mabatid kong tulog na sya.

Sobrang lakas ng ulan, sobrang lamig rin kahit wala kaming kuryente ngayon. Nakahiga ako sa couch ngayon, mukhang hindi ulit ako makakatulog. Ilang minuto pa, nakaramdam rin ako ng antok sa sobrang lamig at dilim ngayon.

Nagising naman ako nang marinig kong tila umiiyak si Marl, nangingibabaw kasi ang boses nya sa tainga ko kahit na sobrang ingay sa labas. Lalapit na sana ako kaso mas lumakas pa ang boses nito.

"Kuya...'wag mo akong iwan. Hindi ko kayang mag-isa, parang awa mo na...." tila naman nadurog ang puso ko dahil sa sinabi nya. "Ikaw na lang ang mapanghahawakan ko sa ngayon, tulungan mo ako Kuya. 'Wag mo akong iwan...please." agad naman akong lumapit, iyak pa rin sya ng iyak kaya napagdesisyunan kong gisingin na sya. Tulala naman siyang tumingin sa 'kin na tila ba naguguluhan, agad naman siyang nagtakip ng tainga nang muling kumidlat ng malakas.

"N-natatakot ako....sorry." marahan ko namang hinawakan ang kamay nya. "Hindi mo kailangan matakot, at hindi mo kailangang humingi ng tawad kasi natatakot ka...." saad ko sa kanya. "Lahat tayo, may kinakatakutan. May fear, worries, doubt and so on. Parte ng buhay natin 'yon. Ang mahalaga, kasama mo ako ngayon....hindi mo kailangang matakot, nandito ako." nanatiling nakatakip sa kanya ang kumot, mas hinigpitan ko naman ang hawak sa kamay nya. "Sana...palagi kang nandito. Hindi ako sigurado kung kailan ka aalis, kung kailan mo ako iiwan..." malungkot ang boses niya, huminto na rin sya sa pag-iyak.

"Nakakahiya kasi lalaki ako pero umiiyak ako sa harapan mo ngayon, sa harap pa mismo ng babaeng gusto ko." unti-unti naman niyang iniaalis sa kamay ko ang kamay nya ngunit mas hinigpitan ko ang pagkakahawak dun. "Sino bang may sabing aalis ako? Saka...hindi naman masamang umiyak. Walang masama sa pagpapahayag ng tunay na emosyon at nararamdaman ng isang tao. Masaya ako kasi ako yung nandito sa tabi mo ngayon, kahit araw-araw ka pa umiyak at maglabas ng sama ng loob, lungkot at kung ano mang nararamdaman mo, makikinig ako at palagi akong nandito para sa 'yo." bahagya nya namang ibinaba ang kumot na nakaharang sa mukha nya, binuksan ko kasi ang isang flashlight kanina para magsilbing ilaw namin. Alam kong natatakot pa rin sya.

"Pero....hindi ako sigurado kung palagi kitang makakasama. Paano ako makasisiguro na hindi mo ako iiwan, kung ganoon?" nag-aalalang tanong nito, ngayon lang ako nakakita ng lalaking takot maiwan. Tila naman natutuwa ang puso ko sa katotohanang ugali nya 'yon.

"Kung ganoon...." mahinang sabi ko saka ko sya hinarap, taka naman siyang tumingin sa 'kin. "Pakasalan mo ako." Saad ko kasabay ng bigla niyang pagbangon.

Fearless (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon