KABANATA 28

8 2 0
                                    

Marl's POV

Nagulat ako sa nakita ko, isang babaeng inibig ko ng lubos. Nandito ulit sya, hindi ko naman maiwasang hindi kabahan. Nakakunot ang noo ni Daddy habang nakasimangot naman si Mommy. Malaki ang ngiti ni Nari habang nakatingin sya sa 'kin. Tila lahat ng sakit at masasamang ala-ala ko ay muling nabuhay at bumalik. "Mauuna na kami ng Mommy mo, may aasikasuhin pa kami."  Saad nito, naiwan naman kami ni Casey dito. Kanina pa rin sya nakasimangot, alam nya ang kwento namin ni Nari.

Nahagip naman ng paningin ko si Iris, blangko itong nakatingin sa 'kin. Agad naman siyang umiwas ng tingin saka itinuloy ang ginagawa. Hindi ko kayang makita si Nari, hindi lang ala-ala ang bumabalik sa 'kin. Pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko sya, bumabalik ang lahat pati ang nararamdaman ko para sa kanya.

She's my first girlfriend, my first love. Sya yung unang taong nagparamdam sa 'kin na kahit gaano kasama ang mundo at ang ibang tao sa 'kin, karapatan kong maging masaya at mabuhay sa paraan na gusto ko. Sobrang sakit na iniwan nya ako nung araw na 'yon, panahon na kailangan na kailangan ko sya sa tabi ko.

Sya yung nagtatanggol sa 'kin noon, nagpapatawa sa 'kin tuwing malungkot ako. Galing sya sa mahirap na pamilya, ayaw sa kanya ng Daddy ko pero gustong-gusto ko talaga si Nari. Simula noon, lalong nadagdagan ang galit sa 'kin ng ama ko. Naiintindihan ko na kinailangan niyang umalis para makapagtapos ng pag-aaral. Lalo na't malaking oportunidad ang inialok sa kaniya ng dati naming eskwelahan. Sino ba naman ako para pigilan siyang abutin ang mga pangarap nya?

Ang hindi ko lang maintindihan, bakit kailangan niyang umalis ng walang paalam? Hindi ko naman sya pipigilan lalo na't para iyon sa kaniya. Simula noon, sinanay ko na ang sarili ko na wala sya. Ilang taon rin siyang nawala, ngayon lang sya bumalik. Maayos na ang buhay nya ngayon, may maliit na silang negosyo ng pamilya nya. Sikat na sya.

Ilang taon akong nagsanay na wala sya, pero hindi ko maiwasang hanap-hanapin sya tuwing may sakit ako. Wala na rin akong kasama tuwing kumikidlat at kumukulog. Sobrang hirap, kasi nasanay ako na nasa tabi ko sya. Matagal na kaming magkaibigan, isang taon ko siyang niligawan. Nung umalis sya, malapit na kaming mag-isang taon. Walang break-up na naganap pero parang ayon na rin yung nangyari. Still, umalis sya ng hindi nagsasabi.

Bumalik naman ako sa katinuan nang marinig ko ang boses ni Nari.  "Masaya po akong nakabalik ako dito. Isa rin pong karangalan na makasama ako ngayon sa event na 'to." masayang sabi nito, nagsisimula na pala ang live interview nya since sya ang pinaka special guest ngayon. Nakakagulat lang kasi hindi ko inaasahang sa ganitong event kami magkikita. "Sinasabi po nung iba na kaya ka daw po bumalik dito ay dahil sa lalaking gusto mo? Totoo po ba iyon?" tanong ng isang reporter sa kanya. Sandali naman siyang sumulyap sa 'kin saka ngumiti. "Yes. Pero bukod po doon, syempre bumalik ako dito para sa pamilya ko. Para ituloy ko yung pangarap ko." nagpapalakpakan naman ang iba. "Nandito po ba ang lalaking tinutukoy nyo?" tanong ulit ng isa.  "Yes, pero ayaw nya sa camera. Ayaw nya ng atensyon ng iba."   natatawang sabi nito, pasimple naman akong napangiti. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa 'kin. Ang alam ko lang, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Ang tagal naming hindi nagkita.

Nanatili ang panunukso sa kanya, pilit siyang hinuhuli para mabatid nila kung sino iyon. Nanatili naman siyang tahimik. Nagulat naman ako nang biglang tumayo si Casey, mukhang pupunta sya sa CR. Nakita ko namang nakatingin ang mga kaibigan ko sa 'kin, agad din naman silang umiwas ng tingin.

Hindi ko alam kung anong nangyayari, kung bakit parang lahat ng sakit na naramdaman ko noon, nahanapan ko na ng gamot. She's back, I miss her. Tuwing nakikita ko sya, parang gusto ko na lang maging selfish. Sarili ko lang nararamdaman ang papakinggan ko, wala ng iba. Napatingin naman ako sa direksyon ni Iris, nanatili siyang nakatingin sa 'kin na tila ba naluluha. Maya-maya pa, ngumiti sya saka tumayo. Iniabot nya naman ang laptop nya sa babaeng kasama nya saka ito umalis. Taka namang tumingin sa kanya ang iba naming kaibigan.

Tatayo na sana ako para sundan sya kaso nagulat ako nang makaramdam ako ng kamay na nakahawak sa braso ko. "Nari..."

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now