KABANATA 19

15 2 0
                                    

Marl's POV

Nagising ako dahil sa mahinang tapik ni Iris sa 'kin, agad ko naman siyang tinignan. "Nandito na tayo, Marl." saad nito saka ako nginitian ng may halong pag-aalala. Tinulungan nya naman akong makababa, hanggang sa paglalakad. Binati naman sya ng mga staff doon, tanging tango lamang ang naisagot nya sa mga ito.

"Malapit na tayo, sandali na lang."   Marahan nya naman akong iniupo saka sya nagtungo sa kusina. Bumalik naman sya ng may mga dalang gamot. Isa-isa nya namang tinignan ang bawat sugat at mga pasa na mayroon ako. Hindi ko alam pero hanggang ngayon, antok na antok pa rin ako.

"Okay na, sasamahan kita sa kwarto para makapagpahinga ka." saka ako nito inalalayan sa pagtayo. Tinulungan nya rin ako makaupo ng maayos since puro sugat at pasa yung buong katawan ko. Inabutan nya naman ako ng damit, puro dugo na kasi yung damit ko. "Kaya mo bang magpalit?" nag-aalalang sabi nito saka niya tinignan ang mga sugat na mayroon ako. "Kaya ko, salamat." nahihiyang sagot ko dito, naglabas naman sya ng isang makapal na kumot saka nya ito binigay sa 'kin. "Kapag may kailangan ka, tawagin mo lang ako. Nasa kabila lang ako." aniya bago lumabas ng silid.

Natapos rin akong magpalit ng damit, sobrang sakit ng katawan ko. Hindi ko manlang makausap si Mommy para alamin kung nasaan sila at kung ligtas ba sila. Naiwan ko kasi sa kotse ko yung phone ko, kinuha naman ni Dad ang kotse ko. Nagulat naman ako nang bumukas bigla ang pintuan ng kwarto kung nasaan ako ngayon. Nakita ko naman si Iris na may dalang tray na punong-puno ng pagkain. Marahan naman akong bumangon, dali-dali niyang ibinaba ang hawak nya saka ako inalalayan.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" Tanong ko agad dito, agad naman siyang umiling. "Nakapagpaalam na ako, sinabi kong hindi ako makakauwi kasi may importante akong gagawin." saad nito saka inilapit sa 'kin ang isang bowl na may lamang mainit na soup. "Pasensya ka na, naabala pa kita." nahihiyang sabi ko dito, kinuha nya naman ang isang kutsara saka ito inilagay sa mainit na soup, inilapit nya naman ito san'kin.  "Hindi ka naman abala." saka ito ngumiti. "Kaya ko na, ako na."  Gusto ko man ang pag-aalaga nya. Hindi ko alam pero pinangungunahan ako ng hiya. Tipong para bang sasabog ang puso at mukha ko tuwing lalapit sya. Agad nya namang binitawan ang kutsara saka binalatan ang prutas na hawak nya, puro pasa ang buong katawan ko pero ang saya ko ngayon.

"Pwede ko bang magamit yung phone mo? Naiwan ko kasi sa kotse ko yung phone ko, kinuha naman ni Daddy yung kotse ko." ibinigay nya naman sa 'kin yung phone nya, agad ko naman itong kinuha saka siya nginitian. Lumabas naman sya sandali para hugasan yung mga plato at iba pang kubyertos na ginamit ko.

"Ma? Si Marl po 'to. Nasaan po kayo? Nag-aalala ako." sambit ko nang sagutin nya ang tawag ko.  "Marl? Nasaan ka anak? Ayos ka lang ba? Nag-aalala rin ako sa 'yo".   umiiyak na sabi nito.  "Maayos po ako, nasaan po kayo?" tanong ko muli dito.  "Kasama ko ang kapatid mo, nandito kami sa ibang bansa ngayon pero babalik din kami pangako. Hindi ko alam kung bakit sapilitan kaming isinama ng daddy mo kaninang umaga." kwento nito. "Tawagan nyo po ako agad ha? Ingatan nyo po si Rence, pati po yung sarili nyo." saad ko, narinig ko namang nagsalita si Rence. "Don't steal my Ate Iris, okay? I'll be back, Kuya." aniya, natawa naman ako sa sinabi nya. Hindi rin maiwasan ni Mommy na tumawa. "Mag-iingat ka palagi anak. Nandiyan na daddy mo, saka may business din akong aasikasuhin dito. I love you." napangiti naman ako, nawala naman ang ngiti sa mga labi ko nang kumulog ng malakas. Agad naman ako nagtakip ng tainga at ibinalot ang sarili ng kumot. Kuya...

Sunod-sunod ang pagkulog at pagkidlat kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan, hindi ko mapigilang hindi umiyak. "Tama na!" nalakas na sigaw ko habang umiiyak. Nanghihina ang katawan ko maging ang buong ako tuwing umuulan, lahat ng masasakit na ala-ala na pilit kong ibinabaon sa limot ay tila ba bumabangong muli para balikan ako.

Bumukas naman ang pintuan ng kwartong tinutuluyan ko. "Marl?! Ayos ka lang? Anong nangyari sa 'yo?" nag-aalalang sabi nito, agad nya namang tinanggal ang kumot na naka-balot sa 'kin saka ako mahigpit na niyakap. "Nandito ako, 'wag kang matakot okay? Hindi kita iiwan." Nanatili kami sa ganoong sitwasyon, pakiramdam ko ay nasa bahay ako. Pakiramdam ko naka higa ako sa kama ko, kasama ang unan ko na palaging nasa tabi ko tuwing kailangan ko ng karamay.

Nakaramdam ako ng antok dahil mahina nya akong inaawitan, nanatili siyang nakayakap sa 'kin hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Isa ito sa karanasan na hindi ko pagsasawaang maranasan ng paulit-ulit.

Nagising ako dahil sa matinding sikat ng araw na tumatama sa 'kin, agad ko namang nilingon si Iris pero bigo akong makita sya sa tabi ko. Kahit papaano, unti-unti namang nabawasan yung sakit na nararamdaman ko. Maingat naman akong bumangon saka naglakad patungo sa labas ng kwarto.

Maingat ko namang binuksan ang kwartong katabi ng tinutuluyan kong kwarto ngunit wala si Iris sa loob, hinanap ko na sya sa buong bahay ngunit hindi ko sya nakita. Tila naman nanlumo ako, ayokong maiwang mag-isa....

Palabas na sana ako nang makita siyang papasok na sa loob, tila naman nagulat sya nang yakapin ko sya ng mahigpit. "Akala ko, iniwan mo na ako." bulong ko dito, ngumiti naman sya saka tinapik ang balikat ko.  "Hindi kita iiwan, tara sa loob magluluto ako ng pagkain." saad nito saka ako hinila papasok. Hindi ko naman maiwasang ngumiti, ang saya ng puso ko.  

Fearless (Ongoing)Where stories live. Discover now