Chapter 1: Verdentia Empire

5K 111 13
                                    

Chapter 1: Verdentia Empire

Tahimik kong pinagmasdan ang malaking pader mula sa maliit naming bahay-ampunan. Pader na halos hindi mo makita ang hangganan at halos kasing lapad ng kalahati ng Verdentia, ang emperyo namin.

Sa loob nito ay ang ilang bayan na pinapangarap ng mapasok ng lahat ng nakatira dito sa Eldoria, ang maliit namin na lupain. Lupain na kung ituring ng mga tao na nasa loob ng pader ay madumi, mahirap, hindi nararapat tumira sa Verdentia, at pinagkaitan ng nyxia.

Nyxia ang tawag sa kapangyarihang dumadaloy sa katawan ng tao, ito ang nagsisilbi mong suporta sa iyong katawan, nakadepende sa nyxia mo ang tibay mo sa isang labanan, kung ilang mahika ang kaya mong maipalabas, kung anong lakas ng mahika ang kaya mong maipalabas. Kung tutuusin, napakaimportante ng nyxia sa mundo na aming ginagalawan.

Bigla kong naramdaman na may paparating sa aking silid base na nyxia na taglay nito agad ko itong nakilala. Agad kong iniba ang tingin ko at hinintay ang kanyang katok. Hindi rin nagtagal ay may kumatok, hindi ako lumingon bagkus ay hinintay ang kanyang sasabihin.

"Kakain na tayo, ate Haruka."

Napatango ako at tumayo. Humarap ako at nakita ang nakangiting mukha ni Philip na isa sa mga batang iniwan sa labas ng bahay-ampunan. Nagsimula naman kaming maglakad ng tahimik papalabas sa aking silid.

Dahil sa sobrang kahirapan dito sa Eldoria, maraming sanggol ang mapapadpad dito sa bahay-ampunan. Kita ko kung paano nahihirapan sina Sister na palakihin at pakainin kaming lahat, kaya gumagawa ako ng paraan para makatulong sa mga tustusin dito sa bahay.

"Nakatingin ka na naman ba sa malaking pader, ate Haru?"

Napatingin ako kay Philip ng bigla itong magtanong. Ginulo ko naman ng konti ang buhok nito, "Hindi ako nakatingin, Philip." tanging sagot ko.

"Sus! Alam kong nag-sisingungaling ka, ate!" sagot nito.

Napangiti nalang ako at hindi na sumagot pa. Hanga ako sa majikang taglay ni Philip, alam ni Philip kung nagsisingungaling o nagsasabi ng totoo ang isang tao. Kahit hindi ito gumagamit ng spell ay ramdam niya paring kung nagsasabi ka ng totoo o hindi.

Hindi rin nagtagal ay nakarating kaming dalawa sa hapag-kainan. Agad akong umupo sa pwesto ko kung saan katabi ni Sister Mary at tumabi naman si Philip sa akin. Patago naman akong napangiti ng makitang tuwang-tuwa ang mga bata ng makita kami.

Ngumiti lang si Sister sa akin na agad ko din namang sinuklian.

"O'siya tayo na't kumain." malambing nitong saad sa aming lahat.

Tahimik kong nginunguya ang pagkain ko habang nakikinig sa kwento ng ibang batang nandito. Siyam kaming lahat sa bahay-ampunan. Dalawang nag-aalaga sa amin na sina Sister Mary at Sister Lena at pito kaming pinapakain nila.

Nabaling naman ang tingin ko kay Sister Lena ng hawakan nito ang kamay ko, "Maraming salamat sa pagkain na dinala mo, Haru." nakangiti nitong ani.

Sinuklian ko lang ito ng tipid na ngiti at muling tinuon ang pansin sa pagkain. Masyado ng matanda sina Sister, bilang sumunod na nakakatanda sa aming lahat na nandito kailangan kong tumulong para maitaguyod ang pang araw-araw namin na pagkain.

"Pag ako lumaki, magtratrabaho ako sa capital para malaki ang sahod na maiuuwi ko."

Nabaling ang tingin ko kay Akira, isa sa mga batang nandito nang magsalita ito. Puno ng pag-asa ang mga mata nitong tuparin ang sinabi niya.

"Pwede ba natin gawin 'yon Akira?" inosente namang tanong ni Hoshi sa kanya. Katulad ni Akira, pareho silang limang taong gulang, at parehong iniwan ng magulang nila sa labas ng bahay-ampunan.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now