Chapter 31: Healing Stone

2K 59 3
                                    

Chapter 31: Healing Stone


"That was one of the best food that I tasted!" malakas na sigaw ni Kura. Bigla naman itong dumikit sa akin,"I can't find anything unusual." dagdag na bulong ni Kura sa akin.

Napatango naman ako sa kanya para sumang-ayon. Kahit na ako walang nakikitang kakaiba sa paligid. Magkasama kaming naglilibot ni Kura ngayon habang mag-kasama si Kazuki at Fuma. Lahat ng mga taong nandito ay pawang may ginagawa. Nag-lilibang, kumakain, namamasyal. Wala ng iba. They're all look normal.

"Nasaan kaya sila Fuma ngayon?"

Hindi na ako sumagot sa sinabi niya at nanatiling inilibot ang tingin sa paligid. Napako naman ang tingin ko isang maliit na gusali na tila ang taas ng pila. Ang nakapag-tataka ay pawang may karamdaman ang nakapila. May nakita akong nakahawak sa nabali niyang kamay, mga may edad na naka-upo sa isang gumugulong na upuan, mga umuubo at iba pa.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Bakit sila nakapila?

"That's unusual." komento ni Kura na nakatingin pala sa tinitingnan ko. "... puntahan natin." dagdag niya.

Sabay kaming nag-lakad sa nasabing gusali. Mas lalo namang kumunot ang noo namin ng makitang hindi nakikita ang nangyayari sa loob ng gusali. Kahit na gawa sa salamin ang paligid nito, tila may nilagay na kulay itim na nagiging harang para hindi makita ang loob.

Nagkatinginan kami ni Kura bago niya piniling kausapin ang isang babaeng nakapila. Agad nakuha ng pansin ko ang ilang kulay pulang tuldok sa buong katawan niya. Agad ko namang iniwas ang tingin ko ng makitang tumingin ito sa akin.

"Ano ang nangyayari dito?" tanong ni Kura sa babae.

Tumaas naman ang kilay nitong tumingin sa kanya. "Kung kakausapin mo lang ako para sumingit, wag na! Galing pa ako sa kabilang bayan! Pumila ka ng maayos!" mataray niyang sagot.

Nakita ko naman kung paano lumukot ang mukha ni Kura ngunit pinilit na ngumiti. "Hindi kami sisingit. Mag-tatanong lang kami." mahinahon niyang sagot.

Nakataas parin ang kilay ng babae, tumingin muna ito sa amin hanggang sa napatitig ito sa binti ko na may sugat. "Mag-papagaling ka rin?"

Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya ngunit napatango ako bilang tugon. Huminga naman ito ng malalim bago ibinalik ang tingin kay Kura.

"May kapangyarihang healing ang babaeng nakatira dito. Higit pa na magaling sa mga nasa Thalindra." mahinahon na niyang saad.

"Wait.. are you sure? The last time we check lahat ng may kapangyarihang healing ay pinapadala sa bawat Thalindra ng emperyo." nag-tatakang tanong ni Kura.

Tumango naman ang babae. "Matagal na ang babaeng nandito. I don't know.. maybe she's exempted." tanging sagot niya.

Kita ko ang pag-kunot ng noo ni Kura ngunit hindi na ito nag-salita pa.

"Kung mag-papagaling kayo, maari kayong pumila ng maayos." pabalang na dagdag niya.

Hinila naman ako ni Kura sa pinakahulihang linya at sabay kaming pumila. Kumunot naman ang noo kong lumingon sa kanya ngunit dumikit lang ito sa akin at bumulong. "Other that it is unusual, kailangan nating mai-pagaling ang binti mo."

"Ayos lang ako. Kailangan nating unahin ang mission." mahinahong kong sagot sa kanya.

Umiling naman ito. "It's okay, Haruka. Nag-sisimula na tayo! Gusto ko talagang makita ang babaeng sinasabi nila." bulong niya ulit.

"Why?"

"Lahat ng may healing na mahika ay nasa bawat Thalindra ng emperyo. Bata, matanda, dalaga, may asawa o wala. Konti lang ay may ganitong kapangyarihan sa emperyo. Ngunit wala man lang bang nakapansin sa babaeng nag-papagaling dito Azunes? Dapat madala natin siya sa Capital." malakas na bulong niya.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now