Chapter 44: Deprived

1.8K 56 1
                                    

Chapter 44: Deprived



Nakatulala akong nag-lakad pabalik sa silid namin. Tapos na ang pagdiriwang, ngunit hindi ko man lang napansin. Hindi ko man lang napansin na umalis na sina Hashina kasama si Ginang Emi at Malta. Hindi ko man lang napansin na nag-sisialisan na ang mga bisita. Nabalik lang ako sa reyalidad ng hawakan ni Kazuki ang kamay ko.

"Wala bang nangyaring masamo sa'yo, Haruka?"

"Ayos ka lang ba talaga?"

"Anong ginagawa ng babae na 'yon dito?!"

Hindi mapakaling saad nina Kura, Jihen at Fuma. Hindi naman ako makasagot sa kanila at tanging tumango sa lahat ng tinatanong nila.

"Are you sure you're okay?"

Napatingin ako kay Kazuki at tumango. "Yeah." tanging sagot ko.

"That's the reason why the woman that we fought in Molcow is so familiar. She belongs to the eight clans."  seryosong saad ni Fana sa amin.

"I really don't understand that part!" naguguluhang sambit ni Fuma.

"Are you dumb?" agad na sagot ni Jihen sa kanya.

Pumasok naman kami sa aming silid at sumunod naman si Fuma at Kazuki sa amin.

"Hindi!" malakas na sagot ni Fuma sa kanya. "It's just that.. I think there is something wrong with how they behave. It's very odd, especially among Royals." dagdag niya.

Tila napatango naman si Kura at Jihen sa sinabi niya at tanging nakatitig lang ako. Ngunit nanatili akong tahimik. Hindi ko man lang nakita ang napansin ang ginagawa ng nasa walong clans, maliban kay Hashina.

She's insane.. she's crazy!

Sabay naman kaming napalingon kay Fana ng mag-salita ito. "The clans are more powerful than their Royals... in all aspects."

"What does that mean?" tanong ni Kura sa kanya.

Napabuntong-hininga naman ito, "Wealth, magic, nyxia, status, everything." sagot ni Fana.

"That means that Kobayashi was that powerful in this empire?" kunot-noong tanong ni Jihen.

Tumango si Fana. "Kazuki already killed her. But... I don't know." napa-iwas ng tingin si Fana.

Hindi naman kumibo si Kazuki ng marinig ang pangalan niya. Mas lalo naman akong umiwas sa kanila at umupo sa may higaan. Kahit na ako hindi alam ang dahilan. Kahit na si Ginang Emi at Malta ay buhay.

Kaya ba walang takot ang bakas sa kanilang mukha ng lamunin sila ng kapangyarihan ni Kazuki? Kaya ba nakangisi lang si Hashina habang bumagsak ang ulo niya?

Was that her magic? Another Sunstone? I don't know!

"Ano ang sinabi niya sa'yo, Haruka?"

Agad kong inangat ang tingin ko ng marinig ang pangalan ko. Napatingin naman ako kay Jihen ng bigla itong mag-tanong. Halos lahat ng mata naman nila ay nakatitig sa akin.

Patago akong huminga ng malalim. "Nothing particular. She just said that we stole her Sunstone." malamig kong sambit.

Nagkasalubong naman ang kilay ni Fana. "That Sunstone belongs to us!" may diin na sigaw niya.

"That's what I said." tanging sagot ko.

"Let's take a rest. We're traveling back to the Empire tomorrow." malamig na saad ni Kazuki.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now