Chapter 40: Preparation

1.9K 58 6
                                    

Chapter 40: Preparation



Days have passed. Maayos na ang kalagayan ni Kura habang nasa Thalindra parin si Fuma. Gising na si Fuma kailangan lang talagang walang bakas ng sugat sa kanyang likod bago maka-labas sa Thalindra.

Sa loob ng ilang araw nasa loob lang ako ng aking silid sa Cronus. Wala rin si Kazuki sa headquarter, mayroon na namang pag-pupulong na naman ang nagaganap sa palasyo, kaya kasama si Fana dito. Minsan naman ay kinukulit ako ni Jihen para sumama sa kanya ngunit tanging iling lang ang aking sagot.

Ngunit hindi na ngayon.

Sabay nila akong kinaladkad ni Kura palabas sa Cronus kaya wala akong nagawa kung hindi sumama.


"Ano ka ba, Haruka! Ngumiti ka nga!" mataray na ani ni Jihen.

Malakas naman akong napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung saan kami patungo ngunit isa lang alam ko. Napahawak ako sa maliit na bag na nakasabit sa aking balikat. Ramdam mo ang bigat nito ibig-sabihin... marami ang pilak na nasa loob nito.

Binigay na sa amin ang aming sahod bilang isang Sentinel. Hindi ko na binilang kung mag-kano ito, agad ko itong sinilid sa bag ko para ibigay kina Sister kung makaka-uwi ako.


"Mamimili tayo ng mga damit, okay? I can't wait!" tili naman ni Kura.

Agad na pumara ng karwahe si Jihen at agad naman kaming sumakay tungo dito. Napapagitnaan pa nila ako kaya rinig na rinig ko ang pag-uusap nilang dalawa.

"Kamusta si Fuma?" tanong niya kay Kura.

"Maayos naman. He's okay, naghihintay nalang siya na makalabas sa Thalindra." sagot naman ni Kura kay Jihen.

Napahinga naman ako ng maluwag, hindi ko alam.. hindi ko alam ang mangyayari kung may masamang mangyari sa kanya.

"Did Captain and Fana back? Hindi parin ba sila umuuwi?" kunot-noong tanong ni Jihen.

Napatingin naman ako kay Kura, naghihintay sa kanyang sagot. Umiling ito, "No, nasa palasyo parin sila. I don't know why the meeting lasted for how many days." sagot ni Kura.


Napakunot ang noo ko. Pagka-hatid ni Kazuki at Seika kina Fuma at Kura kay Sora hindi ko na sila nakita pa. Fana told me to go back to the Headquarter, at wala akong nagawa kung hindi sumunod. Sinamahan pa ako ni Captain Mizu bago ito bumalik sa kanilang bayan. Maaring agad silang dumeritso sa palasyo para sa isang pag-pupulong.


Biglang huminto ang karwahe at muli kong nakita ang mga pamilyar na gusali at tanawin sa bayan Solstice. Sabay na kinuha ni Kura at Jihen ang kamay ko at hinila patungo sa isang botique. Sa labas palang kitang-kita na ang ilang mga nag-gagandahang gown na ngayon ko lang nakita sa personal.

Kumunot naman ang noo kong tumingin sa kanila, "Anong gagawin natin dito?"

Ngumiti lang si Kura sa akin habang romolyo naman ang mata ni Jihen.

"Nalimutan mo na ba?" mataray na sagot ni Jihen.

Mas lalong kumunot ang noo ko, "Haruka, pupunta na tayong Ravenholm bukas! Sa makalawa na ang kaarawan ng Reyna."

Nawala ang kunot sa aking noo, "Hindi ako sasama." mahinahon kong ani.

Para saan pa? Nakita ko na si Ginang Emi. Lahat ng iniisip ko noon tungo sa emperyo na 'yon ay mali. Wala doon si Ginang Emi, wala siya sa emperyo ng Ravenholm. She's an enemy.. She's our enemy.

Nabigla naman ako ng pinitik ni Jihen ang noo ko. "Wag kang mag-drama! Fana already gave them our names. Hindi pwedeng hindi ka kasama!" masungit niyang sagot.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now