Chapter 12: Exam

2.3K 106 18
                                    

Chapter 12: Exam


Palinga-linga ako sa paligid habang naglalakad sa loob ng gubat. Maaring paulit-ulit ko nang pinuri ang kung sino man ang gumawa nitong gubat ngunit hindi maipagkakaila ang ganda nito. Ang mas nakakamangha ay hindi ko nakikita ang labas, hindi ko nakikita ang mga mamamayang nanood.

Ang nakakapagtaka ay wala na akong nakikitang hayop na maari kong makuhanan ng puntos? Tinalo na ba nila ang lahat? Sa dami naming nandito maaring ganon ang nangyari at wala kaming magagawa kung hindi maglaban sa isat-isa.

Well, dapat lang naman 'yong mangyari. Bilang isang Sentinel hindi isang hayop o bagay ang makakalaban mo sa isang labanan kung hindi tao. Napaayos ako ng lakad ng may maramdaman.

Nyxia.. napakaraming nyxia sa paligid. They're hiding. Sa itaas ng puno, sa likod ng puno, sa may halaman, at ang isang naghahanda sa pag-atake.

Hindi ba nila alam itago ang mga nyxia nila? Malaya lang itong nararamdaman ng kalaban nila na maaring mag-resulta sa pagkatalo nila.

A sudden burst of water flew towards me. Agad ko itong iniwasan at tumingin sa babaeng may gawa. Unti-unti silang lumabas sa pinagtataguan nila habang may ngisi ang nakapaskil sa kanilang mga labi.

"Maganda ba ang surpresang ginawa namin?" malambing na saad ng babae.

Sinuyod ko sila ng tingin. Apat na babae ang nakangising nakatingin sa akin. Napunta naman ang tingin ko sa itaas ng kanilang ulo kung saan nakapaskil ang puntos na naipon nila. They already have thousand of points, maaring marami na silang napatay na hayop.

Nabalik ang tingin ko sa kanila ng bigla silang tumawa habang tinuturo ang puntos sa ibabaw ng aking ulo, sinunod ko naman ito at nakitang nasa limang-daan ang nakasulat. Dahil wala pa akong nakita at napatay na hayop maaring bawat isa sa amin ay may limang-daang puntos.

"Are you that weak? Hindi ka nalang sana sumali." saad ng isa at muling tumawa.

"Right! Hindi ko nga alam kung bakit kasama niya ang myembro ng Cronus kanina!" segunda naman ng isa.

Base sa mukha nila hindi ko matandaan kung saan sila nakita. Baka isa sila sa nakakita kay Kura at Fuma na kasama ako. Malakas akong napabuntong-hininga at tumingin sa ulap.

Alam ko.. alam kong nakatingin sila sa akin. Maybe, I should also do my best and not to disappoint his judgement.

"Hindi kaba magsasalita?! Sa akin 'to diba girls?" saad ng babaeng gumamit ng tubig na kapangyarihan kanina.

Umabante ito habang nakangisi lang na tumango ang tatlong babae sa kaniya at gumilid.

"Ito na ang huling pagtapak mo dito sa loob, might as well I will introduce myself. I am Sana, a noble from Klea. A peasant like you don't deserve to be here!" malakas na sigaw niya at muling nagpalabas ng kapangyarihan.

Biglang may bolang tubig ang rumaragasa papunta sa akin, wala naman akong ginawa kung hindi iwasan ito habang patuloy lang ito sa pag-atake sa akin.

"Puro ka nalang ba iwas?!" malakas na sigaw niya.

Napatitig naman ako sa kanya ng bigla itong pumikit, napa-atras ako ng isang hakbang ng maramdamang yumayanig ang lupang tinatapakan ko. Nakita ko pa kung paano ito ngumising tumingin sa akin at biglang, a sudden wave appeared from the ground.

Nakatayo lang ako at walang ganang tumingin sa kanya. Gusto ko sanang purihin ang ginawa niya dahil tanging ang laki nito ay halos lampas sa mga puno ngunit ang lapad nito ay tila sinukat para lang hindi ako maka-iwas.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now