Chapter 45: Memories

1.8K 58 0
                                    

Chapter 45: Memories



"Ate, Haruka!"

Agad kong niyakap ang tumawag ng pangalan ko. "Hush.. nandito ako! Hindi ko kayo pababayaan."

"Ate natatakot ako!"

"Ate, k-kung t-tumakbo nalang kaya tayo?"

Agad akong umiling. "Hindi nila tayo tatantanan. Pro-protektahan ko kayo, Maliwanag?"

Sabay silang napatango lahat. Ngumiti naman ako sa kanila para ipakitang maayos lang lahat. Ngunit.. kahit na ako nanginginig ang mga kamay ko, malakas na tumitibok ang puso ko.

Bigla naman silang napasigaw ng malakas na bumukas ang pintuan sa labas. Agad silang napatago sa likod ko habang naghahanda ako sa maaring mangyari.

Malalim akong napahinga habang pilit silang tinatango sa likod ko. I fliched ng biglang bumukas ang aming silid habang nakangising nakatingin sa amin ang isang lalaki kasama si Sister sa kanyang likod.

Masagwa niya kaming tiningnan lahat, kaya pilit kong tinatago ang ibang bata sa maliit ko na likod.

"Pick one of them.. make sure to return them." nakangiting sambit ni Sister sa kanya.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Napadikit kami sa isat-isa habang dahan-dahan na lumapit ang matandang lalaki sa amin.

"W-wag kang l-lalapit!" impit kong sigaw.

Narinig ko naman ang malutong niyang tawa. "A-anong magagawa ng isang batang katulad mo?"

Hindi ako nagpatinag. Masama akong tumingin sa kanya habang pilit niyang pinalilibutan. Napasigaw naman ako ng bigla akong napa-upo ng bigla niyang hatakin ang isang bata sa nakakapit sa binti ko.

"W-wag!"

"A-ate.." umiiyak niyang sambit.

"W-wag. Maawa ka! Ako--"





"Haruka!"





I sighed deeply and suddenly opened my eyes. Bumungad naman sa akin ang mukha ni Kura at Fuma na nag-aalalang tumingin sa akin.

"Ayos ka lang ba?" hindi makapakaling tanong ni Kura.

Tumango ako at umayos ng upo. Muli akong huminga ng malalim at tumingin sa kanila. "Maayos lang ako." tipid kong ani.

"You sure? Binangungot ka ata." tanong naman ni Jihen.

Tumango ako sa kanya.

"There's a food over there. Kumain ka muna."

Napatingin ako kay Kazuki ng marinig ang boses niya. Napasilip naman ako sa labas at nakitang wala ng araw sa labas at napalitan ng buwan.

"Anong oras na?" hindi ko mapigilang mai-tanong.

"It's already night." sagot ni Fana.

"Ang tagal mong natulog, Haruka." sambit naman ni Fuma.

Sinunod ko ang sinabi ni Kazuki at tahimik na kumuha ng pagkain. Hindi na din sila nag-abala pang mag-tanong at naging tahimik na sa kanilang upuan.

Pilit ko namang inaalis sa isipan ko ang senaryong 'yon.


Bakit?


B-bakit sila pa?


Verdentia Empire: Endless RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon