Chapter 26: Night Life

2.2K 66 6
                                    

Chapter 26: Night Life



"Dreris is more lively at night, we can't find anything right now." agad na sambit ni Kazuki pagka-pasok namin sa loob ng silid.

May dalawang higaan ang nandito, isang maliit na mesa at dalawang upuan, isang bintana, lagayan ng mga damit, at palikuran. Agad naman naming inilagay sa aming dalang bag sa lagayan ng mga damit at hindi na ginalaw pa.


"Right. Kaya hindi masyadong madami ang tao ngayon at halos puro bata." sang-ayon ni Kura sa sinabi ni Kazuki.

Labis naman na kumunot ang noo ko. Sa dami ng nakita ko kanina, konti pa 'yon sa kanila? Ngunit sang-ayon ako sa halos puro bata, wala akong masyadong nakikitang kasing-edad namin na pagala-gala kanina, wala ni isa.


"Sirado rin ang ibang mga gusali, hula ko mamayang gabi pa sila mag-bubukas." saad naman ni Fuma.


"Let's just rest for today." utos ni Kazuki.

Malaki namang ngumiti sina Kura at Fuma sa sinabi niya.

"I can't wait for tonight!" sambit ni Kura at agad dumapa sa isang kama.

"Sino kaya ang mga makikilala ko mamaya?" komento naman ni Fuma. Nakita ko pa kung paano ito humagikgik bago humiga sa isang kama.

"Sleep for today."

Napatingin ako kay Kazuki ng bigla itong mag-salita. Nakatitig naman ito sa akin kaya agad akong sumagot. "How about you?" tanong ko.

"I will follow." tanging sagot niya.

Tumango naman ako at hindi na nag-tanong pa. Agad akong tumabi kay Kura pinikit ang aking mata. Bigla naman akong tinablan ng antok hanggang sa wala na akong marinig sa paligid.

--

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas. Napabangon ako at napalinga sa paligid. Tulog parin silang tatlo, kaya pinili ko nalang tumayo para sumilip sa bintana.

I was too stunned to speak. Napakurap pa ako kung totoo ba itong nakikita ko. Masyadong malayo sa nakita ko kanina. The place... it's too bright, too lively, and busy. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang dami ng mga tao na halos nagkasik-sikan na sa tanging paglalakad lang. Marami na rin akong nakikitang kasing-edad lang namin na pagala-gala, at walang bata.. wala na akong batang nakikita.

Agad naman akong napalingon para sana gisingin sila ng makitang pakusot-kusot na sa kanilang mata sina Fuma at Kura habang gising na si Kazuki at nakatingin sa likod ko.

"It's already night." tanging sambit ko.

"Nagising ako dahil sa ingay!" saad naman ni Fuma.

"It's look like there's a party's going on." sagot naman ni Kura sa kanya.


"Change your clothes.. and do not wear our robe." biglang saad ni Kazuki. Napatango naman kami sa sinabi niya at agad sumunod.


Kinuha ko lang ang bag na dala ko at namili ng bagong damit, una ko namang nakita ang itim na dress kaya ito na ang sinuot ko. Nakita ko namang pumasok na si Kura sa comfort room habang nag-hihintay si Fuma sa labas bitbit ang damit niya.


Pagkalabas ni Kura sumunod naman si Fuma at ako naman ang nag-hintay sa labas. Nang tapos na ito, agad rin akong sumunod at nag-bihis. Hindi na rin ako nag-abala pang tumingin sa salamin at agad lumabas.

"Oh god! You look fabulous, Haruka!" tili ni Kura pagkalabas ko.


Walang-gana naman akong tumingin sa kanya at tumungo sa lagayan ng mga damit para ilagay ang sinuot ko kanina. Napanguso naman si Haruka at lumapit sa akin, "Nakalimutan ko ang itim na damit ko!" nakabusangot niyang saad. "... Twinny sana ulit, tayo!" dagdag niya. Kulay puti kasi ang suot niya ngayon, kaparehas ng suot ni Fuma.

Verdentia Empire: Endless RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon