Chapter 48: Devastated

1.7K 59 1
                                    

Chapter 48: Devastated



Hindi ko alam kung paano nakayang maglakad ngayon patungo sa Eldoria. Hindi ko alam kung paano ako tumalikod kay Kazuki habang kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung paano ko ininda ang mga pasa at sugat sa aking katawan.

I was lifeless on the road. Halos wala akong pakealam sa paligid. Walang emosyon ang natitira sa puso ko.

I knew Kazuki will do something to Rai. Rai deserves it! They don't deserve to have a second life. They don't deserve to live. I ended them. I ended their life. But.. they will all come to me.

Nalipat ang tingin ko sa itaas, it feels like the moon and stars are guiding me through out my path. Mapait akong napangiti at binalik ang tingin sa daan. I hope.. before they came to me once again, let me breath, let me heal, let me shallow this traumatic experience that I had.



But I think the moon and stars can't let that happened to me. Because right in front of our house, right in front of my lovely orpahange was her. Grinning ear to ear while holding the body of Sena in her right arm.


Tila nablanko ang utak ko. Lumilipad ang isip ko at tila hindi alam ang gagawin. Fear crossed me as I stared at them.

Why? Why all of this happened to me in one night?

"Long time no see, Haruka."

Her words sent chills down to my spine. Hindi ako makagalaw, hindi ako makasagot. I was staring at the woman who made my life a miserable hell. A woman who sold me. A woman who hurt me. A woman who I considered as my mother.

Sister.. Sister na nagpalaki sa akin nuon bago ako mawalan ng buhay ay nakangisi sa akin.


Kahit na naiiba ang suot niya ngayon, hinding-hindi ko malilimutan ang maamong mukha niya. That face, that meek face that I killed.

"I want to talk to you all night but, can I borrow your one precious loveones?"

"S-stop!" nanginginig kong sambit. "Wag mo s-silang idamay!"

Ngunit umugong ang malakas niyang tawa. "What happened to you and your magic?"

Napatingin ako sa buo kong katawan. The pain are still there, the bruises and wound are still there but my magic.. my nyxia are still drowning. Hindi ko alam.. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Seika at Fana sa akin. I can't use it. I c-can't use my magic.

"I can kill you right now, but I will not. There is something big that's going to happened. Bunch of Sentinels are marching towards our place. Maybe, because of Rai. You will come to us, anyways!" kibit-balikat niyang ani habang pinakita si Sena.

Hindi parin ako magalaw sa kinatatayuan ko. Tila umurong lahat ng lakas ko.

"Goodbye, Haruka. See you! I also borrowed the two Sisters!"

Huling saad niya bago biglang nawala sa harap ko. Napatulala ako. Napatingin ako sa kawalan hanggang sa bigla akong natumba. Nanginginig ang paa ko, nanginginig ang buo kong katawan.

Paulit-ulit kong pinupokpok ang ulo ko. "Why?! What happened to my body?! W-why?" muling tumulo ang luha sa aking mata.

"I let Sena.. she's gone. She's g-gone with her."


Gumapang ako patungo sa loob ng bahay. Halos hindi ko na ininda pa ang mga putik sa daan. Paulit-ulit naman akong napailing habang pilit na iwinawakli ang pumapasok sa isipan ko.


"N-nandito na p-po ako!" tawag ko. Halos ilang ulit ko itong binanggit ngunit wala.


I can't h-hear their voice.. w-walang sumalubong sa akin. Biglang bumara ang lalamunan ko at muling sumigaw.

"Umuwi na po ako!" masaya kong sambit ngunit wala.

Nang makarating sa pinto ay agad ko itong binuksan ngunit agad akong nagimbal sa aking nasaksihan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Bigla akong napahinto. Para akong nanaginip at hinintay ang sarili kong gumawa ng reaksiyon.


I couldn't see anything. I couldn't think of anything. Halos kumawala ang puso ko mula sa aking dibdib dahil sa  labis na takot.

"P-philip, A-akira, H-ho..shi, H-hiro, K-kai?"

Isa-isa kong tinawag ang pangalan nila ngunit wala, walang sumasagot sa akin.

"N-nandito na si a-ate, u-umuwi na si ate. W-wag naman k-kayong magbiro n-ng ganito."

"Where are you smile? Where are your warmth hugs? Where are your stories? I'm h-here. Your a-ate is here. N-nandito na si a-ate oh."

Tears blurred my vision as I don't hear anything. Ang maingay at puno ng tawa namin na bahay ay napalitan ng katahimikan at kalungkutan. I reach their hands. Mas lalong tumulo ang luha ko. The warmth that lingered their hands was replaced by an unforgiving chill.

My strength left me as I saw the blood that soaked in their body. Halos hindi ako makahinga habang nanginginig na hinahawakan ang mga mukha nila. Puno ng hiwa ang katawan nila, at halos mabaliw ako habang iniisip ang pagdurusa nila, ang nakakabinging sigaw nila, ang pag-hingi nila ng saklolo.

Ngunit wala. Walang tumulong. Wala ako.

W-why?

"Why?!" I screamed.

I cursed them! I cursed her! She killed them! S-she killed them all! I screamed and screamed at halos mawalan ako ng boses. Bakit sila pa? Bakit?!

They have the warmest smile, they have a dream, they are kind, they are still c-children. They deserve to live, they deserve every good thing in this worlds, they deserve every penny that I have, they deserve my love. But w-why? Why did they snatch it from them?

Is it my fault? Of course it is.


Ako ang pakay nila. Ako lang ang kailangan nila. Paulit-ulit kong pinupukpok ang puso ko. I don't deserve to lived! I make them suffer, I make them horrible, I took their lives. I don't deserve them.. I don't deserve every person in this world. I'm a horrible person.

Paulit-ulit akong sumigaw. Wala na akong pakealam sa paligid. Puno ng hinanakit ang puso ko. Ang sakit-- ang sakit na halos hindi ko kaya. My tears won't stop. Halos nahihirapan na akong makahinga. I can't take this pain.

Humihina ang boses ko kasabay ng pagbagsak ko sa tabi nila. My whole world just collapsed into the devastation of a home that will never be whole again.

How does it feel to die and never came back? Please.. let me experienced it.

Verdentia Empire: Endless RebirthМесто, где живут истории. Откройте их для себя