Chapter 7: Royal Capital

2.5K 91 4
                                    

Chapter 7: Royal Capital

They say that the royal capital is the empire's heartbeat. Where royalty lies and lives, royalties that are given an immense nyxia and magic that everyone adores, royalties that are served to protect, and royalties that are loved and respected by everyone.

How do they become one? They just need to be born as royals, as descendants of the late King and Queen. Simple, isn't it?

These noble families, draped in ancestral robes and bearing the weight of lineage, thrived under the royal benevolence and the realm's ardent adoration.

Tumigil ang kalesang sinasakyan namin. Mula sa kinauupuan namin tanaw na tanaw ang malaking gate na napapaligiran ng muwebles, kulay ginto ito at sa isang tingin mo palang alam mong totoo ito. Sa likod ng labasan natatanaw din namin ang malaking kastilyo na halos umabot na sa ulap.

"Nakakalungkot lang at hindi tayo makakapasok ngayon!" saad ni Kura.

"Oo nga! Hindi natin maipapakita kay Haruka ang loob." segunda naman ni Fuma.

Tumingin naman ako sa kanilang dalawa, "Okay lang naman." sagot ko.

"Are you sure? Lahat ng mamamayan gustong makapasok sa Royal Capital." tanong naman ni Kura sa akin.

Tumango ako. "Gusto ko nang umuwi." tanging sagot ko.

"Well, it makes sense though." saad naman ni Fuma.

"Tayo na po, Manong." sambit ni Kura sa kutserong nagmamaneho ng kalesa. Yumuko naman ito ng kaunti at muling pinatakbo ang kalesa.

Namayani naman ang mahabang katahimikan sa amin, ipinikit ko ang mata ko at dinaramdam ang hangin na humahaplos sa mukha ko.

Ngunit akala ko lang pala...

Sabay na sumigaw si Kura at Fuma, akala ko ay kung may nangyari na ngunit tinuro lang nila ang harap ng daan.

"Haruka, look! Dadaan na tayo sa Mistra!" sigaw ni Kura.

"Mistra?"

"Isa sa mga cities na nandito sa Vendentia, Haruka. Although, walang Sentinel na naninirahan dito." sagot naman ni Fuma sa akin.

Nalipat naman ang tingin ko sa harap, parang dadaan ako sa panibagong daan at panibagong paligid. Ibang-iba ito sa Solstice, at ibang-iba sa royal capital.

"Look! Ang ganda no!" sigaw ni Kura at tinuro ang mga bulaklak.

Napakaraming bulaklak ang nakapaligid. Ibat-ibang kulay, klase at laki. Ang iba ang nakikita ko sa bakuran ni Ginang Emi ngunit ang iba ang ngayon ko palang nakikita.

"They call this city as the land of flowers. Dito kumukuha ng mga bulaklak ang ibang cities. Kahit anong bulaklak makikita mo dito, Haruka." Kura informed me.

Tinaas naman ni Fuma ang kamay niya, "Halos lahat ng mamamayan na nakatira dito ay nagtitinda ng bulaklak." he added.

Tumango naman ako at hindi na sumagot pa.

"Wala kabang sasabihin? Kahit ngumiti man lang?" pagmamaktol ni Kura sa gilid ko.

Tumingin lang ako sa kanya na nagtataka. "Sabi ko nga!" saad niya at ngumuso.




Makalipas ang mahigit isang oras ay natatanaw ko na ang malaking labasan. Hindi ko inaakala na ang tinitingnan ko sa aking bintana ay siya ring dadaanan ko ngayon. Tumigil naman ang karwaheng sinasakyan naming sa mismong tapat ng gate ng Verdentia.

Unang bumaba si Fuma at sumunod naman ako sa kanya habang bumaba sa kabilang parte si Kura.

"Balik ka agad, Haruka ha!" sigaw ni Kura sa akin.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now