Chapter 15: Cronus Headquarter

2.4K 85 8
                                    

Chapter 15: Cronus Headquarter

Hindi ko namalayang huminto na pala ang karwaheng sinasakyan namin at isa-isa naman silang bumaba. Agad naman akong sumunod at nakitang muli ang bayan ng Solstice, kung saan ang una kong napuntahan at ang unang bayan ko na nakita.

"Welcome back, Haruka!" sabay na sigaw ni Kura at Fuma at agad ikinawit ang kamay nila sa braso ko.

Tila nagtataka namang tumingin ang Prinsesa sa amin at nilipat ang tingin kay Kazuki, "She's been here?" maamo nitong tanong.

Tumango naman si Kazuki sa kanya at nagsimulang maglakad papasok sa isang malaking gate. The gate was made with woods,  tila nga natatangi ito sa lahat ng gate dahil halos lahat na nandito at gawa sa bakal. Mula dito, kitang-kita ko na ang ilang myembrong naghihintay sa amin sa labas. Mas lalong tumibok ng malakas ang puso ko, hindi ko mapigilang hindi kabahan.

Ngunit ang nakatawag ng aking pansin ay ang kastilyo sa aming harap. Hindi man ito kasing-laki ng nasa Royal Capital ngunit hindi parin maipagkakaila kung ganito ito kalawak. It was huge and looming over us. Biglang natuyo ang lalamunan ko, wala na talaga ako sa Eldoria.

Agad naman silang yumuko nang makarating kami sa loob, "Captain." nakayuko nilang bati at sinuyod kami ng tingin lahat.

Bigla namang nahinto ang kanilang tingin sa akin. Binalik ko naman ang tingin sa kanila at agad naman silang umiwas ng tingin at tumingin kay Captain Kazuki.

"She's our new member. Sabihan ang lahat na may bago tayong myembro at magtipon-tipon sa Cedar." ma-owtoridad na saad ni Captain Kazuki sa kanila. Agad naman silang tumango at umalis sa harap namin.

Cedar? Ano ang Cedar na sinasabi niya?

"Let's go." seryoso niyang sabi at muling naglakad papasok.

Napatingin naman ako kina Fuma at Kura na ngayon ay may seryosong ekspresiyon sa kanilang mukha at ang Prinsesa na panay sunod kay Kazuki. Pumasok kami sa isang mahabang pasilyo na may ilaw sa bawat gilid na nagsisilbing liwanag sa loob. Tanging tunog ng sapatos lang tangi kong naririnig dahil sa sobrang tahimik. Hanggang sa may nakita akong maliwanag sa malayo na hula ko ay ang Cedar na sinasabi nila.

Nang makarating bigla akong natuod sa aking kinatatayuan. Ito na ba ang Cedar? This couldn't be real. It is a main chamber. May mga upuan sa gitna at nag-iisang upuan sa unahan. The floor was carpeted at nagkalat ang mga chandelier sa taas na bawat metro ang mayroon. Kahit ang mga upuan ay hula ko ay gawa sa ginto na tila nakaukit pa sa ilalim.

"Haruka kailangan na naming umupo sa aming upuan. Remain with that look, nakakatawa ang itsura ng iba. Good luck!" mahinang bulong ni Kura sa akin at tumawa pa ng tahimik.

Sabay silang umalis ni Fuma at umupo sa harapang bahagi. Umalis na rin ang Prinsesa at tumabi sa harap kasama sina Kura, at tanging naiwan ay kami ni Kazuki.

"Let's go." mahinang saad ni Captain sa akin. Mahina naman akong tumango sa kanya at sumunod sa kanyang paglalakad patungo sa harap.

Blanko akong nakasunod at nakatingin sa likod ni Captain Kazuki. Pinilit kong wag lumingon sa bawat gilid ko dahil ramdam ko bawat titig nila sa akin. They want to know who I am. They're curious. Ano nalang kaya ang mukhang ipapakita nila pag nalaman nilang taga-Eldoria ako.

Nevertheless, it doesn't matter. Hindi naman ako pumunta dito para patulan ang husga.

Nang makarating sa harap sabay kaming humarap sa kanilang lahat. Walang emosyon kong nilibot ang tingin sa kanilang lahat hanggang sa tumigil ito sa humahagikgik na Fuma at Kura.

Napakunot naman ang noo kong tumingin sa kanila at nang mapansin nila ito agad silang umayos ng upo at binalik ang seryoso nilang mukha.

"She's our new member." malamig na anunsiyo ni Captain Kazuki sa kanila.

Verdentia Empire: Endless RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon