Chapter 9: To the Royal Capital

2.4K 102 7
                                    

Chapter 9: To the Royal Capital

Ngayon ang araw kung saan gaganapin ang paligsahang magaganap para sa nagbabalak sumali bilang isang Sentinel. Kakauwi ko lang kahapon ngunit kailangan ko nang umalis ngayon. May sulat na dumating kagabi na nagsasabing nalipat ang petsa ng paligsahan at gaganapin na ito ngayon.

Malakas akong napabuntong-hininga habang nakatitig sa pagkain sa harap ko.

"Alam kong magiging mahusay ka, Haruka!" nakangiting saad ni Sister Mary sa akin.

"Magpadala ka ng sulat ha! Magiging abala ka na at hindi ka muna namin makikita ng matagal." dagdag naman si Sister Lena, narinig ko pa ang singhot nito.

"Saan ka pupunta ate?" tanong ni Akira sa akin.

Matipid naman akong ngumiti sa kanya, "Aalis muna si ate, Akira. Wag kayong magiging pasaway kay Sister. Maliwanag ba sa inyo?" saad ko at nilibot ang tingin sa kanilang lahat.

"Babalik ka ba po ba?" malungkot na tanong ni Hiro sa akin.

"Oo naman!" agad ko na sagot sa kanya. "May gagawin lang si ate. Pagbalik ko bibilhan ko kayo ng iba pang laruan." dagdag ko naman.

Napahinga naman ako ng maluwag ng lumiwanag ang mga mukha nila at tila sabik na sabik sa aking pagbabalik. Nilipat ko ang tingin ko kay Sena at Philip, "Kayo na ang magiging nakakatanda dito, gabayan niyo ang mga kapatid niyo, at tulungan niyo sina Sister." sambit ko sa kanilang dalawa.

Sabay naman silang tumango at ngumiti sa akin, "Opo, ate. Mag-iingat ka rin doon." sagot ni Philip sa akin.

"Ika-musta mo kami kay Kuya Kazuki, ate!" segunda naman ni Sena.

"K-kuya Kazuki? Kami rin, ate!" sigaw naman ni Hiro.

"Kwuya Kazwuki." bulol na saad naman ni Kai.

Patago nalang akong napangiti sa turan nila. Tumango lang ako sa kanila at muling ibinalik ang tingin kina Sister. "Hindi ko po alam kung kailan ako makakabalik. Mag-iingat po kayo dito." tugon ko sa kanilang dalawa.

Parehas naman silang napangiti at tumango sa sinabi ko. Nalipat naman ang tingin ko sa labas at nakitang maliwanag. Napatayo ako at muling nilibot ang tingin sa kanilang lahat.

"Kailangan ko na pong umalis." tipid kong saad.

"Ihahatid ka namin sa labas, Haruka. Tayo na mga bata ihahatid natin ang ate niyo sa labas." sagot ni Sister Mary sa akin.

Napalundag naman sa tuwa ang mga bata at nag-uunahang lumabas sa bahay ampunan. Bitbit ang ilang damit ibinigay ni Sister Lena sa akin ay sumunod ako sa kanila papalabas. Suot ko rin ang damit na sinuot ko kahapon na binigay ni Sora sa akin. Gusto ko sanang mag-suot ng nakasanayan kong pantalon ngunit agad itong tinutulan ni Sister Lena. At ang dahilan niya....

"Malalaman ng taga-loob na taga-Eldoria ka at alam ko ang tinging igagawad nila sa'yo. Kahit sa suot mo lang... kahit sa damit na isusuot mo ibahin mo."

'Yon ang dahilang sinabi niya sa akin kaya napilitan akong isuot ang sinuot ko kahapon.

"Mag-iingat, Haruka." malungkot na saad ni Sister Lena. Nabigla pa ako ng bigla ako nitong niyakap, tinugon ko nalang ang yakap niya.

"Galingan mo sa paligsahan, Haruka. Mag-iingat ka." nakangiti namang saad ni Sister Mary sa akin.

Tipid lang akong napangiti sa sinabi niya at kumalas sa yakap ni Sister Lena. Sinuyod ko ng tingin ang mga bata at isa-isa silang tipid na ningitian.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now