Chapter 49: Hope

1.8K 65 1
                                    

Chapter 49: Hope




Nagising ako sa isang pamilyar na silid. Ang maliit ko na kama na gawa sa kahoy, ang maliit na lamesa na lagayan ko ng mga libro, ang lagayan ko ng mga damit. Ang kumot na halos ilang taon na sa akin, ang ilang laruan nila Akira na napadpad sa silid.

Dahan-dahan akong napa-upo sa kama habang tiningnan ang buo kong katawan. Nakasuot ako ng malinis na damit, ang mga sugat ko sa katawan ay tila nilinisan ngunit sariwa parin ang mga ito. Unti-unti kong naramdaman ang nyxia ko sa buong katawan. Binuksan ko naman ang aking bintana at muling nakita ang malawak na pader ng emperyo. Nalipat ang tingin ko itaas at nakitang unti-unting nawawala ang liwanag ng araw.

Isang panibagong araw.. isang bago at malungkot na araw.

Sister... S-sena. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ang naabutan ko kahapon. Hindi ko nga magalaw ang paa ko para lumabas at muling makita ang walang buhay nilang katawan. I was glued on the floor.

Napatingin ako sa kawalan. Ngunit agad kong napansin ang pulang sobre na nakasilid sa isa sa mga librong nandito. Kahit nagtataka agad ko itong binuksan at binasa.

"I got the kids, gawin mo ang gusto mong gawin.
Ps. I'm just bored.
-Hashina

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngunit biglang napanatag ang puso ko. Hashina knew me. She knew who am I from the beginning. She knew my past. She knew that I killed them. She knew what happened to my body.

But still, I trust her.

Hindi man maganda ang unang pagkikita namin ngunit ramdam ko ang puso niya. Kahit sabihin niyang ginawa lang niya ito dahil wala siyang magawa.

Agad kong ibinalik ang sulat sa loob ng libro at nagpalit ng panibagong damit. Ngayon buo na ang loob ko. Hindi na ako magtatago, hindi na ako matatakot.

Kailangan kong maligtas si Sena at sina Sister Mary at Lena. Kahit na ang kapalit nito ay ang muli naming paghaharap.



Nangunot naman ang noo ko ng makarinig ng katok galing sa pintuan sa labas. Pinili ko namang lumabas at para buksan ito ng pinto ngunit agad akong nagulat ng makitang si Jihen ito at tila hinihingal.

"Thank God! You're here!" malakas niyang sigaw.

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Why?"

Tumaas naman ang kilay nito, "Papasukin mo muna ako! Pahingi rin ng tubig!"

Walang-gana kong binuksan ng malaki ang pintuan at kumuha ng tubig. Nakakapanibago nga ang paligid, napakalinis at walang kalat na tila walang naganap kagabi. Alam kong kasama ni Hashina si Ginang Emi o Malta maaring sila rin ang may gawa nito.

Agad kong binigay ang tubig kay Jihen at niisang lagok niya naman ito. "W-wait? Anong nangyari sa'yo? Bakit andami mong sugat?" tanong niya.

Agad ko namang tinago ang kamay ko at tumingin sa kanya. Akmang sasagot ako ng muli itong mag-salita. "Other than that, Kazuki needs an reinforcement."

Agad kumabog ang dibdib ko sa kaba, "Anong nangyari?!"

"I don't know! I came from Valeria, remember your first mission." napatango naman ako sa sinabi niya. "Ngayon lang ako bumalik at ngunit agad akong nakatanggap ng tawag galing sa Cronus na kailangan ng reinforcement. Sinugod daw nila ang lugar kung saan nakita ni Seika sa memorya ng isang nag-nga-ngalang Rai. I don't know! Seika saw some Sunstones in his memories, that's why Fana planned a mission yesterday."


Napaawang ang bibig ko, "W-wait? Yesterday?"


Tumango si Jihen. Another day had passed. Dalawang gabi akong walang malay at nakahiga. Maaring pagkatapos kong makalabas sa emperyo, kinabukasan ay naghanda si Fana para sa isang atake para kunin lahat ng Sunstone.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now