Chapter 19: Sunstones

2.3K 85 6
                                    

Chapter 19: Sunstones

Matiwasay at gabi na ng makarating kami sa loob ng emperyo, nakasakay na kami ngayon ng karwahe patungong Headquarter. Naging tahimik lang din si Jihen sa buo naming paglalakbay sa burol habang suot naman namin muli ang suot namin kanina pag-alis.

"May impormasyon ka pa bang alam ukol dito kay Ginang Emi na sinasabi mo, Haruka?"

Napatingin ako kay Jihen ng bigla itong mag-salita at napa-tango. "Nilibot namin ang buong bahay ni Ginang Emi ng mangyari 'yon at nakakita kami ng crest ng Ravenholm Empire." sagot ko.

Napalaki naman ang mata nitong tumingin sa akin. "Anong kinalaman ng Ravenholm?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi ko rin alam." tipid kong ani.

Tumango naman ito. "Deritso tayo kay Captain ngayon. Isiwalat mo ang lahat ng nalalaman mo."

"Mahahanap ba natin si Ginang Emi?" hindi ko napigilang mai-tanong.

"Maari. Hindi malulutas ito kung hindi natin mahanap ang Emi na sinasabi mo." sagot niya.

Napatango ako at tahimik na napahinga ng maluwag sa sinabi niya. Nang makarating sa Cronus, hindi na kami nag-aksaya ng oras pa at agad pumasok sa gate. Bumungad naman sa akin ang nag-hihintay na Kura at Fuma sa bakuran, nang makita nila ako agad silang tumakbo at dinambahan ako ng yakap.

"Na-miss ka namin, Haruka!" sabay pa nila na saad.

Tumango nalang ako at hindi na kumibo pa.

"Nasaan si Captain?"

Kumalas naman sila sa yakap at napatingin kay Jihen ng bigla itong mag-salita.

"Nasa Cedar, bakit?" tanong ni Kura sa kanya.

"Kakagaling lang namin sa Valeria, may dapat siyang malaman. Who's with him?"  seryosong sagot ni Jihen.

Napaseryoso naman ang dalawa sa sinabi niya. "Just Fana. Let's go, sasama na kami." sagot naman ni Fuma.

Napatango si Jihen at sabay kaming apat na tinahak ang daan patungong Cedar. Pumasok lang kami sa madilim na pasilyo at agad nakarating sa Cedar. Agad napalingon si Captain at si Fana sa amin nang makita kami. Napa-yuko naman ako ng makarating sa kanilang harap.

"Any relevant information?" bungad ni Captain.

"There was a guild built inside the land of Valeria. They do crimes and dirty things in exchange of money." deritsong sagot ni Jihen. Huminga naman ito ng malalim, "But, we discover something really significant. S-someone... was after the sunstones." dagdag ni Jihen.

Pagkasabi niya 'non ang kaninang walang emosyon na mukha ni Captain Kazuki ay napalitan ng pag-kakunot. Fuma at Kura gasped and Fana cover her mouth in shocked.

"Haruka will tell everything, this was happened in their land, Eldoria." lahat ng tingin nila ay nalipat sa akin ng bigkasin 'yon ni Jihen. Tumango ito sa akin na tila ba pinapahiwatig na sabihin mo lahat ng nalalaman mo.

I cleared my throat, "Tanda niyo pa ba nong nagpadala kami ng sulat na humihingi kami tulong." saad ko.

"Yes, the first time that we arrived at Eldoria." sagot ni Kura sa akin.

"Hindi 'yon dahil sa bandidong sumalakay sa araw na 'yon. Nawawala ang isa sa mga mamamayan sa Eldoria, si Ginang Emi. May dalawang taong malapit sa akin ang pumunta sa bahay niya ngunit nadatnan nalang nilang wala ito ngunit may sulat silang nakita at nakita namin ang crest ng Ravenholm."

"Ravenholm? Are you sure? Nakakita ka na ba ng crest ng Ravenholm? Hindi magandang paratang 'yan." biglang tanong ni Fana.

Napatango ako sa kanya. "Oo, sigurado ako." tanging sagot ko. Kung nandito lang sana ang damit na sinuot ko ng dinala nila ako.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now