Epilogue

2.5K 83 17
                                    

Was I in chasm?

Hindi ko alintana kung anong nangyari. I can't feel myself, I can't feel my sorroundings. It feels like I was in prison inside the darkness.


Ngunit.. hindi.. napahawak ako sa bandang puso ko ng maramdamang may tumitibok dito. No.. not the Sunstone.. but my own heart. Hindi ko mapigilang hindi magulat. Biglang nanubig ang mga mata ko. This thump, this beat.. this was the moment that I've been dreaming for. Not the Sunstone beat.. but my own heart.

Napatakip naman ako sa aking mata ng biglang may ilaw na nanggagaling sa harap na tila ba may bumukas ng pintuan sa kung saan ako naroon. Kumabog ang dibdib ko ngunit agad itong napalitan ng pagkakunot ng noo ng makita kung sino ang nasa harap ko.

"Hashina?"

Pinakita niya ang ngisi sa kanyang labi. Napalinga-linga ako sa paligid para sana hanapin kung may kasama ba siya ngunit wala.

"Anong ginagawa mo dito? At saan ito?"

"This is not a heaven nor a hell. This is where all the souls land. You died." tanging sagot niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko ngunit napalitan ng ngiti ang kanyang mga labi. "I'm just bored. Now, hold my hand!"

Nabigla ako ng dali-dali itong lumapit sa akin, nakarinig naman ako ng ilang yapak ng paa galing labas at silid.

"They're here! Faster!" sigaw ni Hashina.

Dali-dali kong hinawakan ang kamay niya kasabay ng pag-bukas ng aking silid. Ngunit bigla akong nahilo hanggang sa naging itim ang paligid.


---


Bigla kong naramdaman ang malambot na kamang hinihigaan ko. Ang ilang musika na nangaggaling sa labas. Ang malamig na temperatura tumatakas sa aking braso.

Dahan-dahan kong ibinuka ang mata ko ngunit agad napalaki ang mata ko ng makitang nasa isang marangyang silid ako. Agad akong bumangon at napalinga sa paligid ngunit bumungad sa akin si Ginang Emi na naka-upo at nakatingin sa akin.

"Maayos na ba ang pakiramdaman mo, Haruka?" tanong niya.


Hindi ako makasagot. Hindi ko maintindihan. Kumunot ang noo ko habang paulit-ulit na napalinga sa paligid.

I died.

My body vanished.

Hashina came.

Then I was here?

"Anong nangyayari, Ginang Emi?" naguguluhan kong tanong.

Biglang tumayo si Ginang Emi at lumapit sa akin. "I'm so proud of you, Haruka." nakangiti niyang sambit. Hindi ko naman napigilang mapatingin sa kanya. "You overcome your fear, you overcome the demons, you overcome them. Hashina... Mistress brought you back." dagdag niya.


Agad akong napasinghap sa sinabi niya. "What does that mean?"

"She has a soul magic. Well, she's not bad as other people thinks."

Hindi parin ako makapaniwala sa sagot ni Ginang Emi. That was intense! That was something I never imagined of. Kaya ba hindi sila natatakot mamatay dahil alam nila na ibabalik sila ni Hashina sa lupa. Hashina can bring them back to alive. She can. She always can.


"That was..." hindi ko madugtungan ang sasabihin ko kay Ginang Emi. Ngunit biglang sumeryoso ang mukha niya.

"That was powerful yet dangerous." dugtong niya.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now