Chapter 21: Gravity vs. Gravity

2.2K 88 6
                                    

Chapter 21: Gravity vs. Gravity



"Shall we?" malamig na saad ko sa babae.

Dahan-dahan naman itong napatayo habang mariin na nakatitig sa akin. "So, you have a gravity magic. Same as mine!" mariin niyang saad.

Walang-gana akong tumango sa sinabi niya. Let her thinks whatever she thinks of me. Mas maganda na rin 'yong hindi niya alam ang totoong kapangyarihan ko.

"Sisiguraduhin kong luluhod ka sa harapan ko!" malakas na sigaw niya at bigla nalang akong tumilapon, pinigilan ko pang magulat ng maramdamang malakas na nabangga ang likod ko sa isang gusali. Ramdam ko ang pag-crack nito at bago paman ito tuluyang magiba ay agad kong ginamit ang kapangyarihan ko at lumayo. Napangiwi naman ako ng maramdaman ang sakit sa likod ko.

"Gravity." bulong ko sa hangin.

Ngunit napaawang ang bibig ko ng bigla siyang tumalon sabay umiwas at hindi man lang nahila pababa. Bigla naman itong humalakhak na tila ba tuwang-tuwa sa nangyayari.

"Are you dumb?" malakas na tanong niya habang nakahawak pa sa tiyan niya. "Akala ko ba pareho tayo ng kapangyarihan? Bakit hindi mo man lang maiwasan ang sarili mong mahika? O... baka hindi mo alam." dagdag niya at muling tumawa.


I hissed. Ngunit hindi na sumagot pa. Nabigla naman ako ng biglang may paparating na ilang debris na galing sa nasirang gusali at malaking bato sa magkabilang-gilid ko. Rinig ko ang halakhak niya ngunit napabuntong-hininga lang ako at tumitig sa mga mata niya.

Destroy.

Nang isang metro nalang ang layo nito sa akin ay bigla itong nawasak. Kitang-kita ko ang paglaki ng mata niya ngunit bigla nalang niyang pinitik ang kanyang daliri at natagpuan ko nalang ang sarili kong muling nakabaon sa lupa na tila ba hinihila ako nito paibaba.

I gritted my teeth gamit ang dalawa kong kamay natakpan ko ang mukha ko na nauna sa pagkabaon.

Release.

Mahina kong saad hanggang sa unti-unti akong nakakatayo. Kita ko ang pagkunot ng noo niya, "Bakit ba hindi ka nauubusan ng nyxia?!" giit niya. Doon ko napansin ang ilang malalim na hininga niya na pilit niyang hindi pinapakita.

She's out of nyxia.

Napangisi ako at pinagpagan ang bistida kong suot at ang roba. Mas lalo namang nagkasalubong ang kilay niya, "You're a fool. Gravit---"


Bago paman niya matapos ang sasabihin niya ay binigkas ko rin ang kaparehas na salita.


Sabay kaming natapon pagkatapos namin 'yong bigkasan, a clash between our magic collided, causing our sorroundings to tremble. Sa lakas ng pressure, halos nagkabitak-bitak ang aming tinatapakan at ang ilang gusali na nakapaligid sa amin ay sabay-sabay na nagkasira-sira at nabasag.


Naramdaman ko nalang ang sarili kong napahiga sa lupa habang paulit-ulit na pinipigalan ang ilang debris na papunta sa akin. Malalim akong huminga at dahan-dahan na tumayo, napahawak naman ako sa noo ko nang maramdamang may tumutulo na tubig dito. Muli akong napahinga ng malalim nang makitang naging kulay pula ang daliri ko.

Maaring sa dami ng beses akong nabangga sa mga gusali at sa lupa hindi ko namalayan ang nabuong sugat sa aking noo.

Bigla naman akong napa-talob ng mataas ng maramdamang may paparating sa akin, ilang segundong pagitan ay bigla nalang may bumagsak na kalahating building sa kung saan ako nakatayo at sa gilid kitang-kita ko ang humihingal na babaeng kalaban ko, nakahawak sa kamay niyang nabali at masaganang dumadaloy ang dugo sa kanyang mukha.

Verdentia Empire: Endless RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon