Chapter 43: Eight Clans

1.7K 64 0
                                    

Chapter 43: Eight Clans



Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Kazuki at agad umalis sa harap nila. Pinilit kong mag-timpi dahil alam ko ang katayuan ko sa pagitan naming dalawa. Isa siyang Prinsesa, at isa lamang akong Sentinel na galing pa sa labas ng emperyo.

Napalunok naman ako ng malalim ng makitang unti-unting umuupo ang mga bisita, at akmang uupo ako sa bakanteng upuan, agad na may uupo dito kaya wala akong nagawa kung hindi muling mag-hanap.

Malakas akong napabuntong-hininga at piniling mag-hintay sa likod hanggang sa ang lahat ng nandito ay maka-uupo sa kanilang mga upuan. Nang mapansing ako nalang ang tahimik na nakatayo, agad akong umupo sa natitirang isang lamesa na walang laman. Mabuti nalang at malapit ang bakanteng lamesa sa akin kaya wala atubili akong umupo dito.

Nakita ko pang akmang tatayo si Kura sa lamesa nila ng makita ako ng bigla itong napa-upo habang may sinasabi ni Fana sa kanya. Iniwas ko nalang ang tingin sa kanila ag tinuon sa harap.

Bigla namang huminto ang musika, at nagkaroon ng pokus sa pintuan gamit ang ilaw  habang nakahawak ang dalawang lalaking naka-uniporme dito. Nalipat naman ang tingin ko sa harap ng may umakyat na babae dito.

"Greetings, visitors. May I present to you the Royal Family with our very own Queen Laticia, the reason for our gathering tonight."

Napuno ng palakpakan ang loob nang bumukas ng malaki ang pintuan at pumasok ang tatlong tao na nakasuot ng marangyang damit habang may nakapatong na korona sa kanilang mga ulo.

The King wore a regal crimson robe embellished with gold embroidery, while the Queen dazzled in a gown of sapphire silk, complemented by a tiara of diamonds. While the princess, perhaps, graced the occasion in a gown of soft lavender, intricately embellished with delicate lace and silver accents. They all gracefully walk in the aisle towards the front, kung saan may tatlong upuan na nakahanda para sa kanila.

Nang makarating sa harap agad kinuha ng Reyna ang mickropono at ngumiting nakatingin sa amin.

"Thank you everyone for coming, for accepting my invitations and for taking a time to travel to be here. May you enjoy the night with the a bliss!" nakangiti niyang ani. Binalik niya naman ang mikropono sa babae at mahinhin na umupo sa upuan niya sa harap.

Tahimik lang din na kumakaway sa mga bisita ang Prinsesa habang seryoso ang mukha ng Hari na nakikinig sa sinasabi ng babae sa harap.

"Before we start our program, it is a tradition to introduce and welcome the eight clans that build the Ravenholm empire from scratch. Families that are rank by according to their power and contribution towards the empire." muling napuno ng palakpakan ang bulwagan.

Kumunot naman ang noo ko sa ng marinig ito. Families that build the empire? And rank by?

"The first clan---"

Nawala ang pokus ko sa harap. Bigla akong nanlamig ng makita ang babaeng umupo sa harap ko. Agad kong naramdaman ang nanginginig ko na kamay habang nakatingin sa walang-emosyon niyang mga mata na nakatitig sa akin.

"W-what are y-you...?" parang nawalan ng kulay ang mukha ko. My mouth were t-trembling and I c-can feel my heavy b-breating.

Kumunot ang noo niya. "What are you doing here?"

Ngunit hindi ako nakasagot agad. Parang nawalan ng dila ang aking bibig.

S-she d-died. I s-saw it!

"Mistress, tinawag na 'yong pangalan." dahan-dahan akong napalingon sa gilid ng marinig ang boses na 'yon.

My eyes widened.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now