Chapter 18: First step

2.3K 88 4
                                    

Chapter 18: First step


Nakasuot kami ngayon ng mahabang damit at gamit ang hood natatabunan ang aming mukha at buhok. Hindi ko alam kung paano 'to ginawa ni Jihen ngunit gamit ang kapangyarihan niya, gumawa siya ng damit na kaparehas sa mga lalaking pumasok sa malaking bahay kanina. Naiba na rin ang damit namin, tinago muna namin ang aming sinuot kanina kasama ang roba ng Cronus at pinalitan ng pantalon at t-shirt.
At ngayon, dahan-dahan na kaming naglakad tungo dito.

"I never wear this kind of thing!" bulalas ni Jihen at inayos pa ang hood sa kanyang ulo.

Hindi naman ako kumibo at deritso lang sa paglalakad. They wear exquisite clothes and dresses, walang-wala sa sinuot namin ngayon.

Nang makarating, sabay pa kaming tumango bago dahan-dahan na binuksan ang naturang pinto ng bahay. Bumungad naman sa amin ang magulong loob. Nagkalat ang mga lamesa at upuan sa kung saan, may mga nag-iinoman sa gilid, mga nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan. Ngunit lahat ay nahinto at napatingin sa aming dalawa.

Bigla kaming nahinto ni Jihen na tila hindi alam ang gagawin. Hindi ako takot at mas lalong hindi si Jihen, para lang kaming natuod at hindi alam ang sasabihin sa kanila. Lalong-lalo na ng wala akong makitang babae dito sa loob maliban sa nakangiting babae sa harap na tila may-ari nitong bahay.

"Bago?" nakangiti niyang saad habang nakatitig sa amin.

Kinuha naman ni Jihen ang braso ko at sabay kaming pumunta sa babae sa harap.

"She's the attendant." napakahinang bulong niya.

Tumango lang ako bilang tugon.

"Alam niyo naman siguro ang patakaran." biglang saad niya at kinuha ang isang malaking kwaderno sa ilalim.

Napatingin kami sa isat-isa ni Jihen. Akmang magsasalita na ito ng hawakan ko pulso niya at umiling.

"Hindi namin alam. Napagsabihan lang kami na magandang mag-trabaho dito kaya hindi namin kabisado ang patakaran." malamig na sagot ko.

Malakas naman na tumibok ang puso ko dahil sa sinabi ko. Sana naman tama ito at angkop sa kung anong ginagawa nila. Kaya ko naman pinigilan si Jihen dahil magsasalita lang ito gamit ang lenggwaheng ginagamit sa loob ng emperyo at mas lalo 'yong kataka-taka.

Napakunot naman ang noo ng babae at tumingin sa aming dalawa. "Sinong nag-sabi? Babae? Hindi kami tumatanggap ng babae." malakas na pagkakasabi niya.

Mas lalong naging tahimik ang loob ngunit kalaunan ay napuno ng tawanan.

"Paano napunta ang babae dito?"

"Hindi pag-papaganda ang ginagawa dito!"

"Mabuti pa umalis na kayo!"

"These ----"

Agad kong tinakpan ang bibig ni Jihen at pinalakihan siya ng mata. Binalik ko ang tingin sa babae sa harap at hindi inalintana ang nagtatawan na mga lalaki sa likod.

"Hindi namin kilala. Sinabihan niya lang kami tungo dito." sagot ko.

Tila napa-isip naman ang babae, "Kung may nag-sabi sa inyo na myembro nitong guild, maaring malakas kayo. Sige, pag-bibigyan ko kayo."

Hindi kami kumibo ni Jihen at tumango lang sa sinabi niya. Ngunit hindi nakatakas sa pandinig ko ang guild na sinasabi niya. Kailan pa nila natutunan ang salitang 'yon? May nag-babasa rin ba dito ng mga libro galing sa loob? Ngunit paano nila 'yon nakuha kung pinag-babawalan kaming makapasok noon?

"Madali lang ang patakaran. Mananatiling lihim ang lahat ng nakikita mo dito sa lupaing ito, lahat ng makukuha niyong pera ay binibigay lahat dito at kami ang mag swe-sweldo sa inyo. Wala kayong karapatang humindi sa lahat ng pinag-uutos ni pinuno sa inyo." mahabang saad niya at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Verdentia Empire: Endless RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon