Chapter 29: Emotions

2.1K 79 4
                                    

Chapter 29: Emotions



Was I really in abyss?


Hindi ko maramdaman ang katawan ko. Hindi ko marinig ang boses ko. Hindi ko maibuka ang bibig ko. Wala akong naririnig sa paligid. Nasaan ba ako ngayon?


Was I failed?

Did I save Noze and Nozel?

Did I failed to go back?

Kaya ba ang tapang kong pigilan ang kumakalat na itim na usok bago pa kami makain nito lahat dahil alam ko...

Alam kong... babalik ako?


Did I surpass it's limit? Pang-ilang beses na pala akong bumalik?


How many times did I reborn?


Isa.. dalawa? Hindi ko na mabilang. I don't care about other people other than those who are close to me but... hindi ko maatim na makita silang mawala o ako ang dahilan ng kanilang pagkawala bagkus kahit mangyari 'yon sa akin alam kong.. bababalik na bababalik ako.


But... what is this? Is this my end? Did Kazuki magic end my life?


Hindi ko alam ngunit naramdaman kong tumulo ang luha sa mata ko. H-hindi ko man lang natapos ang mission ko. H-hindi ko man lang nabigyan ng laruan ang mga bata at bagong damit sina Sister. H-hindi ko man lang nasabi kina Kura na importante sila sa akin. Hindi ko man lang nasabi kay Kazuk ....


Bigla akong napatigil..



A warm embrace envelop my body. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Unti-unting bumabalik ang pandinig ko. Ramdam ko ang mainit na katawang yumayakap sa malamig kong katawan. Rinig ko ang boses ng lalaking bumubulong na tumatawag sa pangalan ko habang pilit na inuuga ako.


Ramdam ko. Rinig ko. Nararamdaman ko. Bumalik na ako? B-bumalik ako!


I gasped deeply at ibinukas ang aking mga mata. Paulit-ulit akong malalim na humihinga, parang galing ako sa isang bangungot at hinahabol ang aking pag-hinga, habang ramdam ko parin ang bisig na yumayakap sa akin. Agad nalipat ang tingin ko dito at nakitang halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya...

"Kaz-zuki..." mahina kong tawag. Agad nalipat ang tingin niya sa akin.


"Haruka...!" nanginginig niyang sambit. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito ka-takot. Pinaghalong matinding takot at kaba ang bakas sa kanyang mukha. I never seen him like this before, I never seen him with too much emotions before.


"Anong nangyari?" mahina kong tanong.


"I'm sorry.. I'm sorry!" paulit-ulit niyang sambit.


Biglang bumalik sa akin ang lahat. Ang laban namin ni Noze. Ang pag-gawa ni Nozel ng clone ni Kazuki at kumalat ang kapangyarihan niya sa buong gusali. Ang pag-sigaw ko kay Nozel dahil malapit ng maabutan ng itim na usok si Noze. Ang pagpasok ko sa itim na usok para mapuntahan si Nozel at mapigilan. Biglang bumalik lahat. Ang memoryang wala akong narinig o naramdaman, ang takot na baka hindi na ako makabalik.

Muli akong napatingin kay Kazuki, "Hindi mo kasalanan." mahinahon kong saad at unti-unting bumangon. Napangiwi naman ako ng biglang kumirot ang binti ko saka ko nakita ang sariwang sugat.


Hindi pa pala tapos ang araw.


"Nasaan tayo ngayon?" tanong ng napalinga sa paligid. "Ang gusali? Napigilan ko ba ang pag-kalat?" dagdag ko.


Verdentia Empire: Endless RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon