Chapter 3: Letter

2.7K 96 1
                                    

Chapter 3: Letter

Sabay kaming tatlo lumabas sa bakuran ni Ginang Emi. Nag-uusap sina Reo at Mei habang tumitingin ako sa paligid para mag-hanap ng maari kong mabili sa tatlong pilak.

"Saan ka ngayon, Haruka?"

Napatingin naman ako kay Reo ng magsalita ito. Tinuro ko naman ang isang Ginoo na naglalatag ng mga paninda niya, "Bibili at babalik sa bahay-ampunan." sagot ko.

Sabay naman na napanguso ang dalawa, "Pasyal muna tayo, Haruka!" giit ni Mei.

Masigla namang tumango si Reo sa sinabi niya, "Oo nga! Palagi ka nalang umuuwi pagkatapos nating mag-trabaho." saad naman ni Reo.

Ngunit pareho akong umiling sa kanila. "Sa susunod nalang." sagot ko.

"Palagi nalang." nakangusong sagot ng dalawa.

Hindi na ako nagsalita pa at pumunta sa gawi ng isang matandang nagbebenta ng mga kamote at saging.

"Magkano po?" tanong ko.

"Dalawang pilak lang itong lahat, Ineng?" saad ng matanda at tinuro ang limang kamote at limang saging.

Napatango naman ako, "Kukunin ko na po."

Kumuha naman ito ng supot ang isinilid ang mga kamote at saging. "Maraming salamat." tipid kong saad sa kanya bago tumalikod.

Napabuntong-hininga ako at napatingin sa isang pilak na nasa kamay ko. Anong mabibili ko sa isang pilak?

Sinuyod ko pa ang lahat ng mga nagtitinda dito sa Eldoria ngunit wala talagang pagkain na nagkakahalaga ng isang pilak. Muli akong napabuntong-hininga at naglakad pabalik sa bahay-ampunan.

Pagkarating, agad bumungad sa akin ang mga batang naglalaro sa bakuran. "Ate, Haruka!" sigaw nilang lahat at lumapit sa akin.

"Ano po ang dala niyo?" masiglang tanong ni Philip sa akin.

Itinaas ko naman ang supot sa harap nila at bahagyang ngumiti, "Pagkain natin mamaya." nakangiting ani ko.

Napatalon naman sa tuwa ang mga bata, kusa naman silang bumalik sa kanilang laro at muli naman akong naglakad papasok sa bahay. Bumungad naman sa akin ang nakangiting mukha ni Sister Mary habang nagwawalis.

"Nandiyan ka na pala. Kumain kana Haruka." saad niya at muling bumalik sa paglilinis.

"Si Sister Lena po?" tanong ko at umupo at upuang nandito sa kusina. Binigay ko na rin sa kanya ang supot na dala ko.

"A-ah. Umalis sila ni Sena, bibili ng pagkain na pananghalian natin ngayon." sagot naman ni Sister.

Kumunot naman ang noo ko, "May pambili po tayo?"

Ngumiti ng malaki si Sister Mary, "May nagbigay ng limang pilak kanina." sagot naman niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko, "Sino po?"

Ngunit tanging kibit-balikat lang ang sagot nito. Patago akong napabuntong-hininga at itinuon ko nalang ang pansin sa pagkain na nasa harap ko. Pagkatapos kong kumain ay agad akong tumayo at nagpaalam kay Sister Mary.

"Akyat po muna ako."

Tumango naman si Sister. Tahimik akong naglakad patungo sa aking silid, agad ko rin itong binuksan at sinirado. Tinanggal ko naman ang lumang sapatos ba suot ko at padapang humiga sa maliit ko na higaan.

Kusa namang bumigay ang talukap ng mata ko hanggang sa hindi ko na marinig ang paligid.

---

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now