Chapter 42: Royal Party

1.8K 59 1
                                    

Chapter 42: Royal Party



Maaga kaming nagising kinabukasan. Pagkarating namin sa aming silid kahapon, agad may dumating na pagkain para sa amin. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang singhap na ang ginawa ni Jihen at Kura.

Hindi ko rin sila masisisi. I never been to any Royal Castle before, maliban sa Verdentia kung saan nakapasok ako hanggang sa Cedar. Ngunit, ang makahiga at makapasok sa isang silid nitong tahanan ng mga Royalties, hindi ko mapigilang hindi mapahanga. Si Fana lang ata ang prenteng naka-upo at tumitingin sa labas ng bintana. Habang si Jihen at Kura ay panay hawak sa mga gamit na nandito at libot sa buong silid. Magkasama kaming apat, habang nasa kabilang silid sina Kazuki at Fuma.

Hapon na rin, at mamaya na gaganapin ang kaarawan ng reyna.


Sabay naman kaming napatingin sa pintuan ng biglang may kumatok, dahil ako ang nasa malapit ay agad ko itong binuksan. Bumungad naman sa akin ang nakangiting mukha ng babae. Hindi ko rin maiwasang mapatingin sa suot niyang pang-karaniwan sa emperyong ito ngunit hindi sa mata namin.

"Hi,.." bati niya. "Ako ang mag-aayos sa inyo." nakangiti niyang saad at yumuko ng kaunti.

"Pasok ka." malumanay na sagot ni Fana sa loob.

Pumasok ang babae sabay lagay sa mga dala niya sa maliit na lamesa.

"I really like your clothes!" hindi mapigilang sigaw ni Kura. Malumanay lang na ngumiti ang babae sa kanya.

"Sino po ang mauuna?" magalang niyang tanong.

Bigla namang tumayo si Fana, "Ako na. I need to be there early." sagot niya.


Sa harap ng isang malaking salamin naglagay ng upuan ang babae. Umupo naman si Fana dito habang nakatitig lang kami sa kanila. Sinimulang ayusin ng babae si Fana mula sa mukha hanggang sa istilo ng kanyang buhok. Hindi ko rin alam ang tawag sa nilalagay sa mukha niya ang alam ko lang nilalagay lang ito kapag may importanteng gaganapin sa emperyo.

Nilugay lang niya ang at kinulot ang buhok ni Fana. Ngumiti naman si Fana sa kanya ng makita ang repleksiyon siya sa salamin.

"You're good." puri niya.

Ngumiti lang ang babae sa kanya at hindi na sumagot pa. Pagkatapos ni Fana ay sumunod naman si Jihen, gaya ng ginawa niya kanina ganoon parin ngayon. Inayusan ang kanyang mukha at buhok. She ponytail her hair habang may ilang hibla na buhok sa harap. Tuwang-tuwa naman si Jihen sa kanyang nakikita sa salamin kahit na hindi halata sa mukha niya.

"Ganda ah!" rinig kong puri ni Kura. Jihen just flip her hair and walk out. Agad niyang binitbit ang damit na susuotin niya at pumasok sa banyo na kakalabas lang ni Fana.


Pinigilan kong mapasinghap sakanya, Fana wore a while ball gown with some delicate lace and frost patterns. Her gown accentuate the climate of this empire.

"Wow!" sabay na reaksiyon ni Kura at Jihen. 

Ngumiti lang si Fana sa kanila at kinuha ang takong na susuotin niya. Agad naman na pumasok si Jihen sa loob ng banyo habang si Kura na ang inaayusan ng babae.

"Maganda ba, Haruka?"

Agad akong napalingon kay Kura ng mag-tanong ito. Tumango naman ako bilang sagot. Ngumuso naman ito, "I need words! I need words!" dagdag niyang sambit.

"Maganda." tipid kong sabi. Mas lalo namang ngumuso ang kanyang labi at tumayo.

"Oo na!" Bigla naman itong ngumiti, "Ikaw na, Haruka! Bilis, hindi muna ako mag-bibihis. Sabay na tayo!" she exclaimed.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now