Special Chapter

2.5K 123 32
                                    

Special Chapter: Kazuki's point of view





"Kazuki!"

Umiiyak akong napatingin kay yaya ng biglang sapilitan akong kinuha sa kanya. Sapilitan nila akong isinilid sa isang sako habang walang tigil akong sumisigaw kasabay ng luha sa aking mata.

"Tumahimik ka o papatayin kita!"

Dahil sa takot, nanginginig akong tumahimik at pinikit ang aking mata.



Nagising ako sa isang abandonadong bahay. Tinulak ako ng lalaki patungo sa ibang batang hula ko ay dinukot nila katulad ko. Nanginginig naman akong pumunta sa gilid at pilit tinatakpan ang parehong tenga ko.

"Tulong..."

"Tulong po."

"Iuwi niyo na po kami..."

"Mommy.." kusang lumabas sa bibig ko.

Nagulat naman kami ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang babaeng nakasuot ng palagi kong nakikita sa simbahan. Inilibot niya ang tingin sa amin lahat hanggang sa bigla itong tumigil sa akin.

"What the hell?! Ano ang utos ko sa'yo Sato? Kumuha ng mga batang pagala-gala at walang pamilya?!" bigla niya akong tinuro. "Sa uri palang ng suot niya, hindi 'yan basta-basta! Baka mabuko tayo! Bobo naman oh!" malakas niyang sigaw sa lalaki.

Napakamot naman ng ulo ang lalaki at tinuro ako. "Jackpot nga diba! Hihingi tayo ng pilak kapalit niya!" sagot niya.

Malakas itong sinampal ng babae. "Nag-iisip ka ba?! Paano kong isang Sentinel ang pamilya 'yan?"

Hindi naman makasagot ang lalaki.

Muling bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang lalaki. Muli akong napadikit sa pader ng makita ang tindig nito. Lumiwanag naman ang mukha ng babae at ng lalaki at yumuko sa kanya ng kaunti.

"Sir Ringo!" sabay nilang bati.

"Kailangan ko siya.. dalhin mo sa akin.. at mamimili ako dito sa loob."

Masayang tumango ang babae habang dali-daling umalis ang lalaki. Agad niyang binigyan ng mauupuan ang nag-ngangalang Ringo. Nanlamig naman ako ng makitang ilang beses niyang inilibot ang tingin sa amin hanggang sa kumunot ang noo niyang tumungin sa akin.

"Hindi ko alam na kumukuha ka na pala ng lalaki, Sister Miko."

"May mga babae na po kaming customer, Sir Ringo." magalang na sagot ng babae sa kanya.

Muling bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaki bitbit ang isang maliit na babae. Napatulala ako habang napatingin sa kanya. She's at my age, her hair was long and wavy, she have a fair skin but her eyes are puffy. Magulo ang kanyang buhok habang umiiwas ng tingin sa amin. Nalipat ang tingin ko sa mga pasang kitang-kita sa katawan niya. Mas lalo akong natakot.

"Haruka, Sir Ringo wants you! Behave!"

Huli kong narinig bago sapilitan siyang hinila ng nag-ngangalang Ringo at umalis sa aming silid.



Ilang araw na kaming nandito sa silid. Halos nakilala ko nga ang ibang batang nandito. But, every night and every day I'm still crying asking for help. They didn't gave us proper meals, isang beses lang kami kumakain sa isang araw. I was hungry, I was thirsty.

Sabay naman kaming napasigaw ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang matandang babae. Tiningnan niya kaming lahat hanggang sa huminto ito sa akin.

Napadikit ako sa pader ng mag-simula siyang maglakad papalapit sa akin. She grab my hands tightly and forced me. I was crying, I was asking for help. Nagpupumiglas ako habang patuloy niya akong hinila sa mahabang pasilyo.

Verdentia Empire: Endless RebirthOn viuen les histories. Descobreix ara