Chapter 28: Chasing

2K 71 3
                                    

Chapter 28: Chasing



Our bodies are in rhythm. Sabay kaming tumakbo palabas sa pasilyo at sinundan ang babaeng lumalayo sa amin. Ngunit kasabay ng aming pag-takbo ay ang sigaw ng mga taong nasa loob. Narinig ko naman ang mahinang mura ni Kazuki kaya hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya.

"Kura help Fuma! Evacuate the people to the safe place. They're attacking!" malakas niyang saad.

Doon ko lang napansin na hindi na pala nakasunod si Fuma sa amin gayong nakita na niya kami kanina. Tumango naman si Kura, "Mag-iingat kayo!" huling saad niya bago muling tumakbo pabalik sa loob.

"To the left." utos ni Kazuki kaya agad akong napasunod.

Mariin akong tumitig sa likod ng babae ng makitang ilang metro nalang ang layo niya sa amin.

Stop.

Ngunit agad kumunot ang noo ko ng makitang hindi man lang huminto ang kanyang galaw. "I can't use my magic." bulalas ko.

Napaseryoso naman si Kazuki, "Maybe that's the power of the Sunstone that she holds." seryoso niyang sagot.

Muli ko namang napansin ang umiilaw na bato sa kamay niya. If that's the case.. mahihirapan kaming makuha ito sa kanya. Nakita ko pa kung paano lumingon ang babae sa amin na may ngisi sa kanyang labi.

I hissed. I really want to rip those lips!

Sabay naman kaming napahinto ni Kazuki ng biglang nagkaroon ng pag-sabog sa mismong tapat namin. Napa-atras naman kaming dalawa habang unti-unting lumitaw ang dalawang tao sa harap.

Gaya ng nakalaban namin sa Canes noong una, nakasuot silang dalawa ng roba habang unti-unti nilang binaba ang hood na nakatabon sa mukha nila.

"The one with whom I fought in Canes was wearing the same robe as them." malamig kong ani.


"They're the same group." hindi inakalang saad ni Kazuki.

A boy and girl appeared. Tumunog naman ang alarm ng gusali kaya hindi magpakali ang mga tao para lumabas. Ngunit nanatili kaming napahinto sa gitna habang kaharap ang dalawa. Nalipat naman ang tingin ko sa likod ng makitang huminto ang babaeng may dala na Sunstone.

"Go to amusement park." utos ng lalaking dumating.

Napakunot naman ang noo ko ng makitang tumango ang babaeng may hawak ng Sunstone at agad tumakbo. Akmang susunod si Kazuki nang bigla itong napatingin sa akin at napahinto.

"Go. Follow her." agad kong ani.

Tumitig naman ako sa kanya. "You choose me. I can manage." dagdag ko.

Nabigla naman ako ng makitang ngumiti ito. "Take care." tipid niyang ani bago muling tumakbo.

Akmang susunod ang lalaking dumating kay Kazuki habang may nabubuong espada sa kamay niya nang malamig akong nagsalita.

Disappear.

Stop.

Sabay silang napatingin sa akin nang marinig ito. Nakita ko naman kung paano lumawak ang ngiti ng babae habang nakatingin sa akin.

"A strong opponent." bulalas niya. "Noze!" sigaw niya. Tumingin naman ang lalaki sa kanya at ngumisi. Agad akong napa-atras ng makitang unti-unting dumadami ang mukha at katawan ng lalaki.. Noze.

"Cloning magic." saad ko sa aking sarili.

Hindi ko mabilang kung ilang clone ang nasa harap ko ngayon habang natatabunan ang dalawa sa likod. Ngunit nanatili akong nakatitig sa harap ng blanko.


Verdentia Empire: Endless RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon