Chapter 22: Unconscious

2.3K 93 5
                                    

Chapter 22: Unconscious

Mabuti nalang at malapit lang ang Thalindra sa kung saan kami. Mabuti nalang din na isa ang Thalindra sa natitirang building dito sa Canes na hindi nasira. Agad naman kaming inasikaso ng makita nilang isa kaming Sentinel. Ramdam ko pa ang pagka-gulat nila ng makita kami lalong-lalo na ang Prinsesa, ngunit tila alam nila kung bakit dito namin sila dinala.

Binigyan nila kami ng isang malaking silid na may dalawang higaan. Tinulungan din nila kaming buhatin at ilagay sina Jihen at ang Prinsesa sa naturang higaan. May pumasok namang mga naka-robang puti gaya ng suot ni Sora at isa-isang ginamot ang mga sugat nila sa katawan. Nang matapos yumuko muna sila sa amin bago lumabas sa silid.

Sabay naman kaming napa-upo ni Kura sa upuang nandito habang si Fuma ay nakatayo lang at pagala-gala sa loob.

Nang bigla akong makaramdam ng isang mabigat na presensiya. "He's here." malamig kong saad.

Sabay naman kaming napatayo ni Kura ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Kazuki at si Seika.

Malakas na tumibok ang puso ko sa kaba ng makita sila. Kazuki.. Captain Kazuki was coldly looking at us. Hindi ito kumibo habang nakatitig sa aming tatlo habang si Seika ay agad dumalo sa Prinsesa at inulan kami ng tanong kong anong nangyari. Ramdam ko ang panginginig ni Kura, at gaya ko nakayuko lang din si Fuma.

"What happened?" malamig na tanong ni Captain.

Mas lalong napayuko sina Fuma at Kura, ramdam ko ang namumuong tensyon sa loob ng silid, ang lakas ng tibok ng puso ko, ang ilang lunok ni Fuma, at ang panginginig ni Kura.

"I said... what happened?" muli malamig niyang tanong.

Huminga naman ako ng malalim saka dahan-dahan na inangat ang aking tingin hanggang sa pareho kaming nagkatitigan.

"There was a sudden attack in Canes. Tinawagan kami ni Jihen para humingi ng tulong. We flew towards here from Solstice." tangi kong ani.

Dahan-dahan naman itong tumango sa sinabi ko. "How did Jihen and Fana lose their consciousness?" tanong ni Kazuki.

Dahan-dahan naman na inangat ni Kura ang ulo niya. "I'm r-eally sorry wala akong n-nagawa Kazuki." nangingnig niyang tugon.

"I asked, how did Kura?" malamig niyang sambit.

Napayuko naman si Kura, "Nang makarating kami sa Canes agad kaming nag-hiwalay para tumulong at hanapin si Jihen. Ngunit ang Prinsesa ang una kong nakita, may kalaban ito na babaeng nakasuot ng malaking roba habang natatakpan ng maskara ang kanyang mukha. I shouted her name, at akmang tutulong ng biglang may lumitaw na kalaban sa aking harap.. kaya wala akong nagawa kung hindi lumaban."

Kumunot ang noo ni Captain, "I ordered Jihen to accompany Fana because we had a meeting. Where was Jihen at that time?" tanong niya.

"I saw her. Ako ang nakahanap sa kanya. May nakalaban itong may gravity magic. I help her. Sinabi ko sa kanya na umalis sa lugar na 'yon at hanapin sina Kura dahil nawawalan na ito ng nyxia. Hindi na niya kayang lumaban pa. Anytime, maari na siyang mawalan ng malay." mahaba kong sagot. Nakita ko pang sabay na napatingin si Kura at Fuma sa akin na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"They're strong, Kazuki. Kasama ko ang mga Sentinel ng Vilsa ngunit kahit sila ay nahihirapan sa mga kaharap namin. Tila ba hindi lang sila pumunta dito para mang-gulo, they're planning to destroy the whole city!" Fuma added.

Napatango naman si Kazuki sa sinabi niya, "Maybe, maari. How about the people?"

"We make sure to evacuate them."

Verdentia Empire: Endless RebirthDonde viven las historias. Descúbrelo ahora