Chapter 14: Picking

2.3K 90 22
                                    

Chapter 14: Picking


Nakayuko lang ako habang nag-hihintay tawagin ang pangalan ko. Sa mahigit na isang daang libo na sumali sa paligsahan tanging bente lang kaming naka-pasa. These twenty people are the new Sentinels in this empire and I'm one of them.

Katabi ko si Rin sa linya ngunit hindi man lang ito makatingin sa mata ko at hindi na nag-sasalita habang ang natitirang sumali na hindi nakapasa ay nasa likod naming bente. I wonder kung anong ginagawa nila Sister ngayon, alam kong hangad din nilang makapasa ako sa paligsahan at nagawa ko. Hindi ko alam kung anong gawing pakikitungo ng iba sa akin, dahil kahit dito sa loob ng arena ilag silang lahat.

Iniba na rin ang numerong nakakabit sa bandang puso namin kung saan ipinahihiwatig ang ranking namin sa paligsahan hindi na ang bilang namin sa listahan.


"This concludes the exam!" malakas na anunsiyo ng lalaki. "... So, candidates who numbers are called, please step forward. The captains will raised their hands if they would like you to be part of their Sentinels. The participants will decide if they would like to decline or accept, and if they are chosen by more than one captain they may choose which Sentinels they'd like to join." dagdag niya.




Gaya ng sinabi nina Kura at Fuma. Tatayo ka sa harap habang itataas ng mga Captains ang kanang kamay nila kung gusto nilang maging parte sa kanilang Sentinels, kung mahigit isang Captains ang nag-taas ng kanilang kamay pipili ka sa kanila.

Nagsimula nang mag-tawag ng numero ang taga-anunsiyo at hindi na rin ako nag-abalang makinig at tumingin kung sino ang Captain na nag-taas ng kamay nila. Hanggang sa natawag ang pangalawang numero. Agad kong itaas ang aking ulo at tumingin kay Rin na ngayon ay naglakad patungo sa gitna. Inilipat ko rin ang tingin ko sa itaas at nakitang apat na Captains ang nag-taas ng kamay maliban sa Cronus at Mecron.

Napasinghap naman ang mga manood sa kanilang nakita, kita ko naman ang pagliwanag ng kanyang mukha na kanina ay pawang nakayuko lang sa gilid ko.

"Choose your desire Sentinels."

"I choose... Navis."

Napangiti naman ang Captain ng naturang Sentinels. It makes sense though, she's from Haven, maaring mas gusto niyang manatili sa kanilang bayan kaya pinili niya ang Navis.

Malakas naman na tumibok ang puso ko ng bumalik si Rin sa gilid ko at tinawag ang numero ko. Biglang natahimik ang loob ng dahan-dahan akong naglakad sa gitna ng entablado. Malalim akong napahinga at tinaas ang tingin ko sa mga Captains.

Mas lalong napasinghap ang mga manonood ng makitang lahat ng Captains ay nag-taas ng kamay. Maraming bulungan ang nangyayari, at maraming hindi makapaniwala. Kahit ang mga Captains ay nakatingin sa isat-isa at ngumiti. Ngiting alam kong may ibig-sabihin.

They all want me.

"C-choose your desire S-sentinel." the announcer stuttered.

Sa lahat ng nakakita sa akin kanina kasama sina Kura at Fuma maaring alam na kung sino ang pipiliin ko. Sinuyod ko ng tingin ang lahat ng Captain hanggang sa tumigil ako at tumitig kay Captain Kazuki.

"I choose.... Cronus." malamig kong saad.

"W-woah! One Sentinel to Cronus." saad ng announcer at unti-unti naman akong bumalik sa aking pwesto kanina. Nakita ko pang tumitingin ang ilan sa akin ngunit agad iiwas ng tumingin ako sa kanila pabalik.


"Everyone! This concludes the exam! Thank you for joining in this prestigious event and better luck next time. The Royal Capital will be open until this evening, you may take a walk around the area. Thank you!"

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now