Chapter 17: First Mission

2.3K 86 3
                                    

Another day had pass. Buong araw akong pabalik-pabalik sa labas kahapon kakahanap kay Captain Kazuki ngunit wala talaga ito. Balak ko sanang mag-tanong ukol sa nangyari noong humingi kami ng tulong sa kanila.

Maaga rin akong nagising dahil maaga akong pinuntahan ni Jihen para sabihing may mission kami ngayon. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, mag-kahalong kaba at pagkasabik. Kaba dahil si Jihen ang kasama ko at pagkasabik dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Kahit hindi ko gusto, sinunod ko ang sinabi niya. Nagsuot ako ng kulay itim na dress at agad sinunod ang roba na nagpapatunay na isa akong Sentinel ng Cronus. Aagd rin akong lumabas sa aking silid at pumunta sa Cedar kung saan siya naghihintay.

Wala rin akong nakitang mga ibang myembro ng Cronus na pagala-gala at hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita si Fuma at Kura.

Nang makarating, agad kong nakita si Jihen at si C-captain Kazuki na nakaupo sa kanyang upuan sa harap. Biglang natuyo ang lalamunan ko sa uri ng titig nito, at mas lalong tumibok ng malakas ang puso ko sa kaba. Deritso naman ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa harap at pumunta sa tabi ni Jihen na nakatayo sa harap. Nakita ko rin si Fana, ang Prinsesa, sa gilid ni Kazuki. Agad akong yumuko ng kaunti ng makarating.

"Your mission is just to investigate." malamig na saad ni Captain Kazuki.

Sabay naming itaas ang aming ulo ni Jihen sa sinabi niya. Investigate?

"May I know the whole context, Captain." magalang na sagot naman ni Jihen sa kanya.

"If you didn't know the people from Valeria village were always trying to enter the empire. We don't know their possible motives so I will send you two to their land to find out what is going on with them." pahayag ni Captain Kazuki.

Hindi ko alam kung bakit nila ako pinili para sa mission na ito. Maaring dahil bago palang ako sa Cronus o dahil galing din ako sa labas ng emperyo. Agad nalipat ang tingin ko sa Prinsesa ng bigla itong magsalita.

"We will ensure the safety of the people inside, hindi natin alam ang balak nilang gawin to the point na nag-pupumilit na silang pumasok." dagdag niya.

Hindi ko mapigilang hindi magtaas ng kamay. Lahat naman ng atensiyon nila ay napunta sa akin. Walang emosyon akong tumingin sa Prinsesa na ngayon ay nakatitig sa akin.

"Parte parin sila ng emperyo. How can you say that? Na para bang hindi niyo sila tinatanggap bilang isang mamamayan sa emperyong parte ka sa namumuno?" malamig kong saad.

Nabigla naman ako ng hawakan ni Jihen ang kamay ko at pinalakihan ng mata. Napatitig lang ako sa kanya at hindi tinugon at pilit niyang pinapahiwatig.

"I've never been there. Kaya hindi ko alam ang ugaling ng mga nandoon." malumanay niyang sagot sa akin.

A blank face was visibly written on my face. "Why? Napuntahan mo na ba ang lahat ng bayan dito sa loob?" I answered.

Kita ko ang pag-kuyom ng kanyang kamao habang nanlinlinsik ang matang nakatingin sa akin. Akmang balak na itong magsalitang muli ng biglang tumikhim si Captain Kazuki at nabalik ang maamo niyang mukha.

I silently scoffed.

"You can go now. Find something relevent and go home. Jihen guide Haruka as a new Sentinel, and Haruka do your best and prove that you're from the Cronus. Dismiss." tanging saad niya.

Yumuko lang kami at agad naman akong kinaladkad ni Jihen papalabas sa Cedar, binitawan niya lang ako ng makalabas kami.

"What have you done, Haruka?! Pissing the Princess?! Ako ang natatakot sa'yo!" agad niyang sigaw.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now