Chapter 6: Solstice

2.7K 89 6
                                    

AN: Hi, everyone! Sadly, it may take a while for me to update this story, but I will try my best to fulfil my duties to you all. Thank you!

Chapter 6: Solstice

Ngayon ang araw na babalik ako sa Eldoria. Nakahanda na ako at nagbihis, tanging nag-hihintay nalang ako sa magsusundo sa akin. 'Yon ang sabi ni Sora.

She also gave me the dress that I worn. Ayaw ko sana at wala akong balak itong isuot ngunit nagpumilit ito sabay sabing lahat ng babaeng nandito sa Solstice ay ganito ay suot. Kung ayaw kong mapansin ng ibang taong nandito kailangan ko itong suotin.

Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas ito at bumungad ang nakangiting mukha ni Fuma kasama si Kura na kumakaway.

"Anong ginagawa niyo dito?" agad na tanong ko.

"Ano ka ba! We're here to fetch you!" sagot ni Kura at umakto pang nasasaktan.

Sumunod naman si Fuma sa kanya na ngayon ay umaktong umiiyak. Iniwas ko nalang ang tingin ko at mahinang napabuntong-hininga. Weird.

"Tayo na!" muling sigaw ng dalawa at hinawakan ang kamay ko. Sabay nilang ikinawit ang kamay nila sa braso ko. Pagkarating sa pinto, nagsiksikan pa kami para lang makadaan.

Talaga bang isa silang Sentinel?

Namangha naman akong nilibot ang tingin sa loob. Napakaraming nakasuot ng puting coat ang nandito na gaya ng sinusuot ni Sora, may maiilan-ilan din akong nakikita na mga taong labas pasok sa mga pintuan na nakasuot ng puting bestida.

"Anong tawag dito?" mahina kong tanong sa kanila.

Ngumiti naman si Kura sa akin, "This place is called Thalindra. Dito dinadala ang mga sugatan na mga Sentinel. Maliban sa mga indibidwal na may recovery at healing magic, the council create and develop a medicine that will help to cure your wounds." sagot niya sa akin.

Napatango naman ako sa sinabi niya, ngunit naisip ko kung para ito sa mga Sentinel mayroon din ba sa mamamayan na nakatira dito?

"Kung ang iniisip mo ay kung mayroon din sa mamamayan... oo. Naka sentro ito ng Solstice." saad naman ni Fuma sa akin.

Nakalabas kami sa Thalindra ng sabay. Muli kong nilibot ang tingin ko sa paligid at pinigilang mapasinghap. It was massive... no it screams luxury. Mga nagtataasang bahay, konkretong daan, at mga magagandang karwaheng ngayon ko lang nakita sa personal.

Sumakay kami sa isa. Ngumiti ang kutserong nagmamaneho sa amin nang mapansin niya ang suot ng mga kasama ko.

"Punta muna tayo sa sentro Haruka bago ka uuwi!" magiliw na saad ni Kura sa sakin.

"Anong gagawin ko doon?" tipid ko na sagot.

"We are going to tour you!" sigaw ni Fuma at itinaas pa sa ere ang kamay.

Malakas naman akong napabuntong-hininga at hindi na umangal pa. Alam ko namang hindi nila ako lulubayan kung aayaw ako. Hindi na rin ako tumitingin sa labas at tanging nakatutok lang sa harap. Kahit ang daan pinapakita sa akin na malayong-malayo ito sa Eldoria.

Eldoria does not have this kind of road. Walang konkretong daan doon, kaya pag umuulan napupuno ng putik ang aming mga sapatos.

"You look beautiful with that dress, Haruka!" Nabigla naman ako ng biglang magsalita si Kura at tumingin sa akin.

Umiwas lang ako ng tingin at hindi na sumagot pa. Napatili naman ito kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya. "I can't wait!" tumingin ito sa akin. "Bumalik ka agad dito, Haruka! We will be doing a pamper day!" sigaw niya.

Kumunot ang noo ko. "Pamper day?"

"Yes! Don't worry! Ako ang bahala sa'yo!

"Isama niyo ako!" biglang sigaw ni Fuma at nagsumiksik sa akin.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now