Chapter 8: Visit

2.4K 89 2
                                    

Chapter 8: Visit

Sabay kaming pumasok sa loob ng umupo sa bago naming lamesa. Masaya namang sumunod ang mga bata sa akin at umupo sa natitirang upuan. Kahit ang mga lamesa at upuan ay parang nasa Solstice ako.

"Ano pong nangyari nong wala ako dito?" tanong ko kay Sister Lena na nasa gilid ko.

Inasikaso naman ni Sister Mary ang mga pagkain na binili nila ni Akira at isa-isang inilapag sa lamesa.

"Gaya ng sinabi ko tinulungan kami ni Kazuki para ayusin ang bahay at ang ibang tustusin. Hindi nga kami makapaniwala ni Mary sa ginawa niya ngunit humingi ito ng pasensiya sa kakulangan nila." saad ni Sister Lena sa akin.

Nabaling naman ang tingin ko kay Sena na malaki ang ngiting tumitingin sa mga pagkaing inihain ni Sister Mary.

"Maayos ka na ba, Sena? Wala na bang masakit sa inyo ni Philip?" tanong ko at tiningnan din si Philip na nasa gilid niya. Bumalik parin sa isip ko ang nangyari sa kanilang dalawa nong nakaraan. Those people?! Nakalimutan kong itanong kay Kura kung nasaan sila!

Tumingin naman si Sena sa akin at ngumiti, "Maayos na kami, ate! Mabuti nalang at tinulungan kami ni Kuya Kazuki." masigla niyang sagot.

Tumitig ako sa kanya, "Isang Sentinel si Kazuki, Sena. Akala ko ba galit ka sa kanila?" seryoso kong tanong sa kanya.

Iniwas naman niya tingin sa akin, "Iba s-si Kuya Kazuki, ate. S-sinabi rin ni Philip s-sa akin na nagsasabi s-siya ng totoo." nahihiya niyang sagot.

Nilipat ko naman ang tingin ko kay Philip at agad itong tumango, "Ginamit ko ang kapangyarihan ko sa kanya ate! Sinabi ko rin ito kina Sister." segunda naman ni Philip.

Tumango ako sa kanila at muling tumingin kay Sister Lena habang kumukuha na ng pagkain ang mga bata at nagsimula nang kumain ang iba. "Hanggang ngayon nag-bibigay pa rin siya ng tulong?" tanong ko.

Tumango si Sister, "Oo galing sa kanya ang gintong pinambili ko ng pagkain natin ngayon. May nagpadala din ng sulat na nagsasabing maayos kana. Hindi namin alam ang nangyayari ngunit bigla ka nalang nilang dinala sa loob, Haruka. Sobra kaming nag-alala sa'yo."

"Balak ka sana naming bisitahin ngunit hindi kami pwedeng makapasok sa loob." dagdag si Sister Mary at umupo sa tabi ko.

"Pasensiya na po." tanging naisagot ko.

Ngunit sabay na umiling sina Sister. "Hindi Haruka. Pasensiya na sa abala namin sa'yo. Mula ngayon malaya kanang gawin ang gusto mo, maari ka ng maging Sentinel. Kung kami ang dahilan kung bakit ka ayaw mo, wag kang mag-aalala. Kaya na namin ang sarili namin." nakayukong saad ni Sister Lena sa akin.

Agad naman kumunot ang noo ko at tumingin sa kanilang dalawa. "Ano po ang ibig niyong sabihin?"

Napabuntong-hininga naman si Sister Mary kaya nalipat ang tingin ko sa kanya. "Nalaman namin na magiging Sentinel ka na, Haruka. Masaya kami para sa'yo."

What?!

"Magiging Sentinel kana, ate?" tanong ni Sena sa akin ngunit bakas ang tuwa sa bawat bigkas niya.

"Ano po ang Sentinel, ate Sena?" tanong naman ni Hiro sa kanya.

"Sentinel Hiro! Katulad ni Kuya Kazuki!" masigla niyang sagot.

Pumalakpak naman si Hiro, hindi ko nga alam kung naiintindihan niya ang nangyayari. Muli akong tumingin kay Sister Lena.

"Sinabi ba 'yan ni Kazuki?"

Umiling si Sister Lena, "Sinabi sa sulat. Walang sinabi si Kazuki sa amin, Haruka."

"Masaya ako para sa'yo, Haruka." segunda naman ni Sister Mary.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now