Chapter 2: Sentinel

3K 106 9
                                    

Chapter 2: Sentinel

Naikuyom ko ang kamao ko, "Anong ginagawa niyo?!" malamig ko na saad na nagpaatras sa kanila.

Parang naging bato silang nakatingin sa akin, ngunit... agad itong napalitan ng malakas na tawa. Tawang tila bumabalot sa madilim namin na lugar.

"Pinapatawa mo ako babae!" saad ng kasama nito ngunit tanging nakatitig lang ako kay Sena.

Sena was lying on the ground. Ang gusot at maputik nitong damit ay mas lalong naging hindi ka aya-aya. I shifted my eyes towards the two. Base palang sa suot nito alam kong taga-loob sila, ngunit anong ginagawa nila sa mahirap namin na lupain.

Napatitig naman ako sa lalaki habang unti-unti nitong itinaas si Sena gamit ang kapangyarihan niya. Pinapakita pa niyang nandidiri itong mahawakan man lang ang hibla ng kanyang damit.

"Man! Why did you bring me in this d-dirty area!" saad nito at pinagpag ang magarbo nitong damit.

Ngumisi naman ang isang lalaki at tumingin sa akin, he licked his lips as if I was something he should be eat. "This is fun!" nakangisi parin niyang ani at unti-unting naglakad papalapit sa akin.

Nakita ko namang unti-unting ibinukas ni Sena ang mata niya na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin. Tsk! She should not be smiling.

Ibinalik ko ang tingin sa lalaki na ilang dangkal nalang ang layo sa akin. He showed me his smirked, and scan my face, as well as my body.

"I can turn you into a fine woman. Just be my slave." nakangisi parin nitong ani. Ngunit peke pa itong nagulat, "My bad. Naintindihan mo ba ang sinasabi ko?" dagdag niya at tumawa.

Blanko akong tumingin sa mata niya, nakita ko pang nabigla ito ngunit wala na akong oras.

They are here. Someone will be here soon. May nararamdaman akong nyxia sa malapit. Hindi ko alam kung sino sila, ngunit kailangan naming makabalik ni Sena bahay-ampunan.

Nang akmang hahawakan na ng lalaki ang mukha ko ng bigla itong hindi makagalaw. Nakita ko pang naguguluhan ito sa nangyayari ngunit agad akong naglakad patungo sa lalaking may hawak kay Sena.

Napaataras naman ito na tila hindi alam ang nangyayari.

Kneel.

Bigla namang napaluhod ang lalaki na tila hindi alam ang nangyayari. Gaya ng lalaking hindi makagalaw ngayon nakakunot ang noo nitong tumingin sa akin.

Float.

Unti-unti namang lumutang si Sena papunta sa harap ko. Agad ko namang kinuha ang kamay nito habang unti-unti lumapat ang paa niya sa lupa.

Nabigla naman ako ng bigla ako nitong niyakap, ngunit hindi ko na pinahalata. "Nandito ako, Sena. Tahan na." mahina kong saad sa kanya.

Napunta ang tingin ko sa itaas na bahagi ng burol ng makakita ng apoy at makaramdam ng nyxia. Tingin ko naman ay napansin ito ng mga lalaki dahil pawang nanginginig ang kamay nito.

"S-sentinel.." rinig kong bulong ng lalaking nakaluhod.

Agad kong hinawakan ang kamay ni Sena, "Tayo na." tipid kong ani at hinila siya paalis.

I don't want to deal these two at bahala na ang Sentinel sa kanila. Ngunit bakit nandito sa ang mga Sentinel? Ni minsan ay hindi sila bumababa sa malaking bakuran na nakapaligid sa kanila maliban nalang kung may misyon sila na nasa labas.

Kahit ano pa 'yon ang mahalaga ligtas kong nakuha si Sena.

Napalingon naman ako sa likod ng biglang nagsalita ang lalaking hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. "Just... who are you?" mariin nitong tanong sa akin.

Verdentia Empire: Endless RebirthWhere stories live. Discover now