Chapter 1

65 5 1
                                    

BUMANGON si Pip at umunat-unat ng mga braso sa harap ko.

"Anong oras na ba?" tanong niyang siya rin ang tumingin sa relo para tingnan ang oras dahil nagkunwari akong busy sa pagsusulat. "Magi-8 am na pala. Nakatulog na ko't nagising lahat-lahat hindi mo parin natapos yan?" hindi makapaniwalang ani niya nang silipin ang gawa ko.

"Oh tapos na!" inis na sabi ko at ibinato sa mukha niya pero, mabilis niya itong nasambot, sayang.

"Sus, iilang sentences lang pala. Ngayon ka lang natapos dahil buong oras mo kong tinitigan no?"

Sumama ang mukha ko. "A-anong tinitigan? Nakita ko kasi may langaw na pumasok sa bibig mo!"

"Ano?" nanlalaking matang aniya. Gusto kong matawa pero hindi ko ginawa para asarin siya. "Weh, sinungaling!"

I gave him a serious look kaya naman bumalatay ang pamumutla niya. Pinipigilan ko talagang matawa sa itsura niya.

"S-seryoso?" pagkukumpirma niya at seryoso naman akong tumango.

"Aalisin ko na sana kaso nalunok mo yata."

Natawa na ako ng malakas nung ngumiwi siya at astang masusuka sa pandidiri.

"Samarra Merranda!!!" galit na sigaw niya pero iniwanan ko siya doon habang tatawa tawang nagtungo sa room namin.

Bukas na iyon at marami na akong kaklaseng nasa loob.

"Summer!" nilingon ko ang tumawag sakin mula sa likuran ko.

"Sky." nakangiting tawag ko sa kanya.

"Nakita ko kayo ni Pip. Anong nangyari don?" natatawang tanong niya at nagkibit balikat nalang ako saka nagpatiunang umupo sa seat ko na nasa gitna at malapit sa bintana.

Tumabi naman agad sakin si Sky at hinahanapan na naman ako ng kwento.

"Ano ngang nangyari?"

Napabuntong hininga ako habang inilalabas ang libro para sa unang subject namin sa umaga.

"Wala, sinabi ko kasing pinasukan siya ng langaw sa bibig niya dahil nakanganga siyang matulog."

"Totoo?" bulalas niya.

"Siyempre hindi." sabi ko naman at peke siyang tumawa habang binubuksan ang sariling bag.

"Sarap mong kausap e no?" sabi nito at tumahimik na din nang maalalang wala pa siyang assignment sa Science at nagmamadaling gawin iyon.

Maya maya ay pumasok si Pip kasama sina Ish at Caleb. Kaklase rin namin ang mga ito sa ABM habang si Huck at Reign naman ay nasa STEM.

Panay na ang tawa niya at mukhang nakalimutan ang pang-aasar ko sa kanya.

Pero akala ko lang yon, dahil nang makita niya ako ay agad sumama ang mukha niya at handa na sana akong komprontahin. Mabuti na lang dumating na si Sir Castro at agad kinolekta ang mga assignments namin.

"Mr. Lucero, labas!"

Nakasimangot na lumabas ng room si Ish at doon pina-squat.

Bumungis-ngis sina Pip at Caleb at sinilip sa labas ang kaibigan.

Ganoon ang parusa ni Sir Castro sa amin kapag wala kaming assignments.

Habang busy sa pagchi-check si Sir Castro ay panay ang pang-aasar nina Pip at Caleb kay Ish. Nasa malapit kasi sila ng pinto kung saan naandon sa gilid nakapwesto si Ish.

"Hoo." kunwari ay nagpunas ng pawis si Sky. "Muntikan na ko doon ah."

"Buti natapos mo." sabi ko.

"Oo naman, ako pa." aniya. Mas matalino siya kaysa sakin pero tamad nga lang mag-aral.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now