Chapter 9

33 2 2
                                    

"BAKIT hindi mo nalang i-text si Pip para siya na maghatid sayo?" pigil sakin ni tita Helen nang magpasya akong umuwi na.

Paggising ko sa umaga ay wala na si Pip dahil may trabaho ito.

"Hindi na po, tita. Maaabala pa si Pip. Iti-text ko na lang po siya kapag nakauwi na ko po ako sa bahay."

Wala naman siyang nagawa. "O sige, ikaw ang bahala. Ingat ka pauwi, ija."

"Opo, tita. Thank you so much po."

"Hm, welcome ka dito kahit kelan mo gusto."

Nagpaalam narin ako kay Philo na naging busy na sa pagre-review nito. Ang tatay naman ni Pip ay tulad niyang nasa trabaho narin.

Sumakay ako ng tricycle papunta sa village namin hanggang pauwi.

Nang makapasok sa bahay ay nagulat ako nang maabutan ko si mommy na busy sa paglilinis ng sala na madaming nagkalat na basag basag na kung ano ano.

Hindi na ako nagtaka kung sino ang gumawa niyon at napabuntong hininga na lang akong tumuloy.

"A-andito na po ako." normal na boses na sabi ko at natitigilan naman siyang nilingon ako. Dahil siguro iyon ang unang beses na ipinaalam ko ang pagdating ko.

"S-summer," napatayo siya at pilit ngiting lumapit sakin. "M-mabuti na lang at wala dito ang tito Rico mo. Pinuntahan iyong katrabaho niya."

Sa halip na sagutin ay tinitigan ko na lang ang mukha niya. Maga ang kalahati niyon at nangingitim na.

Umusbong ang kaunting kirot sa dibdib ko.

Bukod sa mukha niya ay meron din sa leeg na tila bakas ng pansasakal sa kanya.

I clenched my teeth. Namumuhi ako kay Rico dahil sa kalupitan niya. Pero naiinis rin ako kay mommy kung bakit hinahayaan niyang gulpihin siya ng demonyong yon.

Kahit may balot na long sleeve blouse ang katawan niya ay alam kung mas marami akong makikitang pasa doon.

Nakaramdam ako ng awa nang mapagmasdan ko ang itsura niya. Sobrang bumagsak ang katawan niya ngayon.

Nakatingin kami sa isa't isa at parehong walang masabi.

Nakaawang lang ng bahagya ang bibig niya at may gustong sabihin pero pinili nitong pilit na ngumiti sa akin.

Nangilid ang luha ko dahil sa awa at gusto ko siyang yakapin pero sa halip na gawin iyon ay tinalikuran ko siya at nagmadaling umakyat sa kwarto.

"S-summer." pahabol na tawag niya pero hindi ko na siya nilingon at pumasok na lang saking kwarto.

Napabuntong hininga ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko habang nakaupo sa kama.

Nang kumalma ako ay pumasok ako sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong makaligo at makapagbihis ay lumabas ako ng aking kwarto.

Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago bumaba muli papunta sa sala.

Nakatalikod si mommy habang abala sa pamumulot ng basag na base kaya hindi pa niya ako nakikita.

Saka lang siya napalingon nang gumawa ng ingay ang pagwalis ko sa maduming sahig.

"S-summer anak. A-ako na ang bahala dito."

"Ako na po dito." mahinahong sabi ko na nasa winawalis ang paningin. "Magluto nalang po kayo ng tanghalian natin."

Tumahimik ang paligid kaya alam kong natigilan siya sa sinabi ko.

"A-ah sige anak. Ano bang gusto mong lutuin ko para sayo?"

"Yung paborito ko po." sagot ko nang hindi parin siya nililingon.

Hindi ko na sinabi kung ano ba yung paboritong ulam ko. Gusto kong malaman kung naaalala niya pa iyon dahil maliit pa ako nung natikman ko ang potaheng iyon na niluluto niya para sakin noon.

"Sige anak. Magluluto na ako. Maiwan na muna kita."

Ramdam ko ang tuwa sa boses ni mommy kahit na hindi ko nakita ang itsura niya.

Nang makaalis ito at nagtungo sa kusina ay ipinagpatuloy ko ang paglilinis ng kalat doon.

Grabe ang lalaking iyon, halos lahat yata nang nakita nito sa sala ay sinira at binasag nito.

Halos 20 minutes din ang lumipas bago ko nalinisan ng husto ang sala. Sakto din nang matapos ako ay lumabas si mommy na magkahawak ang mga kamay sa likod niya.

"Luto na ang pagkain anak. Halika na't maglunch." nakangiting aniya.

Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Naghugas muna ako ng mga kamay bago lumapit sa mesa.

Hinintay niya muna akong makaupo bago siya umupo sa sariling upuan sa tapat ko.

"I-I miss this..." napatingin ako sa kanya nang bitawan niya ang salitang iyon. Ngumiti lang siya saka umiwas ng tingin at nilagyan ng kain ang plato ko. "K-kain na anak."

Hindi naman ako nakapagsalita at kumilos na lang para kumain.

Sa loob-loob ko ay nasisiyahan akong makitang iniluto niya ang favorite na ulam ko, ang chicken curry.

Agad akong nagsandok ng ulam saka inihalo iyon sa kanin bago kainin.

Hmm

Halos muntikan ko na iyong masambit dahil talagang na-miss ko ang masarap na luto niyang iyon.

Emosyonal akong kumain ng kumain niyon. Nang mamasa na naman ang mata ko ay yumuko na lang ako para hindi niya mapansin.

Nang matapos kami ay agad niyang kinuha ang hugasin at dinala iyon sa lababo.

Sumunod naman ako doon.

"Ako na po ang maghuhu---"

"A-aray!" nagulat ako nung mapahiyaw siya sa sakit nang masanggi ko ng siko ko ang tagiliran niya.

"Okay ka lang, mommy?" nag-aalalang tanong ko at pilit naman siyang ngumiti.

"A-ayos lang ako anak. N-nabigla lang ako sayo."

Salubong ang kilay kong napatitig sa kanya. Batid kong nagsisinungaling siya kaya pabuntong hininga kong hinawakan ang laylayan ng damit niya at itinaas iyon.

Napasinghap naman ako nang makita ko ang mga latay sa likod niya. Hindi, mukhang buong katawan niya ang may latay na kung hindi violet ay nangingitim na.

"Bakit niyo hinahayaan na saktan kayo ng ganyan ng taong yun, mommy?" galit turan ko.

"A-ayos lang ito, anak. Kaya ko naman.."

"Kaya?" di makapaniwalang sabi ko. "Ikamamatay mo ang pangbubugbog niya sayo, mommy! Bakit ba hindi mo na lang siya iwanan? Umalis na tayo dito mommy." naluluhang sabi ko at nagulat akong umiling siya ng umiling.

"Hindi pwede anak. Hindi ko siya pwedeng iwanan." naluluha naring sabi niya.

"Pero bakit? Bakit mommy?"

Hindi siya nakasagot at panay lang ang iling sakin.

"Hahayaan niyo lang na halos patayin kayo ng lalaking iyon?" lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Mommy, b-bat di nalang natin hanapin si Daddy? I'm sure tatanggapin niya tayo. Patatawarin tayo ni Da---"

"No!" natigilan ako sa paghisterya niya. "W-wala na tayong babalikan, Summer. Mas lalong hindi niya na ko kayang balikan ngayon."

"Bakit nga, Mommy?" inis nang sabi ko dahil hindi niya masabi ang totoo.

"P-please stop!"

"Hindi ako titigil mommy?" galit na sabi ko at nauubusan naman siya ng pasensya sa akin. "hangga't hindi ko nalalaman kung bakit ayaw mong iwanan ang Rico na y---"

"B-buntis ako..." anas niya.

Nang makita niyang nagsalubong ang kilay ko ay inulit niya iyon.
"I'm pregnant."


***

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon